Hey, I've been missing-in-action for the past few days, and I'm really sorry. Bukas, alam kong hindi pa rin ako makakapag-post ng story. So by April 30, apat na ang utang ko. Baka paisa-isa lang ang magawa ko, kaya hindi ko alam kung kailan ko mababawi ang apat na 'yun. This is a bit frustrating on my part, kasi nga challenge ito...challenge na ginawa ko para sa sarili ko, pero hindi ko mapanindigan nang ayos. Ang mali ko lang, hindi ko na-anticipate ang bigat ng mga activities ko ngayong summer, kaya nagkandaloko-loko na.
Okay, para malinaw lang. Wala po akong summer classes, pero isa akong SK Councilor. (Ang totoo nga n'yan hindi na ako nakapag-summer dahil sa dami nang ginagawa sa SK) For the last four months, we've been preparing for a fund-raising pageant. First time naming gawin 'yun kaya matindi-tinding trabaho talaga ang ginawa namin para doon. Moving on, for the last two weeks, mas naging busy talaga kami kasi palapit na nang palapit ang event. Kaya naman, gustuhin ko mang gumawa ng kwento, hindi ko magawa. Syempre, bukod sa walang oras, walang lakas (laging puyat), wala din ako sa kundisyong gumawa ng kwento.
Anyway, tapos na 'yung event last April 23. Successful naman. Noong 24 bukod sa maghapon akong tulog, maingay rin sa bahay, kaya hindi rin ako makakagawa ng kwento. Kahapon naman, fiesta dito sa amin. Dumating ang mga kaibigan ko kaya maghapon ding abala.
Sinasabi ko ito, dahil sa tingin ko karapatan n'yong malaman. 'Wag n'yo sanang isiping nagdadahilan lang ako. Dahil sa ating lahat, ako ang may pinakagustong matapos itong challenge na ito. Alam n'yo yan. :)
So ayun, sana maintindihan n'yo at sana makapaghintay kayo. 'Wag kayong mag-alala nagsisimula na ako. Ayoko ring maipunan. :)
SALAMAT SA LAHAT NG SUMUSUPORTA! Pinapasaya n'yo ako! <3
BINABASA MO ANG
My Summer Writing Challenge
Short Story[ONE-SHOT COLLECTION] This is a challenge I made for myself. What is the challenge all about? Refer to Part 1. :)