7: Never back to normal

120 8 7
                                    

Nakailang beses nang sumikat ang araw habang nag-aaral ako sa loob ng Laverista Univerisity at nakailang beses na rin akong pumapasok ngunit hindi pa rin nawawala ang mga balita about sa pag solve namin sa case ni Analyn, Chloe, at Mhykaella. Minsan akala mo ay mawawala na ngunit mamaya maririnig mo na naman na pinaguusap-usapan.

At ang mas malala sa lahat ay ang rumors about sa amin ng anak ng mga Laverista na in relationship daw kami dahil same kaming gumawa nang gulo sa unang pasok pa lang para makapag-usap daw at same kami na nag transferee. Ewan ko kung paano tumatakbo ang mga utak ng mga delusional na mga student na iyon. At dahil din doon may mga kaaway akong babae dahil nilalandi ko daw ang anak ng mga Laverista at sila naman ang mga hindi naniniwala na may relasyon kami at isa lang akong pick me.

"Hello, Journey!" Nakangiting sabi ni Ruelleanna nang magkita kami sa room kaya naman tinanguan ko s'ya.

"Journey!" Agad akong napalingon sa taong tumawag sa akin.

Nakangiti ito at kumakaway sa akin kaya naman kinawayan ko na lang at naupo na nang tahimik. Pag tapos ng aksidente ay naging mabait sa akin ang mga kaklase ko at dahil sa gulo ko nung unang pasukan ay lagi akong binabati pagpasok ko sa room araw-araw.

Pagkaupo na pagkaupo ko ay saka lang pumasok si Ms. Echague ang favorite kong terror teacher. Nakataas ang kilay nitong pumasok sa room namin. Mostly ng student na nandito ay ayaw sa kan'ya but I like her siguro yun ang pagkakaiba ko sa ibang tao.

Natapos ang pagtuturo n'ya na nakikinig lang ako ng maayos rito habang ang katabi ko ay hindi man lang nakikinig at nakikita ko pa na tingin nang tingin sa cellphone n'ya o kaya sa oras.

I don't know what his deal but I guess ay gusto n'ya mag cutting o kaya may gala with tropa at hindi makapag-antay dahil sa sobrang excited dahil ngiti lang ito nang ngiti kanina pa. Hindi ko na lang ito binigyan ng pansin at nakinig na lang ng iba pang discussion.

Malapit na ang event na gagawin kaya naman lahat ng student sa Laverista ay nag hahanda na, they say na may prize àng magandang design ng classroom kaya naman sagana ang mga kaklase kong gumawa.

Hindi mo talaga akalain na hindi malaya ang mga nandito dahil para bang hindi nila kayang bilhin or affod man lang yung kung ano mang prize ang ibibigay ng school na 'to.

"Madison,Torres, and Laverista pare kayo para sa project." Ani ni Ma'am Diaz na may galit pa rin sa akin hanggang ngayon.

We need to do 50 paper crane in a day until 7 day to make a 350 paper crane na isasabit sa room namin dahil sa ewan I forgot why about ata sa wish kineme need kasi ata meaningful ang mga ede-design mo sa room.

"Yes, hello Mr. Laverista." Ngiting sabi ni Ruelleanna na ikinatango lang ng anak ng mga Laverista.

"We need to make 17 in a day by ourselves in 7 days." Ani ng anak ng mga Laverista na seryoso sa sinabi nito habang nakatingin sa relo n'ya na akala mo ba ay may hinabol na oras.

"But the real goal of this event is to make friends and have a good talk with them." Ani ni Ruelleanna habang ako ay nanonood lang sa kanila.

"Sorry but I'm not here to make friends." Walang filter na sabi ng anak ng mga Laverista kay Ruelleanna na kita ko naman na nasaktan sa sinabi ng anak ng mga Laverista kaya napataas ang kilay ko.

"Can you be more gentle to your own words?" Agad napatingin ang anak ng mga Laverista sa sinabi ko rito at ngumisi.

"Being gentle can bring much pain, Red Hair, so I don't recommend it." Ani nito bago umalis kaya naman sinundan ko ito dahil paiyak na si Ruelleanna nang iwan namin. He needs to say sorry to her!

Recess na kaya naman maraming tao ang nasa hallway na ngayon ay nakatingin sa amin ngunit wala akong balak na mabahala man lamang sa kanila at sinundan lang ang anak ng Laverista ngunit kahit anong tawag ko rito at kahit na anong sabi kong tumigil ito ay tuloy lamang ito sa paglalakad kaya hindi ako maka habol dito.

Hindi ko namalayan na huminto pala ito kaya naman nasubsob ako sa likod nito kaya naman pinanlisikan ko s'yang tinignan ngunit agad ding nawala ng makita kong may cute na babae ang nasa harapan nito at nagulat na makita ako.

"Hello. Journey!" Nagulat ako na kilala ako ng babae.

"Hi!" Bati ko pabalik.

"Why did you follow me instead of sticking to your nosy friend?" Tanong nito sa akin pero hindi ko ito sinagot.

"Uhm can we talk in a quiet place po? I can see some eyes are watching us." Kita ko ang pagkahiya nito habang sinasabi n'ya iyon kaya naman tumango ang anak ng Laverista at naunang maglakad kaya naman sumunod na lang ulit ako kesa naman maiwan ako roon.

"Name and case, please." Ani nito bago pinagcross ang mga kamay.

I'm still lost but wala akong balak mag tanong kung ano man ito.

"I'm Shyra Guarlia Castro and I'm dealing with a stalker."

The Unknown DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon