9: 2nd Case: Secret Admi-Stalker?! PART 2

131 10 3
                                    

Pagkatapos ng klase ay tinawag ako ng anak ng mga Laverista kaya naman puro bulong-bulungan na naman ang narinig ko pag labas namin sa room. At kung umayaw rin naman ako sa yaya n'ya ay baka malaman pa nila kung saan kami pupunta at kung ano-ano pa ang sabihin kaya naman hinayaan ko na lang ang mga bulungan nila at sumama.

"Journey! Yung crane!" Sigaw ni Ruelleanna sa akin habang nakatingin nang malungkot.

"We will do it tapusin lang namin 'to ng anak ng mga Laverista." Ani ko kaya naman wala itong nagawa kun'di ang tumango na lang at mag pout kaya naman dinaluhan s'ya ni Drox at inasar.

"You're calling me Anak ng mga Laverista the whole time?" He ask kaya naman tumango ako.

"Yea, we're not close enough to call each other's names." I said at nagpatiuna na dahil sa mga mata na nakatingin sa amin at pagbubulong-bulungan nila.

"Still calling me Ryu is formal and casual than calling me Anak ng mga Laverista or just call me Laverista" Sabi nito sakin at mas nauna kaya naman hinayaan ko na lang s'ya at hindi na nagsalita.



"HEY, anak ng mga Laverista, saan ba tayo pupunta kanina ka pa lakad nang lakad." Hingal na sabi ko.

Kanina pa kami naglalakad simula ng umalis kami sa room at wala man lang kaming hinintuan kahit nandito na kami sa park, bigla na lang itong tumingin sa akin at nagsalita.

"I'm thinking kung saan makikita si Primo since sa club lang naman daw s'ya nagpapakita sa kan'ya." Sabi nito habang ang kamay ay hawa-hawak ang isa sa mga black envelope na ninakaw n'ya kay Shyra.

"But did you know their faces? Kahit mag hanap pa tayo ng ilang dekada kung hindi mo naman alam ang mukha nila ay wala rin."

"I know their face and actually, tatlo sa kanila ay nakasalubong na natin." Napaangat ang kilay ko sa sinabi n'ya so hindi lang kami lakad nang lakad ngunit hinahanap namin sila?

"How?" I was flabbergasted to think na naglalakad lang kami but may nagagawa na pala kami na hindi ko alam at hindi man lang n'ya sinabi sa akin.

"Ms. Castro sent their picture and social media account." Ngising sabi nito sa akin.

Nasa isa kaming park ng school at nakaupo habang tumitingin ng mga taong nag ba-basketball. "Did you think the stalker did that kung pwede naman sila umamin na lang if someone didn't accept you then at least you try, right?" I asked him habang nakatingin sa mga nag ba-basketball.

"Humans usually act for a cause, so perhaps he's terrified of what she'll say, do, or say back to him if he confesses. Because of this, he believes it is preferable to be in the dark and to remain nameless rather than deal with it. Each individual has a reason for their actions."

I was nodding all the time he speak to me pero hindi namin napansin na may nakaupo na pala sa tabi ng anak ng mga Laverista. "You're good at advising people, Bro, sorry if nakinig ako but I think I need it the most." Nakangiting sabi nito habang may pait na kasama ang mga ngiti n'ya sa 'min.

"Why? Are you experiencing it po?" Tanong ko rito kaya naman tumango s'ya at tumingin sa taas, sa mga ulap.

"Yes, I like someone in our club but I don't know how to say it HAHAHAHA torpe na kung torpe pero kahit anong gawin ko ay hindi ko kayang makipag-usap sa kan'ya dahil nag iiba ang takbo ng puso ko at kinakabahan ako pag katabi at kausap ko s'ya." Mahina itong natawa at napatingin sa anak ng mga Laverista na nakatingin lang rito.

"See, pano s'ya makakapag confess kung ganyan ang nararamdaman n'ya?" Ani sa'kin ng anak ng mga Laverista pero inirapan ko lang ito kasi gets ko naman s'ya hindi n'ya na kailangan pang ipamukha sa akin.

The Unknown DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon