Battle 2

1.1K 29 0
                                    

Aiah's POV

Hi, love. Tambay tayo mamaya kung saan man. Sunduin kita mamaya sa inyo. I love you.

Napangiti ako sa bouquet at card na iniabot sa akin ni Sheena

"Hindi niyo naman anniversary. Hindi niyo monthsary.
Walang spesyal na okasyon. Bakit ang effort at ang sweet ng girlfriend mo?"

Bakit nga ba? Hindi ko rin alam at wala na akong balak alamin pa ang dahilan. Masaya ako. Masaya kami. Tapos ang usapan.

Kinuha ko ang phone ko para itext siya at magpasalamat na rin sa pinadala niya.

What a great way to start the day. Ang sweet talaga ng girlfriend ko.

Kung may isang bagay akong ipagpapasalamat na nangyari sa buhay ko, 'yun ay ang lumipat kami ng eskwelahan noong 4th year highschool kami.

Noong panahong 'yun pakiramdam ko nasa kailaliman ako ng nararamdaman ko. Noon, akala ko hindi ko na ulit makukuhang ngumiti. Pero tulad nga ng sabi nila, best things happen when you least expect it.

I wasn't expecting her to enter my life, but she did.

Pumasok si Mikha sa madilim, boring at malungkot kong buhay at ginawa itong maliwanag, exciting at masaya.

Sa totoo lang, sa kanilang apat, siya ang sa tingin ko ay hindi ko magugustuhan. Bukod sa mayabang at nakakainis siya, dakila pa siyang babaero na walang ginawa kundi bwisitin at sirain ang araw ko. But I guess hindi ko talaga pwedeng pangunahan ang nararamdaman ko.

She came in my life and made me happy again. She made me believe in love again. She made me smile at aminin ko man o hindi, I'm the happiest when I'm with her.

Kinuha ko ang card na may sulat niya at inilagay ito sa kahon kung saan ko inion ang iba pang cards na binibigay niya. Madalas niya akong bigyan ng cards, letters o kahit na ano mang papel na naglalagay ng mga nararamdaman niya- nararamdaman para sa akin.

Ginawa ko ang lahat ng dapat kong gawin at nag-ayos para kapag dumating sya, aalis nalang kami at okay na.

"Naks. Agang nakaayos. Excited?"

Binalibag ko ng throw pillow ang nagsalitang si Maloi.

"Sira! Mabuti ng handa. Kesa naman pagdating niya, saka palang ako mag-aayos."

"Sanay naman ng maghintay si Mikha." gagatong pa si Staku. Pagtulungan ba ako.

"Hindi naman ako parang ikaw na sobrang tagal kumilos.
Baka biglang dumating -- "

Sa mismong pagbanggit ko ng salitang 'yun, may nagdoorbell na. "Speaking." bulong ko at inutusan si Stacey na buksan ang pinto na inutos nya kay Shee na ipinasa kay Maloi na inutos pabalik sa akin.

"Aba, ano 'to?! Utos ko, sunod ko?"

Nginitian lang ako ng tatlo at humarap ulit sa tv. Kaibigan ko ba talaga ang mga 'to?

No choice. Ako ang magbubukas.

"Hi -- " hindi ko pa natatapos ang sinabi ko when she kissed
me.

Naging kissing monster ang girlfriend ko nang magcollege kami. Nag-aadik daw kasi siya sa lips ko. Pwede na rin
'yun kaysa sa ibang lips siya mag-adik.

"Namiss mo ko?" parang bata talaga.

Ginulo ko ang nakawax niyang buhok saka pumasok sa kotse. Nang makapasok din siya, tiningnan niya ako ng masama, "Namiss mo ko."

Unlike kanina, hindi na 'yun tanong, but a statement.
Naiinis na rin siguro siya kasi ayaw na ayaw nyang ginugulo ko ang buhok niya lalo na kapag nakawax siya.

Teen Clash 2 Where stories live. Discover now