8: 2nd Case: Secret Admi-Stalker?! PART 1

109 9 2
                                    

"I'm Shyra Guarlia Castro and I'm dealing with a stalker."

I was shocked, she looked younger than us and she was experiencing this thing?! Kahit na siguro sanay ka sa mga stalker at admirer hindi pa rin mawawala ang trauma na makukuha mo sa mga gano'n lalo na at sobrang bata pa n'ya.

"kelan pa yan?" Tanong ko kaya naman nag isip muna ito bago n'ya ako sinagot.

"A month na kaso po last week lang s'ya nag decide na gumawa ng bagay na nag pa-creepy sa akin."

"A month ago na nangyayari sa kan'ya but last week lang s'ya naging creepy? What if ibang guy na 'yan?" I asked pero umiling s'ya.

"Hindi pwede! S'ya lang ang taong nagbibigay sa 'kin ng black envelope." Ani nito sa 'kin. Parehas kaming natigilan sa sinabi nito.

"Can we see that black envelope?" Pangunang tanong ng anak ng Laverista kaya naman tumango si Shyra pero agad din tumungo at tumingin sa amin.

"I forgot na magdala, I'm sorry." She said kaya naman buntong hininga na lang ang anak ng mga Laverista bago sinabi na kunin n'ya at sasamahan namin s'ya papuntang dorm.

Aalis na sana ako ngunit nahawakan ng anak ng mga Laverista ang kamay ko kaya naman kinunotan ko s'ya ng noo pero hindi ito nag patinag at tinaasan lang ako ng kilay at mas lalo pang hinigpitan ang pag kapit nito sa kamay ko.

"I tell you, you should stay with your friend rather than going with me. It's your fault, Red Hair, so you should go with us." Ani nito bago ulit tumingin sa babae na nakatingin lang sa amin.

"Lead the way, can you?" He said with the taas kilay kaya naman mahina itong tumango bago huling tinignan ang kamay namin na magkahawak dahil sa ginawa nito ay na uncomfortable ako kaya agad ko sanang aalisin ang kamay ko pero hindi ito tinanggal ng anak ng mga Laverista at tinignan lang ako ng masama at hinila ng magsimula nang mag lakad si Shyra kaya naman wala akong nagawa



"Here" Shyra said saka abot sa amin ang isa sa black envelope na nakalagay sa ilalim ng drawer n'ya at ang isang bago lang daw na nakuha n'ya kanina.

Agad naman itong sinuri ng anak ng Laverista bago ibigay sa akin na sinuri ko rin. Pansin ko na magaling ang taong gumawa nito dahil printed ito at hindi mo malalaman kung sino nga ba ang nagsulat dahil wala kang pag babasehan ng penmanship at napansin ko rin ang may mga litrato ang loob nito na ang likod ay may mga printed din na salita.

"So pano nangyari iyon?" I asked habang ang mata ay naka focus kay Shyra pero bago pa ito mag salita ay biglang na lang tumunog ang cellphone ng anak ng Laverista at pinatahimik kaming dalawa.

"Yes," Hindi ko maintindihan pero patuloy s'ya sa pakikipag usap sa telephone habang naglalakad-lakad sa loob ng dorm.

"I'm so sorry our cousin called me for some good news. By the way, how's your life, Shyra?" Kita ko ang pag iba ng boses nito kahit na parehas lang naman ang mukha nito sa natural nitong poker face.

"I-I'm good." Sagot ni Shyra nang makareceive ng text sa cellphone nito.

"Wh—" Hindi ko na ipagpatuloy ang pagsasalita ng biglang takpan ng anak ng mga Laverista ang bibig ko at saka nag sign na manahimik ako na ginawa ko naman kahit na naguguluhan.

"Uhm let's go outside may nakalimutan kasi ako and nagugutom na rin mukhang wala namang pagkain sa dorm mo kaya siguro pumapayat ka." Ani ng anak ng mga Laverista at saka ako hinila palabas na ikinasunod namin ni Shyra.

"What happened to the both of you?" Takang tanong ko ng nasa lobby na kami ng dorm.

Agad naman na nag signal ang anak ng mga Laverista na lumabas muna kami kaya naman sumunod kaming dalawa sa kan'ya.

The Unknown DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon