CHAPTER 13

204 5 13
                                    

CHAPTER 13

BUMALIK kinabukasan ang asawa niya dala ang kailangan nito. Malawak ang living area, kasya roon ang lahat ng kailangan ni Joshua. Kahit ito ay roon niya pinatulog pagsapit ng gabi. Hindi maaari sa kwarto niya.

Sunod pang araw ay nagpapapresko ito ng hangin sa porch. Inaya siya nitong maupo sa isa pang seat nang datnan niya. Tinatanaw nila ang pagkain ng kabayo ng mga pasture grass sa paligid nito. Lauren was delighted.

Kanina pa nito binuksan ang usapan tungkol sa kapatid nitong graduating. He was stating personal information about his brother at kung gaano ito kapaburito ng Mr. and Mrs. Deen.

Kapwa silang napangiti nang sabihin ni Joshua na naiinggit ito kay Jack dahil malimit na kay Jack ang atensyon ng mga magulang.

"Maswerte ka nga may kapatid ka." Hindi niya pinigil ang banayad na ngiti.

"Kung alam mo lang gaano kapasaway 'yon no'ng bata pa." Si Joshua, umiiling.

"Kapag may kapatid ka, there is feeling of ally. Kapag may kaaway ka for instance." Lumusong ang lungkot sa batang puso ni Lauren.

"May kaaway? Is it about the threats again?" Nag-aalala na naman ang asawa.

She shook her head. Gusto niyang itago ang mga naging nakaraan niya. Ngunit salungat doon ang tiwala niya para kay Joshua. Isa pa, sa tagal nilang magkakilala, it is prospective of him to know some past of hers.

"I was bullied before." Nginitian niya si Joshua. Nanantiya siya kung itutuloy ang sasabihin.

Banayad ang hindi mabasang anyo nito. He was all open ears.

She had the guts to continue. "Dahil anak ako ng political family, kung anong mabasa nila sa social media na masama tungkol sa Papà ko, ibabato sa'kin ng mga classmates ko noon. Hindi pa nga nila ako hinayaang maging president ng school council no'ng napagbintangang nagnakaw ng funds ang Papà ko. Kinalat nila sa school na baka nakawin ko raw 'yong funds ng school kapag ako ang naupo." Kinontrol ni Lauren ang pagbabadya ng luha sa mga mata.

"I'm sorry about that, Lauren." Nakatiim ang bagang nito.

Bumalik ang mga alaala ni Lauren matapos sabihin iyon. Gustong lumabas sa bibig niya ang higit pa. "I wanted to have position kahit sa room lang noon. Ewan ko ba." Masuyo siyang ngumiti. "Pero kapag may mabahong balita tungkol sa Papà ko, 'yong mga tao pati ako sinisisi. Kada uwi ko sa bahay lagi akong umiiyak." Binalik niya sa ayos ang sarili. "Noon pa naman 'yon. All in the past. That's the reason gusto ko rin ng kapatid o kuya o ate para may tatanggol sa'kin."

Sumariwa ang pangyayari sa isip niya noong pinagsisigawan siya ng magnanakaw ng buong klase, at halos buong students sa school ay tingin sa kaniya isang convicted criminal. Tuluyang tumulo ang butil ng luha niya sa pisngi. Agad niyang pinunasan iyon ng palad. "Ano ba 'yan?! Napuwing ako!" Nilawakan niya ang ngiti. Yumuko siya. Hiniling niyang hindi nito mapansin ang pagiging emosyonal niya.

Kinaya pa ni Lauren kimkimin ang bigat na nararamdaman. Siya na ang nagsabi, all in the past, ngunit talagang hindi iyon mawawala to this present even to her future.

Hinapit siya ni Joshua at pinalibutan ng braso. Wala itong ibang sinabi ngunit sa init ng yakap na iyon, she couldn't help but cry like a child hurt by bullies.

She let herself cry. Sumingasing sa inis ang hininga niya para sa sarili nang huminto siya at pinakawalan nito. May himig ng hiya ang pagsabi niya ng paumanhin. "Naalala ko lang. I'm sorry."

Pinunasan niya ang basang pisngi ng mga palad.

"Magaan na ang loob mo?" Nakalatay ang pag-aalala sa himig nito.

SENSUAL PENANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon