37: 6th Case: Ghost Haunting! PART 1

17 2 0
                                    

Nang makarating kami ay nandoon na sa loob si Ma'am Lucy at hindi man lang kami pinapasok, bakit daw kasi lumabas pa kami kung alam namin na malapit na ang oras n'ya.

Hindi na ako nakaipagtalo pa kay Ma'am Hazel pero bigla akong nagulat sa pag labas ni Miyuki at sinasabi na sasama na lang din daw s'ya sa amin dito na ikina-taka ko pero kinuha ko iyong opportunity para makapasok sa loob.

"Ma'am kung gusto ni Miyuki rito ako na lang papalit sa kan'ya." Wika ko rito.

"What? No! Ikaw may dahilan bat tayo nandito!" Pinangpipilitan ni Sachi kaya naman tinaasan ko s'ya ng kilay.

"For your information kahit tanungin mo pa si Chase ikaw ang unang nag insist kaya hindi ko kasalanan." Pag tatanggol ko sa sarili ko.

"Pareho kayong d'yan at ikaw, Miyuki rito ka, hindi ibig sabihin na kilala mo lang ay si Sachi ay sasama ka na sa kan'ya. Hindi mo ba alam na na 'yang dalawang 'yan ay mga walang magawa sa buhay?" Sabi nito kaya naman napataas ang kilay ko pero hindi ko na ito sinagot.

Tumingin ito sa amin na para bang nang hahamon. " Isa lang sa inyo ang papapasukin ko—"

"Hindi na pala Ma'am, dito na lang kami." Ngiti kong sabi bago hinila si Sachi paalis sa pintuan ng room at pumunta sa dulo ng building.

"What was that?" Tanong nito sa akin pero hinila ko lang ito sa malayo.

"Let's talk before it's too late. Ayoko na mamaya pa dahil wala na naman tayong oras dahil kasama mo lagi si Miyuki." Ani ko bago kami naupo sa isang bench.

Hindi ito nag reply sa sinabi ko at nanatili lang natahimik. Inilabas ko ang nakuha kong letter sa south at ibinigay sa kan'ya.

"I saw Miyuki back then. She's from the South, katabi ni Szavannah sa dorm, naalala mo ba nung nagtanon—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla itong malamig na nag salita.

"Is this how you're going to ruin Miyuki?" Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.

"What do you mean?"Tanong ko rito pero tumayo lang ito at hindi man lang tingnan ang ipinapakita kong card.

"Journey, you're so jealous. We're not even official." Mas nangunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Hoy! What do you mean? I'm jealous of Miyuki? Huh? Me?" Hindi nito sinagot ang sinabi ko at iniwan ako kaya napanganga na lang ako.

"Hangin n'ya naman, kung ayaw n'ya maniwala it's not my fault." Sambit ko na lang sa sarili ko bago nag palipas doon ng oras hanggang matapos ang oras ni Ma'am.

"Journey!" Sambit ni Ruelleanna at niyakap ako.

Hinayaan ko lang naman s'ya at napatingin kay Sachi. He's still talking to Miyuki kaya naman hinayaan ko lang. I never felt jealous of her just because she can talk with Sachi. Eto lang talagang si Sachi ang akala mo naman gusto ko para mag ginanon.

"Journey," Agad akong napatingin kay Chase dahil sa pag bulong nito.

Halata ang pag ngisi nito sa akin na ikinakunot ko lang, "I think—."Hindi ko pinatapos ang pagsasalita nito at binara s'ya na ikina-simangot n'ya.

"Oh? Pake?" I bluntly said.

"Para ka namang tanga. Gusto mo i-prove ko sayo?" Natutuwa na sabi nito pero inismiran ko lang s'ya dahil hindi ko naman alam kung ano ang gusto n'ya i-prove sa akin.

"Go, Pero pag hindi aanakan mo si Devon." Nanlaki naman ang mata nito dahil sa sinabi ko.

"Who's Devon?" Nagulat ako sa pag tanong ni Dashan.

"Oo nga, sinong aanakan mo?" Nakakalokong tanong ni Drox.

"Nothing." Nangingiti kong sabi bago niyakap si Chase habang may kakaibang ngiti.

The Unknown DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon