Writing Period: May 1, 2013
Date Posted: May 3, 2013
---Hi did you miss me? Sorry for being missing-in-action for quite some time. Anyway,this is Utang No. 1, which is supposedly uploaded last April 21 pa! Ahaha.
***
Writing Challenge Entry No. 7: “8 Days to Go”
DEAR YOU,
Hi there! Believe it or not, heto na naman ako, sumusulat para sa’yo. Ilang beses ko nang pinagsabihan ang sarili ko, pero hindi ko nga yata kayang hindi magsulat tungkol sa’yo o para sa’yo. But don’t worry; this one is different from my previous letters. :)
May 1, 2013. May na at walong araw na lang bago mag-May 9. Walong araw na lang bago ang ating, este aking ‘2nd Anniversary’. Nakakatawang isiping umabot nang dalawang taon ang nararamdaman ko sa’yo. Nakakatawa ring isiping hanggang ngayon, nagbibilang pa rin ako nang mga araw na akala mo, totoong may anniversary tayo. Ang totoo naman, MU ako: Mag-isang Umiibig. Tawa na lang tayo, maraming tawa. Hahahaha!
Sabi ko sa huling sulat ko, naka-move on na ako. Totoo ‘yun. Sinabi ko ‘yun with conviction, peksman mamatay man si batman. Masaya akong sa wakas, natanggap ko na nang buong-buo na hindi talaga tayo, at masaya akong tumigil nang umasa. Pero pagkatapos kong gawin ang sulat kong ‘yun, hindi naman totoong nakalimutan na kita o ang mga alaala mo. Pagkatapos ko din sabihing naka-move on na ako sa’yo, wala pa ring araw ang dumadaan na hindi kita naiisip. Ang totoo n’yan, ‘yung pangalan mo, oras-oras pumapasok sa isip ko. Pero kahit naiisip kita, madalas pangalan mo na lang, at minsan ko na lang makita ang mukha mo sa isip ko. Wala na rin ‘yung bilis nang tibok ng puso, wala nang kilig o sakit. Wala na. Saktong-sakto nga sa akin ‘yung sinasabi sa isang kanta: “I remember the name, but I don’t remember the feelings anymore.” Yehey to that! Naka-move na nga talaga ako!
Pero alam mo, kahit naka-move on na ako, isipin ko pa lang, nahihirapan na akong magsimula ulit at magmahal nang iba. Sa loob kasi ng dalawang taon, ikaw at ikaw lang. Sanay na eh, ano pang aasahan mo sa akin? Pero hindi ako narito, para magreklamo o maglabas nang sama ng loob dahil nahihirapan na naman ako dahil sa’yo. Narito ako para magbigay nang magandang balita. Alam mo ba, the past few days, habang pinag-iisipan ko paano magsisimula ulit, may pinadala si Lord para tumulong sa akin. And yeah, I think I’m learning to start over and I think soon, he’ll replace the part you left in my heart. Mali pala, he can never replace you in my heart, but I’m sure he can replace your role in my life.
Nakilala ko rin s’ya 2 years ago, tulad mo. (Baka nga kilala mo s’ya) Pero hindi ko naman talaga s’ya nakilala kasi, hindi katulad ng barkada n’yo, hindi kami naging malapit sa isa’t isa. Pero last summer, nakasama namin s’ya sa isang activity. Doon, nagkaroon kami ng mangilan-ngilang pagkakataong mag-usap, nagka-text din minsan; pero hindi ko rin naman talaga s’ya kilalang-kilala. These past few days, lagi kaming nagkikita, pero kahit hindi kami masyado nag-uusap, masasabi kong mas close kami. Basta, ‘yung mga gestures namin, or ‘yung way nang pagbati namin sa isa’t isa, parang mas naging komportable kami. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ‘yun o talagang nangyari nga ‘yun, pero basta, pakiramdam ko talaga may nagbago.
Hmm, masyado pang maaga para sabihin kong napalitan ka na talaga n’ya, masyado pang maaga para sabihin kong gusto ko na talaga s’ya…pero masaya akong kasama s’ya. Siguro sa ngayon, sapat na ‘yun. Kung titingnan, mas maganda ang simula ‘namin’ kaysa sa naging simula ‘natin’ pero ayaw ko pa ring umasa. Sana mapigilan ko ang sarili kong umasa. Alam mo naman, ‘yan ang dahilan kung bakit sobrang nalubog ako sa pagkagusto sa’yo. Ayoko ring umasa na may papatunguhan ito, pero sa ngayon mas gusto ko munang i-enjoy lang ‘yung iilang mga oras na nag-uusap at nagkakasama kami. Sa ngayon, okay na ‘yun.
Masaya ka na, alam ko, sana ako rin maging masaya na. Kahit hindi mo ito mababasa, sana ipinagdadasal mo ding maging masaya na ako. Sana pinagdadasal mong mahanap ko ‘yung lalaking ‘hindi manggugulo sa buhay ko’ tulad nang madalas mong sabihin noon. Sana, kahit sa mga ganyang paraan lang naiisip mo din ako. Sana maging masaya na nga ako. Sana. Sana…
Sa tamang panahon, sana rin maging magkaibigan tayo. Kaya ‘yun, alam ko. Kayang kaya. Sa tamang panahon.
DATING NAGMAMAHAL,
ME
PS: Miss na kita…’yung walang malisya. :)
BINABASA MO ANG
My Summer Writing Challenge
Short Story[ONE-SHOT COLLECTION] This is a challenge I made for myself. What is the challenge all about? Refer to Part 1. :)