Battle 1

2K 39 1
                                    

Maloi's POV

Dalawang taon na ang nakalipas magbuhat ng makagraduate kami sa Kingdom High. Dalawang taon na rin magbuhat ng pasukin namin ang panibagong mundo dala ng kolehiyo. Dalawang taon na rin ang nakalipas.

Dalawang taon na rin akong nasasaktan. Dalawang taon na rin akong umiiyak. Gusto kong ibalik ang panahon noong nagdaang dalawang taon. Ayokong alalahanin ang mga nangyari sa dalwwang taon na pinagdaanan ko, pinagdaanan namin.

Ang dating masaya, makulay at maingay na mundo namin ay napalitan ng lungkot at katahimikan. Sinong mag-aakala na ang almost-perfect lovestory at friendship ay mauuwi sa wala. Babalik lang din pala lahat sa simula. Ang simula kung saan hindi kami magkakakilala.

Si Jho at Stacey? Wala na. Hindi na sila. Ang akala kong seryosong si Jho, hindi rin pala magagawang magseryoso.

Papaiyakin at sasaktan lang din si Stacey. Kung kailan mahal na siya ni Staku, saka lang niya ito iwan.

Si Mikha at Aiah? Nauwi rin sa hiwalayan. Ang akala namin nakalimutan na talaga ni Aiah si Jeremy pero isang gabi, napaginipan niyo ito at ang lahat feelings na akala niya ay wala na, ay nagsipagbalikan. Nasaktan si Mikha ng malaman ito at nagmakaawa kay Aiah na 'wag siyang iwan pero wala. Iniwan pa rin siya ni Aiah.

Si Sheena at Gwen naman, sa hiwalayan din ang punta.

Paano, itong si Gwen na akala kong pinakamatino sa kanilang lahat, may tinatago palang babae. Nasaktan si Sheena pero pinatawad niya si Gwen. Magmukha man daw siyang tanga, ayos lang kasi mahal naman niya. Kaya lang ang minsang panloloko ni Gwen ay naulit ng naulit hanggang sa hindi na kinaya ni Sheena at nakipaghiwalay.

At sympre, kami ni Colet.. naghiwalay din sa hindi ko malamang dahilan. Sabi niya makiuso raw kami sa kanilang apat. Pero alam kong hindi yon ang totoong rason niya.

Nakipaghiwalay siya dahil sawa na siya.

Ganoon naman talaga dapat 'di ba.

Ngayon, hindi ko alam kung ano ang gusto kong mangyari.

Kung ibalik 'yung mga panahong mahal pa naman ang isa't isa o kung bumalik sa panahon kung saan hindi pa namin kilala ang isa't isa. Kasi kung ganoon, hindi kami magkakasakitan. Hindi kami iiyak. Hindi kami malulungkot at wala kaming pagsisisihan. Pero alam ko naman na hilingin ko man ang dalawang 'yan, wala rin mangyayari kasi imposible.

Ang pagsasamahan na nabuo dahil sa isang clash, mukhang magtatapos din at mauuwi sa panibagong clash.

Pero sympre, joke lang lahat ng 'yan. Unang una, masyadong seryoso parang hindi naman ako ang nagsasalita, at pangalawa, ha! Asa pa kayong mabuwag ng ganun ganun lang ang samahan na pinundar namin.

Kagatin man ng lahat ng langgam si Jho, habulin man ng lahat ng aso si Mikha, mabagsakan man ng lahat ng libro si Gwen at tamaan man ng dalawampung kidlat si Colet, parang malabo ng mangyari 'yan.

Ito ang totoo..

Si Jho at Stakh, going strong. Mas sweet sila ngayon. Mas matured ng mag-isip. O di ba, may napala si Jho sa pagtanggal ng pagkatorpe niya. Siya lang eh, makulit.

Si Mikha at Aiah ganun din Sweet na rin. Minsan nga
nandidiri na ako kay Mikha sa sobrang pagkacheesy. Ito namang bruha kong kaibigan mukhang twang tuwa pa.

Si Gwen at Shee, ganun pa rin. Sweet. Hindi kasing cheesy nila Mikha at Aiah kasi parehas matured mag-isip ang dalawa hindi tulad namin a may mga pagkaisip-bata pa.

Kami ni Colet? Cool off. Hindi na 'to joke. Totoo na 'to.
Walang halong biro. Paano kasi nag-away na naman kami.

Gusto ko nga sabing kumain sa Mcdo pero pinagpipilitan niya ang Jollibee. Sa sobrang inis ko, winalk-out-an ko siya pero hindi man lang ako hinabol nung bakulaw. Kaya ayan, cool-off na kami. Bwisit.

Teen Clash 2 Where stories live. Discover now