Jade
Langya naman oh, ba't ngayon pa itong exam nato?
"Hoy, anyare sa iyo?" Tanong ng kaibigan slash kaklase ko na si Sally.
"Eh tong philo ko kasi sumasabay sa math exam ko, kainis!!" Inis kong sagit ko sa kanya.
"Teka, departamentals naman yung sa math ah, anyare dyan sa prof niyo sa philo?" Dagdag ni Sally.
"Malay, tinamaan yata ng topak yan at makikipagsabayan sa math." Inis kong sagot.
"Grabe ka naman, chill ka nga dyan at mag-aral. Di yan makakatulong sa iyo kung magagalit ka lang dyan." Payo niya sa akin.
Naupo ako sa tabi niya, nandito kami sa bahay ko. Tumatambay muna kami habang naghihintay ng oras para sa mga klase namin. Malapit lang kasi itong bahay ko sa university kaya dito ang aming tambayan ni Sally, bestfriend ko.
I'm Roma Jade Ramirez, 18 years old and isang third year college student taking up Business Administration Major in Entreprenurial Marketing. Haba noh? Kasalanan ng school yan, wag ako. At naiinis ako ngayon dahil sa epal na prof ko na papansin sa mga students niya.
Eh kasi naman, nakikipagsabayan siya ng exam sa math na departamental yun, means lahat ng students under that subject ay sabay-sabay magte-take ng exam kaya ang maapektuhang klase during that exam ay cancelled. Tas yung philo subject namin natapat pa sa time na binigay ng college of math and sci or CSM nung isang linggo, kaya mukhang tinamaan yata ng topak yun kasi before daw ng exam sa math ay magbibigay din daw siya ng exam.
Sino bang hindi maiinis yan?! Titirisin ko talaga ang epal na teacher na yun.
Nag-review nalang ako ng ilang notes ko sa dalawang subjects na yun kahit labagsa kalooban kong magstudy ng philo, nagreview pa rin ako.
Ang ayaw ko kasi sa lahat ay yung biglaan lalo na kapag exam, ayaw ko din ng surprise kasi nagmumukha akong tanga dun. Kaya as much as possible ready ako sa lahat lalo na sa love.
Mabilis lang lumipas ang oras at naglalakad na kami papuntang school, kasama ko pa rin si Sally na kaklase ko sa math. Kapapasok lang nga namin sa loob ng school, mas lalo pang umiinit ang ulo ko.
"Jade, si David oh." Turo ni Sally kay David na naghihintay sa may entrance lounge.
Oo kita ko kaya nga umiinit ang ulo ko eh.
"Jade, sabay tayo?" Tanong niya ng nakalapit sa amin at napahinto kami.
I sighed.
"Sure David, ikaw pa." Sagot ni Sally nung napansin nyang wala akong planong sagutin si David.
Nagsimula na ulit kaming maglakad nasa likod namin si David. Siniko agad ako ni Sally.
"What?" Inis kong tanong, ang sakit kaya yun.
"Ba't ba ang sungit-sungit mo dyan kay David? Ang bait-bait kaya niyan sayo at matyaga syang nanlikigaw sa iyo noh." Bulong na sagot ni Sally na binibuild-up si David sa akin.
"Kaya nga ayaw ko sa kanya." Pabulong kong sagot.
"Ayaw mo siya dahil mabait siya?" Bulong niya sa akin at sumilip lay David na nakasunod sa amin.
"Hindi, dahil naliligaw siya. Ayaw ko sa kanya dahil nanliligaw siya." Sagot ko at napatingin kay David.
"Oh.." sagot ni Sally.