CHAPTER 4
'Fruits for you, Lauren. Accept and eat this, alright? You're one of those who's not accepting gifts tulad ng Ferrari na niregalo ko sa'yo. Well sana gamitin mo na 'yon. And these fruits, eat them! Or else you'll get too skinny you don't wish to be.'
- Doc. Pogi
The fact na ginamit na niya ang Ferrari. Mumunti ang mga ngiting pinakawalan niya. Feeling the presence of Joshua nearby, she couldn't express freedom of smiling. Baka kung ano pa ang isipin na naman nito na nanlalalaki siya.
Nang maisuksok sa maliit na bulsa iyon ay dinig niya ang paghinga nito. He was relieving something she could not name through breath.
She opened the box. Agad na tinapon niya pabalik iyon sa mesa nang daga at dugong handwriting ang bumungad sa kaniya.
She was shocked.
She was afraid.
Hindi ito ang unang beses na nakatanggap siya ng gano'n mula sa kung sino. Ngunit ang isang 'yon ay malala na! Before, it may have been just letters and dolls without heads.
Nanlumo ang lakas niya sa katawan at mapasigaw ang tanging nagawa. Her body responded into reduced balance.
Ilang sandali na hindi niya naramdaman ang paligid. Not until she heard him and catched her into his stiff chest and arms.
Hindi namayani nang matagal ang pagkagulat. Inayos niya ang sarili at nahiyang iniwas ang katawan mula kay Joshua.
"Ayos ka lang?" nasa tinig nito ang pag-aalala.
The car earlier of him in the parking of Red Sitre Hotel alloyed her mind. The insult he has been stating without deference. His sex with Angelina inside this Deen Mansion.
Imbis na magpasalamat, nagdemonyo ang isip niya.
"Don't act like a good husband," matapang ngunit nasa loob ang kaba. "Hindi bagay."
Nagbagong agad ang mga mata nito. "Ah, sensya ka na," sarkasmo itong ngumiti.
"Huwag mo rin akong hahawakan. Hayaan mo'ko kung matumba man ako o kung ano man ang mangyari sa'kin. Hindi ko kailangan ng awa mula sa'yo." Sinipatan niya ito ng mata.
He smirked. "Turo ba ni Jack 'yan?"
Namangha siya. "Ano'ng sabi mo?"
Nilagay nito sa kalawakan ang mga kamay. "Palipasin na natin ang araw na 'to. Sasakit ang ulo ko sa pakikipagtalo sa'yo. Wala namang saysay."
Papusdak siyang lumapit, hindi natitinag ang inis niya sa manlolokong ito. "Ituon mo na lang ang buo mong atensyon sa iba. Huwag sa'kin."
Tumalikod siya ngunit hinarap ito muli. "At isa pang hawak mo sa'kin, isusumbong kita kay Papà."
Paismid na nilakad niya paalis ang kusina.
MAHIGIT isang linggo na rin ang lumipas. Matapos ang buong tapang niyang banta rito ay bumalik sila sa normal na 'di halos magpansinan at magdikit.
Sa loob din ng mga araw na iyon ay bago na ang pananamit niya, sinisikap na pinakaelegante at pinakamaganda ang maisuot. Inaantay niya ring magkita sila ni Angelina upang lunukin nito ang mga binitawang salita nito noon.
Lumilipad kasama ng hangin ang laylayan ng 'di gaanong mahabang dress na suot niya na mula sa Dior, kulay light green ito at natutuwa siyang umaangkop sa kulay ng suot niya ang fountain at mga maninipis na grass sa gitna at paligid ng motor court in front of the mansion na natatanaw niya.
Mula noong narinig niya ang usapan ni Angelina at Joshua sa kuwarto nito sa loob ng Deen Mansion, muli ng binalik ni Lauren ang style sa sarili bago pa man sila ikasal ni Joshua.
Ipinako ni Lauren ang tayo sa major na balkonahe ng mansion. Pati ang mga pino niyang buhok ay nakikilipad sa hangin.
She smiled.
Phone ring...
Inabot niya ang phone sa maliit na mesa sa balkonahe.
It was her Mamà Bella Vista De Ava who was calling.
"Mamà, kumusta po?"
Rinig niya ang malalim nitong paghinga. "May problema po ba?" dagdag pa niya.
"Ah, darling..." ngarag ang boses nito.
She was worried. "What's the matter, Mamà?"
Alam niyang pilit nito ang magsalita nang maayos. "May... may nagpadala kasi sa'kin ng kung ano-anong pananakot nitong nakaraang araw." Dinig niya ang labis nitong pangamba.
May nagpadala rin ng gano'n sa Mamà?
Nagsalita ang Mamà. "Tapos kanina... may death threats naman na binigay sa Papà mo."
Nanghina ang mga tuhod niya nang maalala ang box no'ng nakaraang linggo. "Darling, I expected na... nakatanggap ka rin? Ayos ka lang ba?" natatakot ngunit matatag na inang tanong nito.
"A-Ayos lang po ako. Kasama ko si..." hindi niya naituloy ang sasabihing kasama niya ang asawa at ligtas siya. In his embrace, she felt safe at that time, and now.
"Mabuti naman," small-voiced, she added. "Nakikita kong delikado ang kaligtasan ng pamilya natin sa ngayon dahil baka anong sunod na gawin ng taong nagpapadala ng mga 'yon." She directed her point. "Naisip kong sa Villa ng mga De Ava muna kayo magpalipas ng mga araw. You will be safe in the Villa dahil secure ang mga lupa roon ng angkan namin."
Kinagat niya ang mga kuko. Hindi siya makapag-isip at makasagot. Tinawag ulit siya ng Mamà sa kabilang linya upang masigurong she's still on the line.
Sumagot siya. "A-Alam po ba ito ng Papà?" Tiyak niyang hindi.
"Darling, kilala mo ang Papà Ruiz mo, mataas ang pride no'n at hindi napapakiusapan. Sa'yo ko lang ito sinabi dahil nangangamba ako sa kaligtasan mo. I don't want you to be involved in this political conflict of your Papà. Problema namin ito. Ayokong madamay ka o baka mapaano ka."
Lumambot ang puso niya. Sa pamilya nila, ang Mamà Bella lang ang tanging may pakialam sa damdamin niya.
"Naiintindihan ko po." Napag-isip siya. Nagkasalubong ang mga kilay. "May pinaghihinalaan na po ba kayo sino ang nasa likod ng mga pananakot na 'to?"
Her Mamà sighed. "Your Papà think na ang kabilang partylist ang may kagagawan ng mga 'to. Malapit na ang halalan at sinusubukan nilang sindakin ang Papà mo, he is running for Mayor this coming election, at matindi ang mga katunggali niya."
Tumango siya sa kawalan. "Paano po kayo? Ligtas po ba kayo?"
She spoke in bold. "Huwag mo kaming alalahanin. Puno ng security dito."
Tumango muli siya at nakahinga nang maluwag. "Sige po, Mamà, pupunta kami sa Villa bukas," aniya.
"Huwag mong sabihan ang Papà Ruiz, ah? Magagalit 'yon sa'kin, sabihan pa akong duwag. Ako na ang magsasabi kapag tumigil na ang nagpapadala ng threats. " May bahid ng dismaya iyon. "Rather, si Joshua ang sabihan mo. Kahit dalawang linggo muna kayo, think of it as your vacation with him."
She swallowed. Nang magpaalam sila sa isa't isa at maibaba ang tawag ay nanikip ang dibdib niya. Dahil kahit sa sinabi nitong think of it as your vacation ay may with him pa.
Hindi niya naman makontra ang Mamà. Ngunit iba ang nasa isip niya sa mga sandaling iyon. She faced the surroundings of outside front of Deen Mansion. She had plans to tell Joshua, but would create a story that he is not going to Villa, that she is only alone herself.
BINABASA MO ANG
SENSUAL PENANCE
RomanceWARNING: MATURE CONTENT Joshua is a top billionaire. Lauren is a daughter of a Congressman. They were such a perfect couple if it was about wealth, names, and connection. Both parties can benefit from each other especially at times of election of L...