First encounter

1.3K 50 0
                                    

Jade



Alam nyo yung feeling na nawawala yung concentration nyo dahil tingin ka ng tingin dun sa taong nasa harapan mo.

Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon, di ko mapigilan ang sarili kong makatingin sa kanya lalo na kapag nag-iisip ako ng sagot. Para kasing makikita ko sa kanya yung mga sagot ko kapag nakatingin ako sa kanya. Tama pa ba tong nangyayari sa akin?

Sulat. Sulat. Sulat. Tingin. Sulat. Sulat. Tingin. Sulat. Sulat. Tingin.

Di ko namamalayan na nakatapos na pala ako sa exam, aba't himala ay maaga akong nakatapos ng math exam ko. Tas tumingin ako sa harapan, oy asan na sya?

Lingon. Lingon.

Ayun, nagche-check ng mga students na sumasagot. Lumalakad-lakad siya sa loob ng classroom. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad siya, kita ko sa kanya ang seriousness at concern sa mga kilos niya habang nagtitingin siya sa nga blockmates ko. Tamihimik lang ang buong classroom. Seryoso kasi ang lahat habang ako naghihintay lang ng oras na matatapos ang exam.

"Excuse me, tapos ka na?"

O.o

Boses nya yun. Patay, pano ko to sasagutin?

Okay jade, act cool. Be cool. Kaya mo yan.

"Ahh oo." Sagot ko sa kanya at lumingon.



Mas lalo akong nagandahan ng nakita ko ng malapitan ang mukha niya. Mas lalo kong napansin yung brown eyes niya, yung matangos niyang ilong pati na rin yung collarbone niya at yung lips nya. Ghad, straight pa ba ako?

Oo, inaamin ko na girl crush ko itong babae to dahil sobrang perfect niya sa harap ko. Sa tuwing nakikita ko parang magnet yung mga mata ko na di ko kayang tanggalin hanggat di siya nawawala sa paningin ko. Damn, she's too good to be perfect!!

"You can leave the room as soon as you're done." Kinausap niya ulit ako.


"Ahh, I'm just waiting for someone to pass ahead of me. Nakakahiya kasing tumayo." Sagot ko naman sa kanya.


Buti nalang at nasa pinakalikod ako naupo para di masaydong storbo sa ibang students na sumasagot pa. Si Sally nasa harapan ko sumasagot pa.


"Ahh okay, so kamusta yung exam?" Tanong niya sa akin at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.


Luh. Kinakausap niya talaga ako, she's starting our first ever conversation. Sumaya bigla yung mood ko, alam nyo yung feeling na parang ang saya mo dahil kinakausap ka ng crush mo. Yun yung nararamdaman ko ngayon, ang saya ko kasi pinansin ako ng girl crush ko. Parang kinausap na ako ng isang artista.

"Ayos lang naman." Sagot ko sa kanya pero not in my normal tone, may halong bulong kasi. Nakatingin lang ako sa kanya habang naghihintay ng sagot niya.

"Ahh, sorry ah." She apologize, bakit naman toh magso-sorry?

"Bakit ka nagso-sorry sa akin?" Nagtatakamg tanong ko sa kanya.

"You may found it weird na out of the blue ay kinausap kita at exams pa talaga. Di ko na rin kasi alam ang gagawin ko dito." Pagpapaliwanag niya.


Di ko naisip yun ah.


"Di naman ah. Okay lang nga sa akin kinausap mo ako." Sagot ko sa kanya with a smile.

"Talaga?" Then her face brightens up.


"Yup." ^.^ mas lumapad yung ngiti ko.


"By the way, I'm Althea." She offered her hand.

"I know, pinakilala ka ni prof kanina." I chuckled. "I'm Jade." I accepted her hand.


While we're holding each others hand, parang may kuryenteng dumadaloy sa akin. Agad ko namang binitawan yung kamay niya at mukhang nagulat pa siya sa ginawa at pilit pang ngumiti sa akin.


"Ay sorry, nahihiya kasi ako sa kanya ko. Pasmado kasi." Pagdadahilan ko sa kanya.


Langya, ano ba yung nagawa ko sa kanya?


"Sus, wala yun ako nga rin eh medyo pawisin din itong kamay ko." Sagot niya sa akin.

I chuckled.

"Teka, saglit lang ah parang malapit na kasi yung time eh. Kailangan ko munang asikasohin ito. It's nice meeting you Jade." Sabi niya at tumayo na.

"Same here." I flashed a smile to her and she smiled too.



Naghintay muna akong ng ilang minuto bago tumayo at magpasa ng papel sa kanya. Inayos ko na yung mga gamit ko at tinapik si Sally na mukhang nagulat dahil natapos na ako. Sumenyas nalang ako na maghihintay ako sa labas. She nods and smiled at me. Lumakad na ako papuntang harap. Pinasa ko na agad yung papel ko sa kanya.


"Wow ha, magaling ka pala." Komento niya ng chineck niya yung papel ko.

"Di naman, inspired lang." Sagot ko, inspired lang ako sa iyo. Boom!

Syempre di ko sinabi yun noh. Nakakahiya baka akala nito les ako, straight ako period. At girl crush ko lang siya kasi ang ganda niya at ang approachable.

"I hope to see you around Jade." Sabi niya at lumingin sa akin with a smile.

"You too, Althea." Sagot ko.at ngumiti din.


Lumabas na ako ng classroom at naghintay na sa labas nito, para kay Sally. Air-conditioned kasi yung room kaya sirado lahat ng bintana pati yung door pero may small glass window ang door kaya makikita mo kung sino ang nasa loob nito. Nakikita ko pa rin siya na nakaupo sa table at nagbabantay, nasa may door kasi ako tumambay para makita ko pa rin siya. I can't get enough of her kahit na nag-usap kami kanina parang mas gusto ko pa siyang magkasama at makausap ng matagal.

Pinipigilan ko din ang sarili ko na sumigaw, dahil may exams din yung ibang rooms, sa saya dahil sa conversation namin kanina. Kahit na mabilis lang yu  pero ang saya-saya ko kasi napansin niya ako at kinausap pa. Magkakilala na kami!! Ayos!!

-----------------

Althea

Hmmmmmm.


Jade.




Jade, pala ang pangalan mo.



Now I know.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Okaaay ^.^



----------------
A/N: binilisan ko na ang update habang di pa sumsabog yung twitter ko.

Sali kayo sa team namin, TEAM STRAIGHT PA BA AKO?!

just check my twitter account and follow me para dumami ang team members namin.

@glaishyrrwen - twitter account

True Love ExistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon