Jade
Masaya ako habang inaalala ko yung surprise sa akin ni Althea. Baliw rin kasi yung babaeng yun eh, di ko alam kong ano ang pumapasok sa isip niya.
Flashback
"hoy saan ba tayo pupunta ha?" Tanong ko sa kasama ko na hindi ako pinapansin.
Nagdrive lang siya ng nagdrive at di ko na alam kung saan na kami nakarating. Nung una kinukulit ko siya kung saan talaga kami pupunta pero wala ayaw niya talagang sumagot sa akin kaya hinayaan ko nalang. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising nalang ako na nakapark na yung sasakyan at wala na yung driver ko, bubwit saan ba yun nagpunta? Teka saan na ba kami? Anong lugar ito?
Lumabas ako ng kotse. Brrrr.. Ang lamiiiig. Baliw na Althea to, di naman sinabi sa akin na magdala ng jacket. Bumalik ako sa loob at nakita ko yung paperbag sa ay likod ng may note pa na 'wear me :)'. Opo kasama po yung smiley.
ehhhhh! ang sweet talaga ng taong toh.
Lumabas na ako sa kotse cause it's time to look for my love of my life. Char, love of my life. kabaklaan hahaha.
Halos wala akong makita sa paligid kasi sobrang dilim, asan yung ilaw dito? or may ilaw ba talaga dito? blackout ba?
"Althea! Althea, saan ka?"
"Hoy!!"
"Altheaaaaa!!"
Wala pa ring sumasagot, langya yun iwanan ba ako dito. Ang lamig na nga ang dilim pa. Pero ang pinagtataka ko ay nandun pa rin naman yung gamit ni Althea. Ano ba talagang nangyayari dito ha?
Nung na nakalimang hakbang ako (oh diba bilang ko talaga, wala akong magawa dito kaya nagbibilang lang ako ng kung ano-ano dito) biglang umilaw yung paligid and as in light on lahat kita mo na talaga yung buong paligid.
ang gooooondoooooooo!!
Nilibot ko ng tingin ang buong paligid and as in ang ganda kahit di mo makita kasi gabi pero tanaw mo yung mga bituin sa langit, oy ano ba ang lalim nun, pwede kang magstargazing dito kasi pwede kang humiga kasi may mga damu rin naman dito. Puno ng christmas lights ang mga puno dun sa paligid at may iilan na streetlamps din. Sa dulo nun mga ilaw, may isang round table at may nakita isang familiar na tao na agad namang nagpangiti sa akin. My body recognize what I see as if it's already comfortable to that presence na automatic na talaga yung response ng body ko kapag nandyan sya.
Lumakad na ako palapit sa kanya, di pa rin nawawala yung ngiti sa mga labi ko habang palapit ako sa kanya at nakatingin lang sa kanya. syems, ang ganda niya kahit casual t-shirt at faded jeans lang yun suot niya. Ang sarap tignan!
"pwede na akong matunaw sa mga tingin mo Lubb."
"di ka ice cream wag kang mangarap dyan." pambabara ko sa kanya.
"whatever." she rolled her eyes.
laging pikon to oh..bago pa sya bumuga ng apoy ay nilapitan ko na sya at niyakap na may kasamang halik sa psingi. Wag na sa lips baka alam nyo na. hahaha spg yun hirap na wala kami sa bahay. not that ginagawa talaga namin yun sa bahay. kayo talaga.