Writing Challenge Entry No. 8: "Glad You Came"

512 8 1
                                    

Writing Period: May 2, 2013

Date Posted: May 3, 2013

---This is Utang No. 2, which is supposedly uploaded last April 24 pa! Ahaha.

***

Writing Challenge Entry No. 8: “Glad You Came”

DEAR YOU,

Hello! This is the first time I am writing a letter for you; and honestly, I never expected I would. Pagkakataon nga naman, ano? Akalain mong ikaw pa!

Just to give you a background, sumusulat talaga ako ng mga letters na hindi ko naman pinapabasa sa dapat pagbibigyan nito. Ayos ba? Nagsimula ‘yun sa aking ex-love, na hindi ko na lang papangalanan. Sumusulat ako dahil hindi naman kami nagkikita at matagal na kaming walang komunikasyon, dahil tumitiklop at napipipi na ako kapag nasa paligid s’ya, at higit sa lahat dahil marami akong bagay na sa tingin ko, hindi ko kailanman masasabi sa kanya. Ganun din sa’yo, sumusulat ako ngayon dahil may mga bagay na hindi ko pa kayang sabihin. Pero malay natin, in due time, mababasa mo din ‘to. Dalawang bagay lang ang ibig sabihin nun: una, naging tayo kaya may lakas na akong sabihin sa’yo ang mga ka-cornyhan ko at pangalawa, sobrang malapit na natin sa isa’t isa na kahit hindi tayo, okay lang sa akin na sabihin ang mga ito. Oha, ang layo na nang narrating ng utak ko. Haha!

Alam mo ba, hindi dapat letter ang gagawin ko para sa’yo, kundi short story. Pero hindi ko matapos-tapos ang nasimulan kong kwento ‘natin’, kasi nagsisimula pa naman ‘tayo’. Haha! Heto na naman ako, maka-tayo naman ako, eh wala namang tayo. Okay, aaminin ko na, I have a slight crush on you.  A part of me, natatawa…really. I don’t know why; pero siguro dahil it came too unexpectedly. I never really thought na magkakagusto ako sa’yo, pero heto’t nangyayari na. But don’t worry; a greater part of me is glad you came. Nagsisimula palang ako ulit pagkatapos nang halos dalawang taong pagkabaliw sa kanya, and I really need your presence right now.  ‘Wag mo sanang isiping panakip butas ka lang. Hinding hindi ganun ‘yun. Basta, masaya akong sa wakas, may iba na akong nakikita bukod sa kanya at sa wakas, handa na akong magbigay nang atensyon sa iba. Basta masaya ako. Sana gets mo.

Hmmm, I really can’t point out, bakit ikaw ang nagustuhan ko. Ganun siguro talaga ang buhay, love/like will just hit you out of nowhere, at hinding hindi mo mapipili kung sinong magugustuhan mo. Pero alam mo ba kung kailan kita umpisang napansin? ‘Yun yung araw na sinabi mo sa aking “Bakit hindi ka na nagtetext sa akin?” Para sa akin, it’s something. More than half a year na yata akong hindi gumagamit ng cellphone for some reasons, and I never expected na tatanungin mo ako nang ganun. I never thought you care. I never thought na hahanapin mo ako, eh dalawang beses lang yata tayong nagka-text noon. Nakakatuwa lang. Sa computer shop naman minsan, sabi mo sa akin ang ganda ko, kung nagsink in sa akin agad ‘yun matatawa ako nang sobra sobra, ang laking joke non! Ahaha. Kaso lang nagulat ako sa’yo nun e, ang nasabi ko lang “O-oyy, ikaw pala.” Palagi mo na akong binabati simula noon, pero pinakagusto ko ‘yung pagbati mo sa akin kailan lang. Actually ako pala ang bumati, suntok nga lang ang pagbati ko, ‘yung walang pwersa. Ang nakakatuwa sa moment na ‘yun, parang hindi ko kasama ‘yung kaibigan ko noon (na hindi mo kilala), walang nagsalita sa ating dalawa, at sinalo mo ‘yung suntok ko. 3 seconds mo lang yata sinalo ‘yung suntok ko, pero kakaiba ‘yung pakiramdam ng mga kamay mo sa kamay ko. Walang mabilis na pagtibok ng puso katulad kay ‘ex-love’, pero basta kakaiba. Nagmake-face ka pa noon, at ang cute mo. Tapos a day or two after that, nagkita ulit tayo sa computer shop, hindi mo nga ata ako pinansin noong dinaanan mo ako. Nagkkwentuhan lang kami noon nang dalawa kong kabarkada sa may labas ng shop, at aaminin ko, gustong gusto ko na magtagal ang usapan namin para maabutan kita sa paglabas mo. Nakakatawa ako, ‘di ba?  Naabutan naman kita, at natuwa ako noong tinaas mo ‘yung kamay mo nang nasa harap kita. Nag-apir tayo noon, ang lakas nga ng tunog. Haha! That time, feeling ko close tayo. At heto pa, napanaginipan ko ‘yung apir natin. Pagkatapos daw nating mag-apir, hindi daw muna tayo nagbitaw ng kamay. Tumayo pa nga daw ako at sumabay sa paglalakad sa inyo nang cute mong kapatid. HHWW pa tayo! Nakakakilig at nakakatawa. Pero panaginip lang ‘yun. Panaginip.

 Ang babaw ko hindi ba? Mga ganyan lang masaya na ako. Ganun talaga ako.Ikaw naiisip mo ba ako? Ano’ng pakiramdam o iniisip mo sa tuwing nagkikita tayo?

Pakiramdam ko may nagbago sa ating dalawa. Hindi naman tayo ganito dati, ‘di ba? Pero imahinasyon ko man ‘yun o katotohanan, ayokong bigyan nang kahulugan o kahit na anong malisya ang pagbabagong ‘yun. Sa ngayon, okay na muna akong ganito tayo. Masyado pa ring maaga para kung anu-anong isipin ko tungkol sa’yo o tungkol sa’tin, masyado pang maaga para umasa sa kung anu-ano. Pipigilan ko ang sarili kong umasa, pramis! Pero kung ano mang patutunguhan nito, sana maging masaya na ako. Sana.

Wala na akong masabi. Sa susunod na letter na lang ulit. Thank you nga pala, and believe it or not, I’m glad you came. Really.

MAY SLIGHT CRUSH SA’YO,

ME

My Summer Writing ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon