Writing Period: May 3, 2013
Date Posted: May 3, 2013
---This is Utang No. 2, which is supposedly uploaded last April 27 pa! Ahaha. Pasensya na kung puro “Dear You” ang nagagawa ko. Naglalaro kasi ako ng basketball/volleyball/badminton twice a day, kaya ayun! Ang sarap magpapawis, at sana mamayat na ako! :D
***
Writing Challenge Entry No. 9: “Realize”
DEAR YOU,
Hi there! Yeah, heto na naman ako, sumusulat sa’yo. Siguro kung totoong natatanggap mo ang mga sulat na ginagawa ko para sa’yo, asar na asar ka na sa kakulitan ko. Sabi ko naman sa’yo miss na kita eh! Ahaha, pero seryoso…sorry talaga kung sa ganitong paraan ko nilalabas ang mga nararamdaman o naiisip ko. Alam mo naman sigurong wala naman talaga tayong communications, at isa pa, kahit magkita pa tayo, hinding hindi ko rin masasabi ang lahat ng mga ‘to sa’yo. Asa pa naman.
So ayun, baka magtanong ka kung para saan na naman ang sulat na ito. Don’t worry, hindi to katulad ng mga nakaraang sulat ko. Ganito kasi ‘yun, today I found out something sweet and admiring about you. Something na hindi ko alam sa kabila nang dalawang taong pagsubaybay sa’yo. Something na nakapagpangiti pa rin sa akin, kahit wala na akong nararmdaman para sa’yo. Pero alam mo ba? That something made me realize na hindi pala talaga kita kilala.
Akala ko talaga sapat na ‘yung iilang alam ko tungkol sa’yo para makita kung sino ka ba talaga. Akala okay na ‘yun, pero ngayon, narealize kong karamihan ng alam ko tungkol sa’yo, imbento lang o di kaya, haka-haka. I don’t know why I ended up fooling myself that I’ve known you enogh.i don’t know. Pero kung tutuusin, ako’t ako lang ang may kasalanan doon. Dahil ginusto ko din namang lokohin ang sarili ko.Itanggi ko man o hindi, kasalanan ko pa rin ‘yun. Bakit ko ginawa ‘yun?Siguro dahil gusto kong masabi man lang na may alam ako tungkol sa’yo, na kilalang-kilala kita, kahit hindi pa naging tayo. ‘Yun lang din siguro ang kaisa-isang paraan para maramdaman ko kahit papaanong malapit ako sa’yo. Siguro ganun na nga ‘yun.Siguro. Palagay ko, normal lang ‘yun sa mga nasupalpal nang mga taong mahal nila, o baka nga normal lang ‘yun sa lahat nang nagmamahal. Siguro.
Sa totoo lang, nalungkot ako sa realization ‘yun. Nakakalungkot na sa hinaba-haba nang dalawang taon, isa ka pa ring palaisipan sa akin at hindi pa rin kita totoong kilala. Nakakalungkot na sa hinaba-haba nang dalawang taon, hindi mo ako hinayaang makilala ka nang totoo. Nakakalungkot, na simula pa lang, hindi mo na pala ako pinapasok sa buhay mo. Nakakalungkot dahil hindi na yata ako mabibigyan nang pagkakataong makilala ang totoong ikaw.
Pero kahit na ganoon, may isang parte ko ang masaya. Oo, masaya ako dahil ‘sa likod nang pasaway na imahe ng lalaking minahal ko, ang isang mas mabuti pang tao, ang isang mapagmahal na kapamilya. Masaya ako dahil tama palang minahal kita. Hindi ako nagsisisi at hinding hindi ako magsisisi. Pramis! Masaya akong, minsan sa buhay ko, dumating ko. Masaya akong hindi man buong-buo, nakilala kita.
Hay, ‘yan na lang muna siguro ngayon. Wala na akong maisip na sasabihin.
DATING NAGMAMAHAL,
ME
***
Bale ang utang ko na lang pala ay ang entries for April 30, at May 3. Hopefully, matapos ko na ang mga sinimulan kong short stories para mabawi ko na ang mga utang ko. Susulpot na lang basta ‘yang mga kwentong ‘yan! Salamat sa paghihintay at sa pagtitiyagang magbasa! :)
BINABASA MO ANG
My Summer Writing Challenge
Short Story[ONE-SHOT COLLECTION] This is a challenge I made for myself. What is the challenge all about? Refer to Part 1. :)