CHAPTER 16

214 5 13
                                    

CHAPTER 16

ILANG ulit na nagparoon at parito si Lauren sa living area at kwarto niya. Inaasahan niya ang pag-break nito mula sa pagtitig sa laptop nito. He had lost time working.

Then, he drastically stopped typing at the keyboard. She, too, stopped the strides. Bahagya siyang nahintakutan baka naiinis na ito.

"Do you need anything, sweetie?" May himig ito ng pagod.

Pilit niya ang pagtaas ng gilid ng labi. "N-No. Gusto lang kitang nakikita." Her voice told the half truth. Ang kalahating katotohanan ay ang pag-asam na malaman mula rito ang tungkol kay Angelina.

Isinara nito ang laptop. Tumaas-baba ang adams apple. "I'll take a break for you."

She smiled. Nasisiraan na siya ng bait para magmukhang excited. "You want a snack? Juice or something?"

"Anything is fine."

"Coming." Nagmadali siya upang kumuha ng meryenda para rito. Ngayon, isa na siyang mabuting asawa na kinakausap nito nang matino.

Nilapag niya sa small round table ang mga meryenda at naupo malapit kay Joshua, sa gilid nito. Pinagmasdan niya ang ilang papel sa paligid ni Joshua. "Hindi ko alam na work alcoholic ka."

Kumagat ito ng crackers. "Perhaps may ilan ka pang hindi alam sa'kin."

That might be true but she knows his dark side. "Siguro nga." She paused. "No wonder... mayaman ka, kayong Deen." Pumiyok siya. Hindi niya malaman ngunit nabahiran ng hiya ang pagkakasabi niya. Para niyang pinatutunayang mayaman kayo kaya ikinasal tayo at pinili ka ng Papà maging asawa ko.

Tumikhim siya nang manahimik ito. At agad ding binasag ang katahimikan nito. "Kung apat na anak ang gusto mo, kailangan ko talagang magtrabaho." Naiiling na anito.

Nagmansanas ang pisngi niya. Pinamumukha ulit sa kaniyang gusto niya ng anak mula kay Joshua, apat pa. Patibong marahil ang pag-uusap nila no'ng nakaraan.

"I have told you, mag-asawa tayo at hindi bumabata..."

Pinutol nito iyon. "Got it, my love."

Nanginit uli ang pisngi niya. Sweet talk! Ito siguro ang pang-akit nito para makasungkit ng mga babae. At inaamin niyang nahuhulog siya sa mga iyon.

Ibinaba nito ang nangalahating baso. "I want to know more about you, Lauren."

Nagtaas siya ng kilay. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Think of this as an interview to get into a company." He said.

"Oh." Napaisip si Lauren. "Hindi mo ba... talaga ako kilala?" May pagdarama iyon.

"How could I? Hindi mo'ko kinakausap sa loob ng tatlong taon. Sobrang ilap mo, alam mo ba 'yon?" He sighed. "Inilalayo mo ang sarili mo sa'kin, hindi nga kita mahawakan, e." May bahid iyon ng malisya.

Tumikhim siya. "My name is Lauren Kaly De Ava, thirty years old, I graduated at University of the Arts London specifically in the fashion industry, design." Nilayo ni Lauren ang tingin sa nakatutupok nitong tingin.

"Kaya pala..." gagad nito.

Nag-isa ang mga kilay ni Lauren.

"You impressed me with a lot of things." Natakpan ng satisfaction ang mukha niya. "Sa pananamit mo these days at kahit 'yong Deen Mansion. Kada buwan napapalitan 'yong mga gamit dun pati 'yong chandelier, 'pagtinatanong ko ang mayordoma ang sabi ikaw nag-utos. I want to get mad pero somehow maganda naman." Nagkibit-balikat ito. "Designs."

SENSUAL PENANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon