CHAPTER 14
HINDI napakali sa kinatatayuan si Lauren. She eyed Joshua suspiciously. Binalaan pa niya ang sariling huwag sundan ito sa pinasukang balkonahe pero bigo siya. Tinalunton ng mga paa niya ang entrance ng balkonahe.
Sumungaw siya mula sa pinaghintuang standing ng vase nang marinig ang malambot nitong boses. "Baby, gabi na. 'Di ka pa tulog?"
Hindi malaman ni Lauren ang mararamdaman. She left with blankness. Pinakinggan ang mahirap i-absorb na pambababae ng asawa niya.
"Oh, my baby. Sige matulog ka na." Ngumisi ito. "Ano? Bukas sa Deen Mansion?" Nagseryoso ito. "Ano'ng gagawin mo roon bukas?" Nang sumagot ang kabilang linya ay pilyo itong tumugon. "Okay, baby. Let's have some moment bukas. Papa-leave ko muna 'yong mga maids doon para masolo kita."
Luminga sa paligid si Joshua matapos sabihin iyon. Humangos palabas ng balkonahe si Lauren.
Pinuno niya ng hangin ang nagsisikip na dibdib. Dalawang damdamin ang umusbong doon. Una ay ang insults at ang pangalawa ay parang puting papel na may nakasulat na kung ano gamit ang puting tinta.
Sumingkit ang mga mata niya, nagpupuyos.
"Ano'ng ginagawa mo rito ate?" Si Jack. Napansin nitong malayo ang table nila mula sa kinatatayuan ni Lauren.
Napapitlag si Lauren. Nanlalamig ang buong katawan niya. She was aware that she was turning pale. Nagtatakang sinundan ng tingin ni Jack ang nilabasang balkonahe ni Lauren.
He was curious. Bago pa sumilip si Jack sa pasukan ng balkonahe ay hinawakan niya ang braso nito.
"I'm..." Nahinto si Jack at mataman siyang tinitigan.
"May problema ba ate?"
Agad siyang nag-impostor. "I'm looking for the restroom. Kanina pa ako naghahanap. Can you lead the direction?"
Ngumiti ito. " Of course, ate. This way." Iminuwestra nito ang kamay na siyang pilit niyang nginitian.
Umaktong normal si Lauren nang makabalik sa table nila si Joshua. Isang tipid na sagot sa bawat komento nito sa mga naging singer and dancer performers. Hanggang sa natapos iyon.
Nagpaalam sila kina Mr. and Mrs. Deen. Pinilit pa ng mag-asawang Deen na doon na sa dating kwarto ni Joshua sila matulog. Pero lalamig muna ang impyerno bago niya payagan ang asawang makatabi siya sa kama.
She saw him as a disgusting creature. Womanizer.
Hanggang sa makasakay sila ng Porsche 911 ay hindi niya inimik ang asawa. Kahit pa magiliw ang ibang kwento nito. Kalaunan ay nagpanggap siyang tulog para hindi nito bigyan pa ng pansin. God! She was fighting against her tears.
KINAUMAGAHAN ay hindi siya lumabas agad ng kwarto.
Natagpuan niya ang sariling gano'n pa rin ang ayos. She sighed. Ang sabi niya ay iidlip lang siya kagabi.
Bumangon si Lauren at naligo. Nang makailalim siya sa shower ay nanumbalik ang mga boses ni Joshua kausap si Angelina sa imahenasyon niya. Halos tanghali na siya nakalabas sa private bathroom. Nakatulog ulit siya but at the bathtub. At sa inis niya ay natagalan siyang maghanap ng masusuot. Tulad ng sinabi niya kay Jack ay mas tinindi niya ang elegance legacy.
Maikling Hermes short at fitted na designer na damit ang sinuot niya, with Hermes oasis sandal na may two inches na taas lang. Hindi makapal na makeup ngunit seducing. Tinali pa niya ang buhok upang lumitaw ang batok niya. She sprayed Mon Guerlain perfume in her neck.
BINABASA MO ANG
SENSUAL PENANCE
RomansaWARNING: MATURE CONTENT Joshua is a top billionaire. Lauren is a daughter of a Congressman. They were such a perfect couple if it was about wealth, names, and connection. Both parties can benefit from each other especially at times of election of L...