Writing Challenge Entry No. 4: "Back to Zero"

1K 25 9
                                    

Writing Period: April 13-15, 2013

Date Posted: April 15, 2013

---Sa mga hindi ko followers, uulitin ko lang po na kaya hindi ako nakapag-upload last April 12 kasi may mga ilang bagay lang na nangyari. Una, tinago nang nanay ko ang AVR para hindi ako makagamit ng PC. Haha! Sinubukan ko namang gumawa sa computer shop pero hindi ko kaya, hindi ako maka-concentrate.

 Uy readers, maraming maraming salamat talaga sa mga nagbabasa nito at sa mga matyagang nag-iiwan ng feedbacks. Wag sana kayong magsawa. This is my first attempt to write this kind of story. Sana magustuhan n’yo! :)

---Kay Jhing, sana matulungan mo ako sa pamamagitan ng pagbibigay ng review dito. I love your honesty, kaya bilib na bilib ako sa mga reviews mo. Hihi. I think I failed on this one, basta feeling ko, pero sana magustuhan mo. :)

***

Writing Challenge Entry No. 4: “Back to Zero”

Aminah, can we talk? Meet me at The Watersong Café on Saturday, 4PM. Please be there. Please… ---Chino

Halo-halo ang pakiramdam… saya, lungkot, excitement, kaba at kung anu-ano pa, ang naramdaman ko nang matanggap ko ang text message na ‘yan noong nakaraang Miyerkules. Higit isang taon na rin mula nang huli ko s’yang nakita at nakausap… higit isang taon na rin mula nang iwan n’ya ako. Matagal ko nang hinihintay at pinaghandaan ang araw na muli kaming magkikita at mag-uusap pero iba pa rin pala kapag totoo na. Ibang-iba…

Ngayon, Sabado na. Alas-tres palang ng hapon, pero nandito na ako sa Watersong. Pinili kong pumunta nang maaga, dahil nag-aalala akong baka hindi ako tumuloy kung makita ko s’ya. Alam kong okay na ako at handa na ako, pero hindi ko rin masasabi kung anong magiging reaksyon ko kapag nakita ko na s’ya. Maigi nang nakasisigurado. Mahirap na ring umurong, matagal ko nang hinintay ito. At isa pa, may kanya-kanya na kaming buhay kaya kailangang-kailangan na rin namin ito.

The Watersong Café. Isa ito sa pinakasikat na Café sa aming bayan. Bukod sa masasarap ang kape at mga pagkain nila rito, kakaiba ang konsepto nang Café na ito. Matatagpuan ito sa beachside at tanaw na tanaw mula sa loob nito ang kagandahan ng langit at ng dagat. Bukod pa rito, maganda ang interior nito, ang sahig at kisame nito ay isang malaking aquarium at ang mga dekorasyon nito ay nagbibigay ng pakiramdam na para bang totoong nasa ilalim ka ng dagat. Ito ang mga dahilan kung bakit naging paborito namin ni Chino ang lugar na ito.

Ordinaryo lang ang kwento namin ni Chino, hindi pang pelikula o pang-nobela. Pero alam, ko, ang naging pagmamahal namin sa isa’t isa ay totoo…

Parehas kaming malapit sa tubig ni Chino. Isa s’yang marine scientist samantalang ako’y isang professional swimmer. Nagkakilala kami sa isang Clean-up Drive dito sa amin. Mabilis kaming nagkahulihan ng kiliti, at nagkamabutihan. Dahil na rin siguro sa parehas naming pagmamahal at passion sa tubig. Marami kaming pagkakaparehas ni Chino, akala ko ‘yung mga bagay na ‘yun ang mas magpapatatag sa pagsasama namin. Hindi pala…

Dalawang taon kaming magkarelasyon ni Chino… Naging masaya at puno ng pagmamahal ang dalawang taon na ‘yun. Mahal na mahal ko si Chino at alam kong mahal na mahal n’ya rin ako. Kahit madalas din kaming nagkakaroon ng tampuhan, alam kong matatag kami. Sabi ko nga sa sarili ko, si Chino na ang gusto kong makasama habambuhay. Akala ko kami na talaga. Pero one and a half year ago, ang pangarap kong habambuhay kasama si Chino, tuluyan nang nasira. Oo, naghiwalay din kami. At hindi naging maganda ang paghihiwalay naming ‘yon, ni hindi nga kami nakapag-usap nang maayos.

“Aminah, I’m sorry but I think we should break-up. It’s not you, it’s me. I’m sorry, ayaw ko lang mas masaktan ka pa.”

My Summer Writing ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon