Writing Challenge Entry No. 10: "I Hate You"

596 12 6
                                    

Writing Period: May 7, 2013

Date Posted: May 7, 2013

---Another “Dear You“ entry. Sorry kung ganito na naman. Pagt’yagaan n’yo na po, kwento din naman ito. Hahaha! I’ve been really distracted these past few days, kaya hinbdi ako nakakapagsulat. Happy distractions naman. :D Anyway,this is Utang No. 4, which is supposedly uploaded last April 30 pa! Ahaha.

***

Writing Challenge Entry No. 10: “I Hate You”

DEAR YOU,

Ito ang unang pagkakataong susulat ako para sa’yo, pero sa totoo lang, hindi ko gustong gawin ito. Bakit? I hate you, ginugulo mo kasi ako!

Siguro naman alam mo ‘yung tungkol sa aking ‘ex-love’. Sino ba namang hindi makakaalam nang dalawang taong pagkabaliw ko sa kanya? Alam mo ba, naka-move on na ako. Ang saya, ‘di ba? At heto pa, may crush na ulit ako. Mas masaya! Ang ganda-ganda na nang tinatakbo nang pagsisimula ko ulit dahil kay crush, kaso lang  dumating ka para ipa-realize sa aking wala rin akong pag-asa sa kanya. I hate you, ginugulo mo kasi ako!

Dalawang araw. Dalawang araw pa lang tayong magka-text simula noong gumamit ulit ako ng cellphone. Dalawang araw pa lang, nagawa mo nang guluhin ako. Bakit ako pa? I hate you! Bakit bigla-bigla mo na lang akong hihiritan nang kung anu-ano? Hindi ka naman ganyan sa akin dati, hindi ba? Anyare? Sa totoo lang, kapag kausap o kasama kita, pakiramdam ko ang ganda ko, nababawasan ang mga insecurities ko. Gago ka kasi, bakit mo ako binobola? Ang masama pa nito, hindi ko maramdamang binobola mo lang ako. Natutuwa pa nga ako, at sige, aaminin ko na…kinikilig ako. Babae eh, sino’ng aayaw sa kilig? Pero, I hate you. Tropa tayo, ‘di ba? Magkaibigan lang tayo, ‘di ba? Bakit ganyan ka? Ngayon, gulong-gulo na ako, at natatakot sa kung anumang patutunguhan ng pagpaparamdam mo.

Awkward. Hindi mo ba naisip na magiging awkward kapag nagpatuloy ka sa paganyan-ganyan mo? Noong nilibre mo nga ako ng softdrinks at hinatid pauwi, kabang-kaba ako. Hindi ko mawari kung ano’ng dapat maramdaman ko. Nangatngat ko na nga nang bonggang bongga ‘yung straw ng softdrinks ko! Bakit ka ba ganyan? Natatakot ako. Seryoso.

Ayaw ko, ayaw kong magkagusto sa’yo! Oo, gusto kita bilang kaibigan. Ang bait at sipag mo kaya! Unofficial SK Councilor ka na nga eh…palagi ka na lang naming kasama at katulong sa mga lakad namin. Pero, ayaw kong lumagpas pa doon ‘yun. Bakit? Maraming dahilan. Una, ayaw kong matulad kay ‘Ms. E’ na na-involve sa dalawa sa barkada n’yo. Ayaw ko. Ayaw ko! Pangalawa,magkaibigan nga tayo, ‘di ba? Isa ka pa naman sa pinakagusto kong kaibigan, tapos biglang ganito? Natatakot ako. Pangatlo, para kang si ‘ex-love’ at natatakot ako’ng magkagusto sa’yo gayung alam kong hindi ka magugustuhan ng pamilya ko. Nangako ako sa sarili kong pipili ako ng lalaking sigurado akong magugustuhan ng pamilya ko. Nangako ako. At pang-apat, mas gusto ko si crush. Mas gusto ko s’yang magustuhan, kahit ngayon-ngayon lang kami nakakapag-usap at nakakapagkita. Masakit man para sa’yo, sa tingin ko magugustuhan s’ya ng mga magulang ko. Ewan ko, naguguluhan na talaga ako!

Kilala ko ang sarili ko, mabilis akong madala sa sinasabi ng kausap ko. Paano kung magkagusto din ako sa’yo? Patay tayo d’yan, magkakandaloko-loko na! Sinabi ko naman sa’yo, natatakot ako, tinawanan mo lang ako. Ano ito? Seryoso kaya ako! Ano nang plano mo? Hay, I hate you, bakit ba ginugulo mo ako!

Sinusulat ko pa lang ito, kabang-kaba na ako. Najejebs na nga ata ako! Take note alas kwatro pa lang ng madaling araw. Bigla ko tuloy gustong mag-jogging, pampatanggal kaba.  Haha. Okay, hindi ko na papahabain ito, iisa lang naman ang punto nito: “Natatakot ako sa patutunguhan ng mga sinasabi mo sa akin.“ Kung ano mang mangyari sa mga susunod na araw, sana makapag-isip at makakilos ako nang tama.Sana. Sana.

GULONG-GULO DAHIL SA’YO,

ME

My Summer Writing ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon