Writing Period: April 18, 2013
Date Posted: April 18, 2013
---This is not a lovestory. Diary entry na naman ang kinalabasan nito. Ahahaha. You don’t really have to read this, Wattpad Adventures ko lang ito. Pero kung babasahin n’yo ito, tingin ko naman ay ay mapupulot kayo. Anyway, malapit na ang fiesta sa amin,at busy-busyhan ang mga SK, maghapon-magdamag wala sa bahay. So ayun, wala akong nasulat na one-shot. Pagpasensyahan nawa ninyo. :D
Writing Challenge Entry No. 6: “I Love Wattpad”
4th year highschool (2009-2010)
Kilig na kilig ang mga classmates and schoolmates ko sa 548 Heartbeats ni peachxvision. Kapag vacant ‘yun at ‘yun lang ang pinagkakaguluhan nila.
Ano naman ‘yan? San galing? Yan ang mga karaniwang tanong naming walang kamalay-malay tungkol ‘dun. Online love story daw ‘yun, galing sa Wattpad.
Ano naman ‘yung Wattpad? Isa pa ‘yan sa mga tanong namin. Ang Wattpad daw ay website na punong-puno ng mga stories.
Hindi ako gaano nagbabasa noon, mahal kasi ang mga libro. Kakaunti lang naman ang mahihiraman ko, kaya kadalasan hindi talaga ako nakakapagbasa. Noong una kong narinig ang Wattpad, natuwa ako kasi libre at magaganda daw ang mga stories dito. Ang kaso nito, noong binisita ko ang website, hindi ko naintindihan kung paano i-operate, shunga-shunga’t kalahati eh. Hahaha. And so I ended up ignoring the website.
1st year college. (2010-2011)
Uwian pa ako noon. Kaya naman, kapag mahaba ang vacant ko, sa library muna ako tumatambay. Minsan nagre-review, minsan natutulog, pero kadalasan nag-iinternet sa Computer and Multimedia Section ng Library…sinusulit ang 20 hours free internet access per semester. So ayun, sa kaka-internet ko, naalala ko ang Wattpad. Ang natatandaan ko sa google ko pa sinearch ang 548 Heartbeats noon…para deretso na sa link ng story! Hahaha, hindi ko pa rin talaga gamay noon ang operation ng Wattpad. Sa awa ng D’yos nakita ko na ang 548 Heartbeats, at sinimulang basahin. 1st sem ko sinimulang basahin ‘yun, pero sa hindi ko maalalang dahilan, tumigil ako. 2nd sem ko na ulit binasa at natapos.
After 548 Heartbeats, tumigil ulit akong magbasa. Bukod sa wala pa naman akong alam na susunod na babasahin, grade-conscious pa ako noon at wala masyadong panahon sa ibang bagay bukod sa pag-aaral.
2nd year college. (2011-2012)
Diary ng Panget by Haveyouseenthisgirl. Sabi noong kaibigan ko (Yam-Yam28) ‘yan daw ang binabasa n’ya. Noong una, akala ko parang diary lang talaga ang format, bawat chapter Dear Diary blah blah blah blah. Kaya nga hindi ko agad binasa. Pero noong wala na akong magawa, sinilip ko din ‘yun. At hindi ko pinagsisihan ‘yun, naging hook na hook talaga ako sa kwentong ‘yun, to the point na ni-recommend ko s’ya sa mga college friends ko, kahit alam kong hindi sila interesado sa mga ganun. Dahil gandang-ganda ako sa Diary ng Panget at Diary ni Eya, binasa ko lahat ng works ni HYSTG. Hangang-hanga ako sa kanya kasi mas bata pa s’ya sa akin, pero nakapag-produce na s’ya ng ganoon kagagandang kwento. That’s when I decided to create an account.
GhelieAce something ata ‘yung una kong account pero hindi ko napakinabangan kasi nakalimutan ko ‘yung password. Hahaha!
iheartcornetto (now MissLaRie_09) ang sumunod kong account. During this time, I was deeply inlove/inlike/infatuated (I don’t really know) with someone. So along with HYSTG, this someone has indirectly inspired me to write stories.
Devil Beside Me/When I fell inlove with a Bum- ‘yan ang unang attempt kong gumawa ng kwento (series). Tungkol sana sa aming dalawa, pero dahil na rin siguro sa sobrang personal touch at kakaunting experience sa pagsusulat, waley ang kinalabasan nito. Binura ko din ito noong hindi na madugsungan at hindi na ako satisfied sa tinatakbo nito.
BINABASA MO ANG
My Summer Writing Challenge
Short Story[ONE-SHOT COLLECTION] This is a challenge I made for myself. What is the challenge all about? Refer to Part 1. :)