18: The Laverista East University

63 4 1
                                    

"Welcome to The Laverista East University!" Ani ni Archer habang ang kamay ay nakataas pa kaya naman ngumiwi na lang ako.

"Anong pakulo 'to?" Natatawa kong sabi kaya naman napasimangot si Archer na akala mo talaga hindi ko na gets yung ginagawa n'ya pero na cringy-han lang talaga ako.

"May nakuha kaming balita na may sinampal ka raw?" Natatawang abi ni Kaine kaya naman napaumirap ako.

"Deserve n'ya 'yon." Ani ko at nauna nang sumunod na sa driver namin kanina.

Mas maingat na sila sila ngayon sa amin para hindi mangyari ang ginawa namin nung una naming tung-tong sa North University.

"Hindi n'yo kasama si Sza?" I asked.

"Nope nasa kabila 'yon." Ani ni Archer kaya naman napatango na lang ako.

"Kaya nakakapang babae ka, dun ka na sa shota mo!" Ani ni Kaine kay Archer kaya naman tinignan ko si Archer na nanlalaki ang mata.

"Hoy bunganga mo pag naniwala 'yang si Journey sa mga kabalastugan mo sisipain kita!" Pagbabanta ni Archer kay Kaine kaya naman natawa na lang ito.

"Wag ka maniwala d'yan kay Kaine, Journey, sa tingin mo ba makakapagbabae pa ako kung ngayon ay alam kong ayaw pa sakin ng tatay n'ya?"

"Syempre 'di muna tapos pag mabango na pangalan mo game na ulit sa landian game." Natatawa na ani ni Kaine kaya inis s'yang kinaltukan.

"Wag ako, Boy, baka mamaya makita mo lumilipad ka na sa ere." Pagbabanta ni Archer kay Kaine na mas ikinatawa nito.

They seem closer than anybody in the group. Magkamukha na nga rin sila, eh. Habang sila ay nag aasaran ay napatingin-tingin na lang ako sa school na pag s-stayan namin for 2 days.

It's really big, maybe bigger than the two University's. But mahahalata mo rin ang pagiging luma nito dahil sa mga vines na nakadikit sa mga building. But because rin dito ay maa-appreciate mo ang ganda ng mga building nila. Hindi kasi sila tulad ng ibang school na makagawa na lang ng building talaga yung kanila may pagka-gothic architecture.

Hindi ko napansin na sinasabayan pala akong maglakad ni Sachi kaya naman tinignan ko ito bago s'ya tinanong. "Kelan ka pa nag-aaral dito?" I asked. It's an idiot question to the owner's son of this school kaya naman nauna na lang ako maglakad sa kan'ya para hindi na mas lalo pang mapahiya.

"Grade 6." Sagot nito kaya naman mas lumalim ang curiosity ko.

"Why? You're the owner's son." I asked again.

"Before I turned twelve, my dad didn't introduce me as his son."

"For what?" Tanong ko ngunit hindi n'ya na ito sinagot ng makapunta kami sa dorm... or a house?

"Wait! Bakit bahay na naman? Wala na ba kayong extra room sa dorm?" Ani ko kay kuya Driver na naghatid sa amin dito.

"Sorry po pero hindi po kayo pinapayagan na mag dorm dahil baka daw po mag cause pa kayo ng gulo." Ani nito saka tumungo na sa gate.

Laglag naman ang panga kong tinignan si kuya. Really? Kaya pala lagi kaming nasa isang bahay dahil sa gano'n lang na reason? Talaga 'tong si Demonyita makakatikim sa'kin ng pangmalakasang bibig pagkauwi na pagkauwi ko sa South.

"Pre, pano ba 'yan una na kami." Natatawa na sabi ni Archer habang si Kaine ay nasa likod n'ya na iba ang ngiti.

"Wait!" Ngiti kong sabi bago ko binulungan si Archer na laki ng mata nito.

"Thank you, Archer!" Nakangiti kong sabi kaya naman mangiyak-ngiyak n'yang tinignan si Sachi bago mabilis na tumakbo papunta sa Dorm nila.

