Writing Period: April 13-15, 2013
Date Posted: April 15, 2013
---Maraming maraming salamat dahil umabot kayo sa Entry No. 5! Salamat sa pagttyaga sa mga kwento ko! Wag sana kayong magsawang magbasa at mag-iwan ng feedbacks. Pinapasaya n’yo talaga ako, sobra!
Uyy, alam n’yo ang saya kong nakatapos ako nang dalawa! Ang saya-saya! Nga pala, dinagdagan ko ‘yung spacing. Mahirap daw pag dikit-dikit masyado yung paragraphs. Kaya wag kayong magfreak-out sa length nito. Hihi.
---Kay Kuya Mike, sana po matulungan n’yo ako sa pamamagitan ng pagbibigay ng review dito. Kahit nakakahiya, sana po magustuhan n’yo ito, idol! :)
***
Writing Challenge Entry No. 5: “Untitled”
“Jei? Anong ginagawa mo dito?” Tila gulat na gulat s’ya nang makita ako, pero nakita kong kumurba paitaas ang mga labi n’ya. Anong meron? Masama bang mamasyal ako sa bayan? Anong tingin n’ya sa akin, taga-bundok? Kung meron mang dapat magulat sa aming dalawa, ako ‘yun! Magugunaw na ba ang mundo at s’ya pa ang naunang bumati?
“Oh?” Halos irapan ko s’ya nang magtanong ako. Nahihiwagaan talaga ako sa lalaking ito. Hindi naman s’ya ganito sa akin. Sa halos pitong taong magkakilala kami, wala nga s’yang pakialam sa akin. Kahit kailan hindi s’ya nagkaroon ng panahong pansinin ako, maliban na lang kung aasarin n’ya ako. Pero bakit kinakausap n’ya ako ngayon na para bang matalik kaming magkaibigan?
“Saan ka pupunta?” Napataas na ang kaliwang kilay ko nang magtanong s’ya. Bakit n’ya tinatanong? Bakit kailangan n’yang malaman? Tumingin ako sa paligid, mukha namang normal ang lahat, walang senyales ng pagkagunaw ng mundo…pero bakit kakaiba ang lalaking ito? “Uyy, san nga?”
“Teka nga Maico. May sakit ka ba?” Tanong ko sa kanya atsaka lumapit sa kanya’t pinakiramdaman ang noo n’ya sa pamamagitan ng likod ng palad ko. Mukha namang wala s’yang lagnat. Eh anong meron? “Muka namang wala. Yung totoo, anong nakain mo?” Tiningnan ko s’ya nang maigi noon. Unang beses naming mag-usap nang ganito kalapit. Unang beses ko rin s’yang hawakan. Wala na akong pakialam kung anong sasabihin n’ya…may hindi lang talaga ako maintindihan.
“Huh? Anong sinasabi mo?” Takang-taka s’yang nagtanong sa akin. Hinawakan n’ya ang kamay ko sa noo n’ya at tinanggal ito. Nakita kong bahagya s’yang ngumiti nang gawin n’ya ‘yon. Hindi ko alam kung para saan. Hindi ko rin alam kung guni-guni ko lang, o talagang may parang kuryenteng dumaloy mula sa kamay n’ya hanggang sa kamay ko? Electric man na ba s’ya ngayon at ‘yun ba ang dahilan kung bakit kakaiba s’ya ngayon? Teka, posible ba ’yun?
“Wala akong sakit. Ikaw ang sira d’yan,” sabi n’ya atsaka ngumisi sa akin nang nakakaloko.
“Ayy ewan ko sa’yo. Hindi kita maintindihan, bahala ka na nga d’yan,” sabi ko at nagsimula nang maglakad papalayo sa kanya. Nakakatatlong hakbang pa lang ako nang marinig ko s’yang tumawa. Ano bang nakakatawa? Ang lakas ng tawa n’ya, nakakahiya s’ya. Hindi ko na s’ya nilingon pa, baka mapagkamalan pa akong may kasamang baliw. Naku, ayokong masangkot sa mga kalokohan n’ya.
“Oyy Jei. Saan ka nga pupunta?” Nagulat na lang ako nang pigilan n’ya ako sa may braso. Nakaramdam na naman ako ng kuryente. Now I know, isa na nga talaga s’yang electric man. Paano kaya n’ya nagawa ‘yun? Gusto ko ‘din ng super powers!
“Maico, naramdaman mo ba ‘yung kuryente? Electric man ka na ba ngayon? Saan mo nakuha ‘yang super powers mo?” Hindi ko pinansin ang tanong n’ya kung saan ako pupuntahan. Wala naman talaga akong pupuntahan, kahit saan lang. Mas gusto kong malaman kung bakit may kuryente akong nararamdaman sa tuwing hahawakan n’ya ako at gusto ko ring malaman kung saan n’ya nakuha iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/4889388-288-k188264.jpg)
BINABASA MO ANG
My Summer Writing Challenge
Short Story[ONE-SHOT COLLECTION] This is a challenge I made for myself. What is the challenge all about? Refer to Part 1. :)