Writing Challenge Entry No. 3: "23rd Month"

1.1K 21 10
                                    

Writing Period: April 9, 2013

Date Posted: April 9, 2013

---Tatapatin ko na kayo, I started to run out of ideas para sa challenge na ito. Ang dami kong plots na nasimulan pero hindi ko matapos tapos. Haha. Kaya pagbigyan n’yo muna ako kung ito lang ang maipo-post ko. Again, this entry is special for me. Pagbigyan n’yo na ako. Babawi na lang ako sa susunod na entry. Anyway, don’t forget to leave your feedbacks, huh? :)

--Ate Rai, I actually hesitated to dedicate this to you. Nakakahiya kasi hindi naman talaga ito story. Pero isipin mo na lang, I’m doing this to let you see another side of me. Hihi. Thank you for being a good (online) friend!

***

Writing Challenge Entry No. 3: 23rd month

DEAR YOU,

For almost two years, naging malaking parte ka ng buhay ko...araw-araw ka ba namang nasa isip ko. Sa maniwala ka’t hindi… oo, totoo. Kahit mabibilang lang sa kamay ang mga pinagsamahan natin, I’ve been real crazy about you. Yes, I’ve been real crazy about you to the point na naging ang tanga-tanga ko. Ang tanga-tanga ko para maghintay at umasa pa sa’yo…

Alam mo ba? Ito ang pangatlong beses na gagawa ako ng sulat para sa’yo. Gulat ka ‘no? Pero oo, tama ang nabasa mo, I’ve been writing letters that I don’t send to you.

Unang beses, noong August 2011, para sana sa birthday mo. Hindi ko naibigay kasi nahiya ako; the thing is, hanggang ngayon nakatago pa rin ang sulat na ‘yun. Pangalawang beses, noong December 2012…isang maramdaming sulat para sa’yo. Sa sulat na ‘yun, kinwento ko halos lahat ng naramdaman at nararamdaman ko para sa’yo. That time, parang muling nag-erupt ang mga nararamdaman ko para sa’yo after several months of dormancy…kaya naman kinailangan ko ng outlet para dito.That time, I badly wanted to let you go and move on…pero hinding hindi ko magawa.

But wait there’s more. Aside from letters, I’ve been writing stories about you. My first online story was entitled “When I Fell In Love With A Bum”, then it became “Devil Beside Me”. Kung mababasa mo man ito, I hope you won’t get offended by the title. Ganun kasi talaga ang pakiradam ko: you’re not good enough for me. Oo, ang yabang ko…pero sa kabila ng paniniwalang ‘yun, nagustuhan pa rin kita. Wala akong nagawa, minahal pa nga ata kita. Anyway, binura ko naman na ang story na ‘yun. “Mr. Tambay and I” na s’ya ngayon. On-hold nga lang ang story na ‘yun, dahil pinipigilan ko ang sarili kong magsulat tungkol sa’yo. “Tama na, move on ka na,” sabi ko sa sarili ko. Pero kahit ako, niloloko ko lang ang sarili ko. Gusto kong mag-move on? Minsan kahit ako, hindi naniniwala sa sarili ko. Bakit? Dahil hindi naman talaga ako tumigil magsulat tungkol sa’yo. “The Sweetest Break-up”-yan ang unang fiction story na sinulat ko, hindi dapat related sa’yo but I ended up naming the characters after your given names. After “The Sweetest Break-up” I wrote another story, “I said NO when I meant YES”, about how you asked me to be your girlfriend and how I rejected your offer. Honestly, mahirap talaga ‘yun, ang tanggihan ang isang bagay na gusting-gusto ko…pero nagawa ko dahil alam kong hindi ka naman seryoso. Then there came the stories: “5 Reasons Why” and “His 5 Reasons Why”. Yung una, those were my real reasons why I have to let you go. Yung pangalawa naman, make-believe reasons ko para sa’yo, kunyari reasons mo why you have to set me free. Doon sa “His 5 Reasons Why,” pinagmuka kong genuine ang reasons mo to set me free: you just can’t love me back, and you wanted me to be happy with someone I truly deserve. Gustong-gusto kong maniwalang ganun nga ang mga dahilan mo. Gustong-gusto ko, pero alam kong malabo. I doubt it is possible that you’ll care that much about me.

Sabi ko sa pngalawang sulat ko:

Hindi ko hihilinging sabihin mong mahal mo ako kahit hindi, hindi ko hihilinging sagutin mo ang mga sagot ko, at hindi ko hihilinging tuparin mo ang mga pangako mo. Kung may hihilingin ako, yun ay magparamdam ka…bumalik ka. Gusto kong bumalik ka, hindi para mas magpakatanga pa ako… gusto kong bumalik ka para gisingin ako sa kalokohan kong ito. Gusto kong bumalik ka para sabihin mong tama na, para sabihin mong wag na kitang hintayin pa. Gusto kong sabihin mong masaya ka na at gusto mo ring maging masaya rin ako. Bumalik ka at tulungan mo akong makawala sa mga alaala mo. Bumalik ka kung saan mo ako iniwan at pag natauhan na ako, sabay tayong maglakad papalayo sa isa’t isa... Bumalik ka para makausad na ako…bumalik ka…

Pero hanggang kailan ako maghihintay sa pagbalik mo? Closure? Sa pelikula at libro lang naman ata nangyayari ‘yun. Nakakapagod na, alam mo? Nakakapagod na. Hindi ko na mahihintay pa ang pagbabalik mo.

Sometimes I wonder, paano kung nasabi ko lahat ng gusto kong sabihin, ano kayang magiging reaction mo? Will I get answers that I didn’t get for years? Or will I just creep you out? But I guess I’ll never know…

Siguro kapag nagmamahal ang tao, hindi naman talaga maiiwasang umasa. Ganun siguro talaga. Pero sa kaso ko, paulit-ulit na lang- aasa, masasaktan, kunyari makaka-move on pero hindi naman, aasa ulit, masasaktan at kunyari makakamove on, at paikot-ikot lang. Nakakapagod na. Today is the 23rd month mula noong nagkagusto ako sa’yo,naalala mo? Siguro nga hanggang dito na lang talaga tayo, I mean ako..kahit kalian hindi naman nagkaroon ng tayo. Kahit pwede pa akong maghintay at umasa, I want to mark this 23rd month as the end of us. Nakakapagod na. Suko na ako, at totoong totoo na talaga ito. With conviction, goodbye.

NAGMAMAHAL AT SA WAKAS HANDA NANG SUMUKO,

ME

 ***

Next entry will be posted on April 12. Thanks for reading!

My Summer Writing ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon