Althea
"What are you doing here?"
Nakatingin siya sa amin, not sure what to answer to us. Tinignan namin siya, waiting for her to answer.
"I heard what happened to you, I'm just checking if you're okay."
I smirked and looked at tito, nagulat sya sa sagot ni Amanda but he smiled later on.
"Kanina ka pa dun sa labas?" He put a straight face.
Silence. Nakatingin lang si tito kay Amanda while Amanda, nakayukong nakatingin sa kamay ni tito. Then she slowly reach his hand.
"Medyo." She smiled.
I said goodbye to the both of them bago pa simulan ang kwentuhan kasi alam kong mahaba-haba pa yung pag-uusapan nila. I smiled until nakalabas na ako sa room.
"Lubb, ang saya mo ata ah." I didn't notice na nasa harap ko na pala si Jade.
"Syempre nandyan ka eh."
"Ayan ka na naman eh pinapalaki mo yun ulo ko, teka sinong kasama ni dad dun sa kwarto?"
Naku!! Ano kaya ang sasabihin ko dito?
"Ah ano kasi, sabi ng dada mo magpapahinga muna sya tsaka tinawagan niya rin sila Paul para siya naman daw ang magbabantay sa kanya." I lied.
"Pero wala pa syang kasama doon, diba?" She tries to get passed on me.
"Jade! Wag na nating istorbohin yung pagpapahinga ni tito. Sabi din kasi niya na umuwi ka raw muna kasi alam niya na ikaw talaga yung nagbantay sa kanya. It's better for you to go home para di ikaw yung sumunod dito."
"Pero--"
"Lubb, uwi muna tayo. Babalik naman tayo dito eh and I miss you. Okay naman yung dada mo di ba kaya tara na" paglalambing ko sa kanya.
As much as I hate to lie but she will benefit to it later on. She's quiet, tagal magdecide nito. I smiled, my most killer smile. She looked at me.
"Hmmm oo na sige na. Wag mo nga yang ipakita sa akin, alam mo namang weakness ko yan."
I laughed. I knew na weakness nya talaga yung killer smile ko. Sabay na kaming umalis sa hospital.
"Lubb, can I ask a question?" I asked.
"What is it, lubb?"
"Mapapatawad mo pa ba yung mama mo?" I glance at her.
Silence.
I knew it I should haven't ask that kasi iiba yung mood nya. I just ruined her mood. Way to go, Althea.
"Bakit mo natanong?" She asked with her neutral voice, di galit di rin masaya.
"Di mo naman parating maiiwasan yang mama mo lalo na at bumalik na siya, bumalik sa'yo. You can't push her away all the time."
"I can." She mumbled
Hininto ko ang sasakyan, red light pa, at napatingin sa kanya, seryoso ba sya?
"Seriously??"
"What? Sinabi ko lang na kaya ko di ko naman sinabi na gagawin ko talaga."
"What do you mean?"
"Kaya kong gawin yun pero wala ako sa mood ngayon. Pagod ako, alam mo yon."
"Pero mapapatawad mo pa ba siya?"
"I don't know, after what she have done to me, di ko na alam kung mapapatawad pa siya." She looked at me.
Nagsimula na akong magdrive. Alam ko naman kung bakit ayaw pa niya magpatawad kasi galit siya, galit sya kasi iniwan siya ng taong mahal niya. Sino bang hindi magagalit kapag iniwan ka ng mga taong mahalaga sa iyo at mahal na mahal mo. Para lang yung movie nina Toni at Piolo, yung nga linya nila dun, bullseye to kay Jade.