Jade
It's been two weeks since nagkasama kami ni Althea dun sa bar. It's been two weeks na official friends na talaga kami.
Ang bilis noh? Thanks to technology at napabilis ang lahat. After naming umuwi ni kuya Paul that night, as I said that I would call her when I get home, I did call her and it was amazing. Para lang pinagpatuloy lang namin yung pag-uusap namin sa labas ng bar, madaming tawanan at harutan over the phone. Hanggang napatigil kami kasi madaling araw na, kailangan pa naming matulog.
It's been two weeks since nangyari pero it feels na sobrang tagal na yung nangyari parang isang taon na ang nakalipas. Alam nyo yung kakilala mo palang sa isang tao pero kilala mo na sya all your life, kahit isa or dalwang araw lang kayo magkakilala at naging kaibigan. Yun ang naramdaman ko kay Althea. Sa sandaling panahon na yun, pakiramdam ko naging kumpleto na yung buhay ko. Ang cheesy noh? Pero yun talaga ang nararamdaman ko.
And here I am waiting for her dito sa Mcdo, one of our bonding moments ang lumabas at tumambay sa Mcdo. Malapit kasi sa bahay namin at sa condo niya. Kung tatanungin nyo kung nakapunta na ako sa condo niya, nope. She didn't invite me yet. I didn't ask her about her preference kasi ayaw kong may malisya ang pagkakaibigan namin. Oo, girl crush ko siya at iba yung nararamdaman ko kapag nandyan sya pero ayaw kong lagyan ng malisya yun kasi mahalaga siya sa akin at ayaw kong mawala siya o masira ang pagkakaibigan namin.
"Jade?" May biglang huminto na tao sa harap ko.
"Niko?" Tanong ko sa taong nasa harap ko, naninigurado lang ako sa taong nasa harapan ko.
"Yeah its me, wow..it's been a long time..how are you?" He smiled at me.
"Okay lang naman, ikaw kamusta ka na? Yeah, it's been what ten years?" I chuckled.
Natawa rin siya, wow. Ang tagal na rin palang di kami nagkikita ng lalaking ito. Niko was my first crush nung bata pa ako and also my classmate noon. After our grade 6 graduation, wala na akong balita sa kanya and it's nice to see him again. Nagkamustahan muna kami, okay lang naman di ba? Tsaka naghihintay pa naman ako kay Althea, so okay lang nakausapin ko ito. Teka bakit parang may magagalit sa gagawin ko? I'm still single you know..
Matagal din kaming nagkausap, catching-up eh. Nagmigrate pala yung family sa canada right after our graduation kaya pala di na sya nagpagpaalam sa amin noon kasi biglaan daw and di pa kaya uso nun ang internet tsaka cellphone kaya wala talaga syang communication sa amin. He's taking up HRM dun sa canada and napadpad lang siya dito kasi binibisita nya yung grandparents niya.
Napatigil ako sa pagtawa ko ng makita ko si Althea sa likod ni Niko. Agad namang napatingin si Niko sa likod nya at nakita si Althea.
"Althea.." sambit ko sa pangalan niya.
...............
*dug*dug*dug*dug
Why the heck my heart beats as this fast? I'm sweating and I'm damn nervous. Kinakabahan ako sa iisipin niya about me and Niko. She looked at me then Niko, she's waiting for me na ipakilala ko si Niko sa kanya. Damn, kinakabhan na talaga ako.
"Niko, si Althea..friend ko. Althea, si Niko classmate ko nung elementary.." pakilala ko sa kanila.
"Niko" he offered his hand.
"Althea" she accepted it.
Althea withdrew instantly and umupo na sa tabi ko. I looked at her, parang wala siya sa mood. She slumped herself sa chair beside me. Then I looked at Niko, he started to feel awkward while watching us.
"Uhh....I'd better go, Jade. Nice meeting you again. Keep in touch." He stood up and went over me to make beso.
"Sige..you have my number already right? Till next time.." I said when we pulled away.
I waved at him as he start to walk away from us. Damn, napapa-english ako kapag kinakabahan ako..
Napatingin ulit ako kay Althea na aburido talaga yung mukha niya, ano kaya ang problema nito? I was about to stand up para mag-order ng pagkain para sa amin, she held my hand. Napalingon ako sa kanya.
'Sorry' she mouthed the word.
I smiled and iniwan siya sa table namin para mag-order sa counter. Ngayon lang ko lang naramdaman yung gutom, madaldal kasi yung si Niko eh di ko na napansin ang gutom. Nag-order na ako ng dalawang mcribs, large fries and cokefloat, nakakakgulat noh? Ang lakas naming kumain pero di halata sa katawan namin. Hahaha
Dinala ko na yung order sa table namin and nakita kong nilalaro ni Althea yung phone ko. Napangiti ako, okay na yan. Di na aburido yung mukha niya, she's in the mood. Ang bilis talagang magshift ng mood ng babaeng ito, bipolar!!
Mahal mo naman..
Tumigil ka nga dyan. Kung anu-ano ang sinasabi mo.
She stops playing when she sees ne and even help to palce our food. Then we start to eat. Nagsimula na kaming magkwentuhan, I even told her about Niko. Pati na yung naging crush ko siya noon. She just listening about my stories and yun ang nas nagustuhan ko sa kanya, nakikinig lang sya sa mga kwento ko kahit nonsense na. And I do same to her also, I listen to her stories.
Nung naubos na yung pagkain namin, dito na magsisimula yung countdown na magkakahiwalay na naman kami. We part ways to go home. Nakakalungkot naman.
"Hey, bakit ganyan yang mukha mo?" Concerned niyang tanong.
"After nito, uuwi na tayo. Nakakalungkot lang." Matambang kong sagot.
"Mami-miss mo ako noh?" She teases me.
I pouted.
"Mami-miss mo nga talaga ako." Pang-asar sa akin.
"Sadista." Asar kong sagot.
"Okay.." she sighed. "Gusto mo tambay muna tayo sa condo ko?" She suggested.
"Pwede?" I smiled at her, it light up my mood.
"Oo naman, ikaw pa." She smiled.
"Sige punta tayo...punta tayo sa condo mo." Excited kong sabi, parang bata lang na pinayagan bilhan ng bagong laruan.
Natawa lang si Althea and I pouted.
Weeeeeeee!!!!! Makakapunta na ako sa condo ni Althea. Kanina lang pinag-usapan natin na di pa ako nakakapunta sa condo niya pero ngayon, pupunta na talaga ako at kasama siya.
Sumakay siya sa kotse ko, wala daw kasi syang dalang kotse. Siya na rin ang nagvolunteer na magdrive since di ko alam kung saan yung condo niya.
Pagdating ko sa unit niya, I was amazed sa kalinisan ng condo niya. Para akong nahiya sa kalinisan ng condo niya compared sa kwarto ko sa bahay na medyo magulo. May dalawang kwarto yung condo niya, isa sa kanya at si daw para sa guest. May veranda siya at makikita mo view ng city.
After a the impromptu condo tour, we decided na magmovie-marathon. Ako ang pipili ng movies while si Althea ang maghahanda ng food namin. Napili ko ang The Wedding Singer nila Adam Sandler and Drew Barrymore.
"You have a good taste, Jade." Nakabalik na pala si Althea.
"Hmmm?"
"This is one of my favorite movie.." sagot niya habang sineset-up ang home theater niya.
"Talaga?"
"Yup, it may sound silly pero favorite ko to lalo na yung kanta dito ni Adam." She smiled.
"Well I guess, I really have a good taste." I smiled at her.
Then the movie starts, we cuddle each other in her couch as we start watching the movie..
--------------------
A/N: Luh..I smell jellyace!!
Finally na push ko na rin ang update na ito..how was it guys?
Comments are appreciated.
Votes are more appreciated.
Be my follower is mostly appreciated..^________^
Btw, there's a clip from the movie they watched.
Thank you...
Love you rebels!!