CHAPTER 10
SOUND of the engine car reverberated outside. Alas dos ng tanghali ay nakarating ito. Her gaze ran to the window of the living area. Si Joshua.
May damdaming umusbong sa dibdib niya na hindi niya napangalanan. Pinagmasdan niya itong lumabas sa Porsche 911. Bakat sa shirt na suot nito ang tikas ng torso nito. She could not flee looking at his thick legs too visible to his short.
Sa liwanag ng tanghali at init, naging disyerto ang lalamunan niya.
Ginising ni Lauren ang sarili nang papunta ito sa pinto. Kumaripas siya ng lakad upang pagbuksan ito. Her plan of being a good wife rouses.
Niyakag ni Lauren ang asawa papasok. Inabutan niya ito ng baso ng tubig. "Salamat." Anito.
She smiled very little at wee of time. "Nakita mo na 'yong kabayong sinasabi ko kanina sa call?" pangunguna ni Lauren.
Tumango ito, inilapag ang baso sa pinakamalapit na nesting table. "Sa loob pa lang ng kotse tanaw ko na siya. Sino raw may-ari?"
Nagkibit-balikat siya. "'Di ko alam. 'Pagpunta ko rito noon, nakatali na talaga 'yan sa labas."
Binasa nito ang labi. Lumunok nang malalim nang paglandasin ang tingin sa mukha niya. Agad na nailang si Lauren doon. May gusto itong basahin sa mukha niya.
Kunwari ay may inaasikaso siya sa isang sulok, her only excuse upang tumalikod. "Maupo ka na muna. Masakit sa ulo ang anim na oras na byahe." Sinunod nito ang sinabi niya na sa isang banda ay nagpamangha sa kaniya, marunong pala itong sumunod.
"Ano'ng ginagawa mo?" parang bomba iyon.
Tumikhim siya. Saglit na nahinto ang paghinga. May hawak siyang statue ng gold fish na maliit na nasa display cabinet. "W-Wala."
"Then come here." May pag-uutos nitong sabi. "Naiilang akong makita kang parang ano d'yan. Balisa na parang kinakabahan na ewan. May problema ka ba?" Seryosong dagdag pa nito.
Sinipat niya ito. Magaling talaga ang asawa sa pamamahiya. Her stance embarrassment showed. Pilit na umaaktong walang narinig na lumapit dito.
"Sit, Lauren." He ordered.
Gusto niyang simulan mag-argumento. Ngunit nanaig ang minemorya niyang plano na paibigin ito para tratuhin siya nang tama. Tiniis niya ang paghisterya. Naupo siya sa gilid nito.
Laking pasasalamat niya na kahit nag-iisa ang furniture ay mahaba iyon. Dulo sa dulo ang lokasyon nila.
Namayani ang katahimikan sa living area. Naghuhulihan sila ng tingin kung paano babasagin ang silence. Walang gustong manguna. Hindi siya ang gagawa. Kakapahiya lang nito sa kaniya.
"Puntahan na natin?" Para siyang nagulat sa biglaang tanong nito.
"S-Sige. Tara." Mukhang hindi nito kailangan ng mahabang pahinga. Sinundan niya ito palabas ng Villa.
Lumapit sila sa kinaroroonan ng kabayo na umiinom ng tubig na pinuno niya sa maliit na balde kaninang umaga. "Maawain ka pala sa mga hayop." Kapagkuwang anito.
Bahagya tumaas ang sulok ng labi niya. Kung sasabihin niyang hindi mo alam kahit asawa mo'ko tulad ng sinabi nito no'ng nakaraan pa ay magsisimula sila ulit sa walang pansinan. Kaya inayos niya ang pagsagot.
"Not sure. Sa kabayong 'yan lang. Nakatali kasi talaga siya at kahit ano'ng tanggal ko ng lubid na 'yan," itinuro niya ang matabang lubid na nakatali sa puno. "Hindi ko talaga matanggal. Nanakit lang ang mga daliri ko."
His gaze ran to her fingers. Nilapitan nito ang kabayo at pinaamo saglit. Sunod, hinakbang nito ang kinaroroonan ng lubid sa katawan ng puno. Pinilit din ni Joshua na alisin ang buhol ngunit bigo ito. "May tools ako sa sasakyan. Kunin ko lang." Paalam nito.
BINABASA MO ANG
SENSUAL PENANCE
RomanceWARNING: MATURE CONTENT Joshua is a top billionaire. Lauren is a daughter of a Congressman. They were such a perfect couple if it was about wealth, names, and connection. Both parties can benefit from each other especially at times of election of L...