"Anong ginawa mo ron?" Tanong ni Kaine habang tinatanaw ang tumatakbong si Archer.

"Wala." Ani ko at masayang pumasok sa loob ng kwarto.



HINDI katulad sa North may dalawang kwarto ngayon ang bahay na ipinagamit sa amin kaya naman masaya akong na hindi ko na kailangan makipag away para lang sa kumot.

"Hello my name is Journey Madison from South University, nice to meet you!" Ani ko bago umupo. Masyado akong hyper ngayon dahil sa maayos ang tulog ko.

"Vier Ryu Laverista, nice to meet you." Wika naman ni Sachi bago umupo sa katabi kong upuan.

"Please welcome them as they are from The Laverista South University," Ani ng teacher bago naming teacher at agad itong nagsimula na magturo.

Pagkatapos na pagkatapos ay bigla na lang may pumaligid sa aming mga lalaki. They are all smiling na ikinataka ko. Did they know Sachi?

"Kumusta na si Drox, Ryu?" Tanong ng isa sa kanila kay Sachi.

"Hello, Miss, single ka?" Ngiting sabi ng isang lalaki kaya naman tinignan ko lang ito.

"Back off, Collin." Maawtoridad na ani ni Sachi sa lalaki kaya naman natawa ito.

"Panget ugali," ani nito kay Sachi bago tumingin ulit sa akin.

"So ilang taon ka na?" Tanong ulit sa akin pero tinignan ko lang ito.

"Uhm, may kausap ba ako?" Ani nito kaya naman tinignan ko lang s'ya bago tumingin kay Sachi.

"Could you please remove this dick head in front of my face, Sachi?" Inis na ani ko rito at tinignan nang masama ang papansin na lalaki.

"I warned you," Sabi ni Sachi kaya naman agad na tinaas nung Collin ang kamay.

"Wala ka pala, pre, eh." Natatawa na sabi nung isa.

I know him— them. They are from the CZ Band group. Ndrew, Franz, Kylo, Johann, and Camden. I Don't know na dito pala sila nag aaral.

Well, common sense na lang siguro dahil ang mga pamilya nila ay mayayaman kaya di na rin nakakapagtaka na kilala nila si Sachi.

"Don't call him, Sachi!" Ani ni Camden ang lead vocalist ng grupo.

"He doesn't care." I say before tumungo, ayoko makipag usap sa kanila pero agad ko ring naman itinaas ang ulo ko dahil sa narinig kong ingay.

"Hello, Sachi!" Malakas na boses ni Archer na nagpataas ng ulo ko.

"'Di mo kasama si Jo— Hi, Journey!" Ani nito habang nakangiti sa akin. yung plastic na ngiti kaya naman nginitian ko lang din s'ya.

"Ehem, na saan?" I asked him kaya naman sumimangot ito bago ibinigay sa'kin ang latest release na camera ng Vista gadget company.

"Thank you!" Nangingiting ani ko rito.

"Did you block mail, Archer?" Nakataas na kilay na tanong sa akin ni Sachi kaya naman tumango ako.

"Who cares mayaman naman s'ya." Natutuwa kong ani habang hawak-hawak ang camera ko.

"Kakaiba talaga, Amazona na nga Block mailer pa! Hanep!" Masama kong tinignan ang lalaking nag sabi nun na nakangiti lang sa akin.

"Hi, Journey!" Ani ni Kaine kaya naman inismidan ko lang ito.

I blocked mail Archer for this camera. Dahil sa kung ano-anong sinabi ni Kaine ay nagkaroon ako ng Idea since want ko ng camera at may-ari ng sikat na company si Archer.

Mukha namang hindi s'ya nabigatan sa pagbili nito sa akin. 'Di naman talaga ako naniniwala na nagloloko s'ya kay Sza pero sayang yung chance buti nga't kumagat pa rin ito sa sinabi ko na isusumbong ko s'ya.

I'm glad na dito ang new destination namin dahil may nauto agad ako HAHAHAHA.

The Unknown DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon