22: Police Station

42 4 1
                                    

Maaga kaming pumasok ngayon dahil sa layo-layo ang school na hotel na tinutuluyan namin kaya naman kahit inaatok pa ay bumangon na ako at sumakay sa kotse na inihanda para sunduin kami.

"Huh?" Halata ang irita sa boses ni Sachi, kaaga-aga inis na naman ang lalaking 'to.

Bumaba na ako pagkarating na pagkarating namin sa school at hindi na inantay pa si Sachi ngunit agad akong tinawag nito na ikina-tingin ko naman dito.

"What" Saad ko.

"Sa room tayo nila Kaine mag s-stay for this day. Ayaw ni Tito Azul na dun ulit tayo sa kabila kaya dun tayo sa room nila Kaine." Nanliit ang mata ko sa sinabi nito.

"For what?" I asked. Ayoko na lumipat nang lumipat.

"Ewan tanungin mo si Tito Azul. Tara na." Sabi nito at naunang mag lakad sa akin.

Habang naglalakad papunta sa room ay hindi talaga mapigilan ng iba ang hindi tumingin sa amin— sa kan'ya. He's the owner son anyway at hindi naman mapagkakaila na may kagwapuhan s'yang taglay.

"Miss journey!" Salubong sa amin nila Archer ngunit sinaaman ko lang ito ng tingin, masyadong OA.

"Ba't pala nanadito kayo? Mali yata kayo ng room na papasukan, ah." Sita sa amin ni Kaine pero wala naman ni-isa sa amin ang nag salita at naupo na lang sa isang mesa kung saan wala pang nag o-okyupa.

"Boss, Ryu! Ngayon ko lang nalaman na nandito ka na pala akala ko sa ibang school ka na mag-aaral?" Natutuwang sabi ng isa nakakapasok lang sa loob ng room.

"Kahapon pa 'yan nanadito, absent ka kasi nang absent kaya ayan tuloy." Ani ni Archer dito kaya naman napakamot ito at tumingin sa ibang direksyon na dumapo naman sa akin.

"Oy, my new classmate tayo? Hi, Miss I'm Dizegiel Lance Barintal, ano name mo?" Masyado naman 'tong friendly.

"Hoy, Dizzy, umalis ka muna d'yan masama ang lagay n'yan." Ani ni Archer kaya naman napakunot ko itong tinignan.

"What do you mean?" Taas kilay kong sagot kaso hindi na ito nakasagot sa akin dahil sa biglaang pag dating ni Ma'am kaya naman agad na rin silag umupo sa upuan nila.

"You have a new classmate," Ani nito bago kami tinignan kaya naman pumunta sa harapan at nagpakilala.

"Miss, why her hair is red akala ko ba bawal? May princess treatment ang school dahil ba sa girlfriend s'ya ng anak ng school?" Tanong ng isang babae kaya naman napanganga ako.

What?! Girlfriend? No way!

"Ano?! Jowa mo s'ya, Ryu?!" Malakas na sabi nito habang nakaturo sa akin, mas gulat pa ata sa 'kin 'tong tao na 'to, ang OA.

"Dizzy!" Suway ni Kaine pero hindi ito nag patinag at tinignan lang si Kaine bago ulit nag salita nang sobrang lakas, buti na lang talaga at sound proof 'tong room.

"Hindi, Kaine, si Boss Ryu totoong may jowa na? 'Yang lalaking 'yan na akala ko sa talang buhay ko ay bakla, may jowa?!" Natawa naman ako sa sinabi nito at inilihis ang paningin upang hindi makatingin si Sachi.

"Hoy ang bibig mong lalaki ka!" Tarantang sabi ni Archer kaya naman mas natawa ako.

"We are, right, Journey?" Agad na nawala lahat ng tawa ko at tinignan si Sachi ng may gulat na expression.

"Huh?" I said.

"Despite the fact that she is my girlfriend, we don't treat her differently just because we are in a relationship. Her red hair was born naturally." I'm dumbfounded. What the fuck is he saying?!

"Huh?!" Mas lumakas na sabi ko kaya ngumiti lang ito sa akin, ngiting nakakaasar.

"Boss?! Hala may himala pala!" Malakas na ani nito habang pumapalakpak pa.

The Unknown DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon