CHAPTER 27

21 20 5
                                    

Yoshio's Point of View

Napabalikwas ako ng tayo at inayos ang aking sarili mula sa pagkakahalik ko kay Nalu. May kumalabog kasi sa labas ng pintuan kaya naman akma ko na sanang hahawakan ang doorknob. Nakaawang ang pinto na animo'y nakalimutang isarado. Sumilip ako kung may tao, nang makita ko si Yome sa labas nito.

Halos nakasalampak na siya sa sahig at pinupulot ang pagkaing natapon.

“Yo—Yome?” Mahina at nauutal kong tawag sa asawa ko. Yumuko na rin ako at simula na rin sana sa pagpulot nang hawiin niya ang kamay ko.

“Mag usap tayo sa ba—bahay.” Gumagaralgal na sabi ni Yome. Hindi niya ako tinitignan at patuloy pa rin siya sa pagpulot sa nakakakalat na pagkain sa sahig.

“Kunin ko lang mga gamit ko.” Matipid kong sagot sa asawa ko. Tumingin siya sa akin na namumugtong mata. Huminga akong malalim at bumalik sa loob ng faculty para kunin ang gamit ko.

“Sir uuwi ka na?” Pabulong na sabi ni Nalu.

“Oo, ingat ka sa pag uwi ha? Pagkalabas ko rito ay sumunod ka na rin baka anong isipin pa ng iba.” Pag papaalala ko sa kanya.

Nagulat ako nang yumakap si Nalu. Luminga linga ako kung nakasilip ang asawa ko sa bintana. Nang masigurado kong walang taong nakatingin ay agad kong ninakawan ng halik si Nalu sa kanyang labi.

“Mamaya magalit ang asawa mo kung makita niyang hinalikan mo ako.” Nag aalalang sambit ni Nalu.

Dahan-dahan kong hinawakan ang mukha niya, “Para isahang galit na lang.” Biro kong turan sa kanya. Pinalo niya ako sa aking braso ng pabiro at saka ngumiti.

“I'll message you later.” Inayos ko ang uniporme ko at lumabas na ng faculty room.

The ride home was filled with a heavy silence as Yome and I sat side by side, each lost in our own thoughts. The air was thick with unspoken words and unresolved emotions.

When we finally arrived at our room, Yome's demeanor had subtly shifted. “Naturingang guro, higit sa lahat may asawa at anak na pero astang hayop kung makalingkis na parang sawa…” Her eyes held a distant expression, as if she were grappling with a profound realization.

I couldn't help but wonder if she had witnessed the earlier encounter with Nalu in the classroom.

“Ito na naman ba tayo? Gagawa ka na naman ng eksena para lang may mapag awayan?” Singhap ko habang ibinababa ang mga gamit ko.

“Ako gumagawa ng eksena? Hindi ba’t ikaw ‘yon? Kitang-kita ko, Yoshio!” Reklamo niyang sabi sa akin.

“Ano bang nagawa kong mali para ipakita mo pa sa akin harap harapan ang paghalik sa estudyante mo! Hindi ka na ba nahiya? Simula ng tumungtong ako sa eskuwelahan simula kanina puro bukambibig ng mga tao ay kayong dalawa ng babae mo!” Mahabang litanya ni Yome.

“Ano pa bang silbi nito?” Sabay turo niya sa wedding ring na suot-suot niya. “Nawalan ng silbi at halaga ang singsing ng pagmamahal dahil sa kagaguhan mo, Yoshio!” Tuloy-tuloy pa rin siya sa pag sigaw at pagduldol sa dibdib at braso ko.

I had tried my best to make our relationship work, but Yome's constant neglect and lack of affection had left me feeling unfulfilled. It was not my fault if Yome had failed to provide me with the same.

The Veil of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon