Writing Period: April 4-April 6, 2013
Date Finished: April 6, 2013
Date Posted: April 7, 2013
---dahil hindi ko rin lang naman mapigilan ang sarili ko sa pagsusulat binago ko na ang date ng Challenge, officially nag-start na s’ya noong April 4 (instead of April 8), kung kailan ko sinimulan ang kwentong ito. Sorry, hindi ko na-post agad kahapon, nagkaproblema sa internet connection.
---Oyy, Yam-Yam28…eto na ang libre ko sa’yo. Haha! Oyy tandaan mo, fiction ito, uulitin ko fiction! Ayusin mo ang review mo. Haha. Sana magustuhan mo. :P
***
My Summer Writing Challenge Entry No. 2: “My First Love”
Gustong-gusto kong makita at makasama s’ya. Masaya ako tuwing kasama ko s’ya. Masaya ako tuwing nakakausap ko s’ya. Masaya ako tuwing sasabihin n’ya ang mga iniisip n’ya o nararamdaman n’ya. Oo, malapit kami sa isa’t isa… pero hindi ko s’ya bestfriend. Saktong kaibigan lang. Oo, para sa akin, espesyal s’ya…pero hindi ko s’ya boyfriend. Pero kahit ganun, isa s’ya sa pinakamahahalagang lalaki sa buhay ko…
*Ring Ring Ring Ring* Napangiti naman ako nang makita ko kung sino ang tumatawag sa cellphone ko. Buti naisipan n’yang magparamdam…
“Oh, napatawag ka,” kaswal na sabi ko sa kanya. Hindi uso ang ‘hello’ sa aming dalawa.
“Nasaan ka?” As usual, ni hindi rin s’ya nangumusta. Pero kahit ganun, hindi ko pa rin mapigilang ngumiti, nang marininig ko ang boses n’ya. Grabe, matagal-tagal ko na rin s’yang hindi nakakausap.
“Nasa school. Bakit?”
“Linggo ngayon ah, bakit and’yan ka?” Hindi ko s’ya nakikita, pero sa tono ng pananalita n’ya, mukang nakakunot na naman ang noo n’ya.
“May training ang mga faculty,” sagot ko naman sa pag-uusisa n’ya.
“Ahhh. Matatapos na?” Napapailing na lang ako sa usapan namin, isang tanong, isang sagot. Sabagay, sanay na.
“Tapos na nga e. Pauwi na rin ako,” sagot ko naman.
“Ahh…Nakasimba ka na?” Kakaiba talaga ang lalaking ito, tanong ng tanong, parang wala namang pakialam sa mga sagot ko. Pabago-bago ng tanong e. Pero sanay na ako, ganito naman talaga s’ya sa akin. Parang wala lang, ayaw n’yang magmukang corny o cheesy. Ma-pride ‘yan e.
Hmmm, siguro makikipagkita ‘to. Napangiti naman ako sa posibilidad na ‘yun. Bakit ba, eh na-miss ko na s’yang talaga. Hihi. Miss ko na ang mga kayabangan at mga words of wisdom n’ya. Miss ko na ang mga tawanan at asaran namin. Miss ko na ang mga kwentuhan namin. Basta, miss ko na s’ya.
“Wow, daming tanong ah,” natatawa kong sagot sa kanya…Minsan lang kasi mag-usisa ‘yan ng tungkol sa akin. Wala yang pakialam sa akin e. Haha! ”Hindi pa nga e. Uy umuwi ka ba ngayon,” bago pa s’ya magtanong uli’y ako naman ang nagtanong. Sa Manila kasi s’ya nagtatrabaho. Big time yan!
“Oo. Tara simba tayo, tas kain pagkatapos,” napangiti naman ako sa alok n’ya. Hindi naman ito bago, noong college at ngayong nagtatrabaho na kami ginagawa rin namin ito…kaso lang may tatlong buwan na din kaming hindi nagkikita. Busy siguro, hindi ko alam…hindi naman s’ya nagsasabi.
Isa ‘yan sa mga bagay na masasabi kong ‘unique’ sa ‘relasyon’ namin. Oo, magkaibigan kami pero hindi kami ‘yung tipong palaging updated sa isa’t isa. Bukod sa parehong busy, tamad din kaming magtext. Kadalasan, nagkakabalita lang kami sa isa’t isa tuwing nagkikita kami, minsan sa isang buwan.
BINABASA MO ANG
My Summer Writing Challenge
Short Story[ONE-SHOT COLLECTION] This is a challenge I made for myself. What is the challenge all about? Refer to Part 1. :)