27: Field Trip PART 2

37 3 2
                                    

Imbis na pahinga ang gawin namin ay pumunta kami sa bayan. Kulang pa rin kasi kami sa gagamitin kaya naman kung mag papahinga kami ay baka wala kaming gamitin para bukas.

Buti na nga lang at hindi malayo ang bayan sa bahay ni Lola Roden dahil baka bago pa kami makapunta sa bayan ay pagod na pagod na kami.

This place is an island pero kahit na gano'n ay malayo pa rin ng konti ang beach sa bayan kaya naman talagang mag e-exercise ka nang malala kung galing kang hotel papunta sa bayan.

"Saan tayo pupunta?" Tanong nito sa akin.

"We need to buy a swimsuit." Wika ko habang ang mata ay natingin-tingin sa mga shop.

"Buy for us, I'll check something. In 20 minutes let's meet up in this place." Sabi nito bago ako iniwanan.

Hindi naman ako nag sayang ng oras at tumingin-tingin ng pwedeng bilhin. Mas okay na rin siguro na lumayo s'ya sa akin dahil baka mainip lang ito sa tagal ko mamili.

"Miss, bili ka na!" Ani ng nag bebenta ng Keychain ngunit hindi ko pinansin at pumunta sa isang clothing shop.

Hindi kasi ako mahilig bumili ng abubot na alam kong maitatambak lang naman at worse itapon ko lang dahil hindi naman kailangan.

Namili ako ng dapat an suotin at binilhan na rin si Sachi. Dahil sa bilis ng pag hahanap ko at mamaya pa naman kami mag kikita ay nag libot-libot na lang ako sa bayan.

Their bayan is organized kanina sa bus ay sinasabi ng teacher namin kung ano nga ba ang meron sa isla na ito. Kahit na isla kasi ito ay modernized ito dahil sa maraming bisita ang pumupunta kada-taon. At ang masasabi ko ay bakit ito ang pinili nilang isla kung alam nilang tourist spot ito at marami ang tao?!

Wala tuloy kaming natuluyan na maayos at kailangan namin mag tiis sa bahay ni Lola Roden. I'm still grateful na nakakita kami ng pwede pag stayan but still, kung maayos lang sana sila sa pamimili edi sana wala kami sa position na nakikituloy sa bahay ng iba.

"Miss, baka gusto mo ng water melon?" Hindi ko ito pinansin ngunit nangulit ito kaya naman pumayag na lang ako at bumili kahit labag sa loob ko.

My feet hurts kaya umupo muna ako sa isang hagdanan at doon ay nag masid-masid sa lugar nila habang kinakain ang water melon na nabili ko sa kanina pa lako nang lako sa akin ng matamis n'ya daw na water melon pero pag tikim ko hindi naman.

A lot of them speak english so well, siguro ay dahil sa foreigners na lang ang

laging ang nakakausap nila kaya naman nahasa na ang kanilang pag e-english. Mas marami pa nga ang mga taga-ibang bansa sa lugar na 'to kesa sa mga pilipino.

Habang nag mamasid ay napukaw ang mata ko sa isang truck na mukhang may mabigat na karga pero hindi nila ito ibinababa sa kahit na anong pwesto sa bayan kaya naman naiki-chismis ako ng makita ko na parehas bumababa ang driver at pahinante ng truck at pumunta sa hindi matao na lugar.

Maybe I'm Idiot na to do this but if I'm not doing this but my curiosity will kill me, so fuck it.

"Ano ba sabi?" Tanong ng pahinante.

"Ewan, wala naman akong pake hanggat may pera akong nakukuha."Sabi ng Driver.

"Kilala mo naman sila, kailangan natin mahanap ang Hollow. Pag 'yan hindi na dispatsya nang maayos ay malalagot."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Hollow...

Kasali ba sila sa sindikato? How did Hollow make it this far? Sobrang layo ng Laverista University dito!

"Mag yosi muna tayo saka tayo mag isip n'yan. Sa taas ng Donuto dun na lang natin ilagay." Wika ng Driver.

Aalis na sana ako ng makagawa ako nang ingay.

The Unknown DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon