Writing Period: March 30- April 4, 2013
Date Finished/Posted: April 4, 2013
--though hindi pa start ng challenge, pinost ko na ito. Natapos ko na e, kung ipopost ko pa ito sa 8 at sasabihing ginawa ko lang ito within 3 days, lolokohin ko lang kayo at ang sarili ko. Para saan pa ang challenge? Kaya isipin na lang natin, bonus ito. Prelude sa aking writing challenge. :D
--kay Miss Mae, sana po matulungan nyo ako sa pamamagitan ng pagbibigay ng review dito. Sana po magustuhan nyo. :)
*** Writing Challenge Entry No.1: Soul mates“Magandang magandang magandang umaga Pilipinas! Maraming salamat po sa pakikinig sa 143.44 LoveLove Radio! Muli kayo’y nakikinig sa panibagong kabanata ng aming programa, Letters to Mr. and Mrs. Love.”
“Argh! Kuyaaa, ano ba? Ang lakas-lakas nyang radyo, kita mong may natutulog!” singhal ko sa magaling kong Kuya, matapos magising dahil sa pagkalakas-lakas na pagpapatugtog nya sa radyo.
“Tanghali na kaya. Ayos lang yan!” sagot n’ya, na para bang wala lang sa kanyang naistorbo nya ang mahimbing kong pagtulog.
“Psh. Ewan ko sa’yo, puro kabadingan lang naman yang pinapakinggan mo,” irritable kong sagot sa kanya.
“Hoy magdahan-dahan ka d’yan sa sinasabi mo. Kabadingan? Sa gwapo kong ‘to!” Hahaha, asar talo talaga tong si kuya.
“Gwapo daw, wala namang girlfriend,” pang-aasar ko pa sa kanya.
“Nagsalita ang may boyfriend,” pang-aasar naman n’ya sa akin. Aba’t talagang! Sasagot pa sana ako nang sabihin n’yang “Ssssh! Wag ka na ngang maingay d’yan di ko na naintindihan ‘to eh.”
“Fine. Fine,” sabi ko sa kanya. Tumabi na rin ako sa kanya, para makinig.
Ang totoo, gusto ko rin pakinggan ang programang ito sa radyo…nagkataon nga lang na naistorbo ako ni Kuya. Hindi nga ba’t mahirap galitin o inisin ang bagong gising? Anyway, interesting talaga ito dahil bukod sa totoong mag-asawa ang DJ o host ng programa, magaganda rin ang mga kwento ng pag-ibig na pinapadala sa kanila. May nakakatawa, may masasaya, may nakapanghihinayang, may nakakaiyak, at kung anu-ano pa. Though, lahat inspiring, kapupulutan talaga ng aral.
“Sus, daming sinabi makikinig din pala,” habol n’ya pang asar sa akin.
“Che,” sabi ko na lang sa kanya nang manahimik na s’ya.
“Naniniwala ba kayo sa Soul mate, mga kaibigan? Dahil itong letter sender natin matindi ang paniniwalang makikita n’ya ang kaniyang soulmate,” sabi ni Mr. Love.
Napangiti naman ako ‘dun… May mga naniniwala pa pala sa soul mates?
“Eh ikaw Hon, naniniwala ka ba sa Soulmate?” pagpapatuloy ni Mr. Love…
“Hmmm, oo naman. Ikaw kaya ang soulmate ko, kaya naniniwala ako sa soul mate,” saglit na tumigil si Mrs. Love matapos sabihin ang mga salitang ‘yon, palagay ko’y nginitian n’ya ang kanyang asawa, bago magpatuloy…“Nandito ka nga oh, buhay na buhay sa tabi ko,” pagpapatuloy niya.
Kinilig naman ako sa sagot ni Mrs. Love. Kahit tahimik lang si Mr. Love, alam ko kinilig din s’ya. Sino ba namang hindi? Nakakatuwa talaga ang mag-asawang ito.
BINABASA MO ANG
My Summer Writing Challenge
Short Story[ONE-SHOT COLLECTION] This is a challenge I made for myself. What is the challenge all about? Refer to Part 1. :)