6: Vier Ryu Laverista & LSU

125 12 7
                                    

Pagkatapos ng nangyari ay naging instant celebrity agad kami sa buong school with a bad and good comment of course. Which is I really don't care dahil alam ko naman na madali mawala ang mga bali-balita na yan at sa susunod ay makakalimutan din nila ito.

At dahil sa nangyari ring iyon ay muntik na kami i-suspinde dahil nangingialam daw kami ng trabaho ng iba buti na nga lang at nandoon ang anak ng mga Laverista kaya wala kami natanggap na parusa—Sana! Kaso sinagot ko kasi yung principal kaya ayun school service kami ng isang linggo na hindi naman kinaimik ng anak ng mga Laverista.

Sinabi ba naman kasi ng self proclaim na manghuhula na yun na hindi kami aasenso sa buhay kung mangengealam kami sa trabaho ng iba kaya ayun na sagot ko magaspang dila, eh. "Alam nyo nahuhulaan ko na ang mangyayari sa inyo, 'di kayo aasenso sa buhay dahil sa pakikialam nyo at baka nga mamatay pa kayo dahil sa pinag-gagawa n'yo."

"Ang galing mo talaga, Journey!" Natatawa na sabi ni Ruelleanna habang tinitignan kaming naghihirap dito kakawalis habang s'ya naman ay nakatingin lang sa amin, hindi raw kasi s'ya marunong maglinis kaya kahit na gusto n'ya tumulong ay wala s'yang magawa, hindi 'man ako naniniwala sa sinasabi nito ay hinayaan ko na lang dahil hindi rin naman n'ya problema ang giangawa namin ngayon.

"I didn't mean it kung hindi lang din talaga pakialamera yung self proclaim na manghuhula na yun hindi ko s'ya sasagutin." Bulaslas ko na mas ikinatawa nito.

"Still Principal yun sana hindi mo na lang sinagot tapos nag rant ka na lang sa 'kin edi sana hindi kayo nag lilinis d'yan." Dahil sa sinabi n'ya ay tinignan ko s'ya.

"Well okay lang na maglinis satisfied naman ako sa pagsagot sa kan'ya." Sabi ko sabay tawa nang malakas na ikinangiwi ni Ruelleanna.

"Ryu and Journey, you have seemed to be enjoying your punishment." Agad na naibaling ko ang tingin ko sa lalaking nagsalita at tama nga ako ng hinala si Detective ang nagsalita habang may ngiti ang labi nito.

"Detective Morison..." Ani ni Ryu habang nakatingin dito with an intimidating eyes kaya naman natawa si Detective.

" I have to go now, Ryu. Journey, bye!" Ani nito at natutuwang naglakad papalayo sa amin kaya naman tinignan ko si Ryu.

"Totoo ba talagang detective yun?" I ask na ikinatawa nito pero agad din bumalik sa sarili n'ya saka tumango at ipinagpatuloy ang paglilinis.


Nang matapos kami sa paglilinis ay agad na rin kaming umalis dun at pumunta na sa room, pinaglinis muna kasi kami ng may crush kay Detective, gurang na pakarat pa rin yung Principal na yun.

"Nandito na sila!" Malakas na sigaw ng kaklase namin pagbukas na pagbukas ng pintuan kaya naman irita akong umupo sa upuan ko dahil sa ingay nila. Pagod ka na nga, maingay pa sila, hay buhay.

"Red Hair ang galing mo kanina!" Ani ng kaklase kong si Dashan Mobiano isang sikat artista habang nakikipag siksikan makalapit lang sa amin.

"Thank you." Walang kabuhay-buhay kong sagot dahil sa pagod.

"Ryu you are super handsome tapos smart pa!" Natutuwang sabi ng mga babae na pinapaligiran kami.

"Can I be your Girlfriend, I will treat you right!" May kung ano-ano pa akong naririnig na hindi ko na pinakinggan dahil na aasiwa na ako.

"May you please sit down in your own chair?" Isang masungit na boses ang narinig namin sa unahan kaya naman agad na nag sibalikan ang mga taong nakapaligid sa amin.

"What did I see? Huh? Tama ba na mag si tayo kayo at paligiran ang kaklase n'yo habang nag aantay ng teacher?!" Iba ang lakas ng boses nito nakakanginig ngunit I like terror teacher wag lang akong gawing target at t'yak na mamahalin ko s'ya.

"Ms. Madison, you did great by saying those things to Ms. Tadeo, but please don't do it again because it's our responsibility if someone gets hurt." Agad kong naitaas ang mukha ko sa sinabi nito bago ako tumango.

"And you, Mr. Laverista, please don't do it again. I watch you touch and smell the poison in the cup. What if you were to get the poison from only touching or smelling it? Never do that again!"

"Class is dismissed. You all are free to do anything during my hour today, but stay inside and don't bother Mr. Laverista and Ms. Madison."

I think I know who is my favorite teacher now

Pagkatapos ng klase nito ay may pumasok na na bagong teacher ngunit hindi ako nakinig dahil lumilipad ang isip ko tungkol sa anak ng mga Laverista dahil sa mga alam nito tungkol sa mga bagay-bagay na nababasa ko lang sa libro and how can he be close to a real detective na nakakapag joke pa sila sa isa't-isa?

Is this because he is a Laverista? Or is it something else? Bago ko pa mapansin, matagal na pala akong nakatingin dito at agad itong tumingin sa akin habang ang mata ay nagtatanong kung bakit nga ba ako nakatingin sa kan'ya kaya naman ibinaling ko na lang ang aking mata sa teacher namin na nagsasalita sa harap.

Ngunit hindi talaga mawala sa akin ang mga tanong na bumabagabag sa isipan ko tungkol sa pagkatao n'ya, sino nga ba s'ya aside na isa s'yang Laverista. I know Laverista's Username since I was a kid cause they always talk about it because nga naman ang Laverista ay may kinder hanggang college at lahat ng mga magulang ay umaasa na maipasok ang mga anak nila sa school na 'to.

Pag tapos ng klase ay agad kong sinundan ang anak ng Laverista na pumunta sa dorm n'ya ng patago but wala naman itong ginawa na kahit na ano kaya pumunta na lang ako sa dorm at nagpahinga. Common sense na lang na magkaiba ang dorm ng babae at lalaki at sobrang magkalayo pa kaya naman pagod-pagod akong nag lakad papunta sa dorm namin.

"Sa'n ka pumunta?" Usisa naman nito sa akin nang makarating ako sa room namin pero hindi ako nagsalita at humiga lang sa kama ko.

"Magkasama ba kayo ni Mr. Laverista?" Panunukso na tanong nito habang nakangisi kaya napa irap na lang ako na ikinatawa nito.

"Anyways, Iwasan mo kasama si Mr. Laverista for your own sake since maraming speculation na mag jowa raw kayo dahil kakalipat lang daw ni Mr. Laverista rito at kakalipat mo rin. I am totally okay if kayo nga but masyadong halata." Hindi ko pinansin ang huling sinabi nito dahil iba ang focus ko at mas nagkaroon ako nang interest sa sinabi nitong bago lang ang anak ng mga Laverista rito kaya agad akong napa-upo sa kama at nag tanong dito.

"What do you mean? New lang s'ya sa school na 'to?" Nagtataka ko na tanong na ikinatango naman nito bago nag salita.

"Well they say yes, Wala pa naman daw kasing isang dekada 'tong school na ito, parang 3 years pa lang ganon."

Huh? 3 years? Well, I don't know about that dahil hindi nawalan na ako ng pake sa Laverista dahil masyadong high ang tuition at standard para maabot ko sila at hindi rin sila ma-social na school kaya wala rin akong nakikitang updates sa facebook or kahit saang platform.

"Huh?" Nasabi ko na lang para palawakin n'ya ito at upang mas maintindihan ko.

"Well 3 years ago pa lang naipapatayo ang Laverista South University. Isa raw ito sa pinaka bagong school and ang pinaka old ay yung East kung saan dati nag-aaral ang si Mr. Detective." Natawa it sa huli n'yang sinabi.

"Wait so ilan ang Laverista University ngayon?" Tanong ko rito dahil kung magsalita kasi ito ay akala mo sampu ang campus ng mga Laverista.

"Well apat daw ata at hindi na raw madadagdagan o mababawasan. So meron silang south, east, west, and north na ang layo sa isa't isa ay halos 3 hours wala pa yung traffic, ah." Tango na lang ang naging reply ko rito bago hinayaan ang sarili na bumagsak ulit sa kama.

The name make sense now but this is new cause walang na balita na gan'to sa news feed ko o siguro ay hindi lang talaga dumaan pero alam ko mga 5 years ago ay isa lang ang school nila dati ngayon pala ay apat na. That made me think to many question kasama na ang sinabi na pag lipat ng anak ng mga Laverista rito. What is the deal or am I making it a big deal?

The Unknown DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon