CHAPTER 5
MAG-ISA sa Villa. 'Yon ang mas pipiliin niya gumuho man ang mundo. That was the preference of her consciousness.
Umiikot-ikot siya sa kama kanina pang 'pagkahiga niya. Naging way niya iyon upang patilain ang mga clouds of overthinking sa isip niya at makatulog.
Naiinis siya sa sariling umupo sa kama. Ano ba itong mga iniisip niya...?
Kapag mag-isa ba siya sa Villa ay ligtas si Joshua dito sa Deen Mansion?
Kung mag-isa lang siya sa Villa ay dapat ngayon pa lang sobra-sobra na ang saya niya dahil iyon naman ang gusto niya!
Kapag umalis ba siya at iwan dito mag-isa ang asawa ay gagawa na naman kaya ito ng kalokohan sa mismong loob ng mansion?
Huminga siya nang malalim sabay ng pagbagsak sa kama, pumailalim sa kumot at pumikit. Ano ba itong mga naiisip niya?! Imbis na 'di makatulog dahil sa kapanabikan ay 'di siya makatulog dahil sa pag-aalala.
Sumulyap si Lauren sa wall clock. 1 AM.
Hinawi niya ang kumot na nakapaibabaw sa kaniya, tumayo at piniling bigyan ng oras ang paglalakad-lakad sa corridor ng second floor.
Ipinagsalikop ni Lauren ang mga braso sa dibdib. Nahinto siya sa wall kung saan nakasabit ang mga newly wed portrait nila ni Joshua. Tinapunan niya ng tingin ang malaking portrait.
Nakaupo silang dalawa, kapwa nakaharap lamang sa kumukuha ng larawan, hindi malaking ngiti ang nakaguhit sa mga mukha.
Napangiti siya nang bahagya. Paanong walang nakahalata noong mga araw na iyon na walang espesyal at gaano sila nanlulumong matali sa isa't isa na walang karapatang magmahalan o magmahal ng iba at iyon ang pakasalan?
Patuya siyang ngumiti. Sayang ang buhay nila.
Humakbang pa si Lauren. Isa-isang binigyan ng oras ang mga larawan na nakasabit sa wall na iyon na may malamlam na liwanag mula sa 'di kalayuang chandelier at ilang ilaw sa bawat sulok ng ikalawang palapag.
Para siyang nakakita ng multo nang bumagsak ang begonia glass flower vase na nakapatong sa standing nito.
Bumagsak iyon sa paahan niya. Natanto na nasagi ng paa niya ang standing nang hahakbang siya patungo sa isa pang portrait sa gilid.
Natanggal ang nakasalikop na mga braso niya sa dibdib. Naupo upang pulutin ang mga basag na vase.
Sa ikalawang pagkakataon ay inakala niyang may multo nang may pumigil sa braso niyang sana ay dadampot.
Nagkatinginan sila ni Joshua.
"Huwag mo ng damputin." Inalalayan siya nito patayo. "Ayos ka lang?"
Hinagod nito ng tingin ang buo niyang katawan. Pareho silang nagulat sa ibabaw ng kanang paa niya na dumudugo at may bubog.
Sa sobrang manhid niya ay hindi niya iyon naramdaman.
Hinakbang niya patalikod ang kanang paa. "Matulog ka na. I'll take care of this—" Uupo sana siya upang damputin ang mga scattered glass nang lumakas ang boses nito.
"Pwedeng huwag mo na muna pairalin 'yang katigasan ng ulo mo?"
She cleared her throat.
"Masusugatan ka! Let that to me!" angil nito.
"Ako ang nakabasag kaya—" Hindi nito maililibing sa hukay ang pride niya.
Nahinto siya sa pagprotesta nang buhatin siya sa mga binti at sa likod niya. She was eager to protest but closed her mouth as she smelled his manly fragrance.
BINABASA MO ANG
SENSUAL PENANCE
RomantikWARNING: MATURE CONTENT Joshua is a top billionaire. Lauren is a daughter of a Congressman. They were such a perfect couple if it was about wealth, names, and connection. Both parties can benefit from each other especially at times of election of L...