Battle 22

369 14 0
                                    

Sheena's POV

Nakakakilabot. Kahit alam kong hindi naman totoo kasi hula nga lang, hindi ko pa rin mapigilan ang matakot.

Baka kasi mamaya totoo. Baka mamaya mangyari nga. It's frightening not knowing what will happen next. The future is a very scary place.

Who or what will change? Is it for the better or for the worse?

"She's creepy." Bulong ni Stacey. "Last time, nung na-meet natin siya, never ko inexpect na totoo ang hinula niya. Sabi niya kasi hindi naman talaga siya manghuhula. Kaya lang paano niya nalaman 'yung kila Maloi? Sinabi mo ba, Maloi?" lingon ni Stacey kay Maloi.

Ginantihan siya ni Maloi ng sama ng tingin at irap,
"Ipagkakalat ko pa ba na nakipaghiwalay ako sa ex girlfriend ko dahil sa parehas kaming immature? Dapat bang ika-proud yun?"

Napatahimik naman si Stacey at mukhang nag-isip, "What is she referring to ng sabihin niyang malapit ng may magbago?"

"Or who." dagdag ni Maloi sa sinabi ni Stacey.

"Wala kasing clue. Kainis."

Nag-isip ako ng mabuti. Clues. Wala nga. Wala siyang nabanggit na mga clue. Pero may mga sinabi siya. May mga binanggit siya na pwedeng mangyari. May hindi mag-iiba. May magbabago. May mawawala. May darating.

Kung hindi ako nagkakamali, ayun ang mga sinabi niya dati.

"Hindi mag-iiba. Magbabago. Mawawala. Darating." Bulong ko dahilan para tumingin sa akin ang tatlo. "Ayun
"yung mga hinula niya dati."

"Oo. Tama. Naaalala ko pa 'yan. Ganyan nga ang mga sinabi niya." Pagsang-ayon naman sa akin ni Stacey.

"Hindi mag-liba.. ako 'yan at.. siya, di ba? Sabi niya?" pagtukoy niya kay Colet. She can't even say her name.

Napatango ako at inilagay ang daliri sa baba ko. "Hindi nag-iba ng ugali si Maloi at Colet kaya nauwi sila sa hiwalayan. Magbabago? Ano naman kaya yun?" Walang sumagot sa tanong ko pero biglang napapalakpak si Maloi.

"What?"

"Alam ko na 'yung mawawala. Si Gwen. Kasi 'di ba nasa ibang bansa siya? So ibig sabihin, siya ang mawawala." Feeling proud na sagot ni Maloi. Pakiramdam ata niya nakasagot siya ng isang bugtong.

"Tama! Wow, Maloi! Gumana ang utak mo ngayon ha. Ayan ba ang epekto ng -" bago pa man din maituloy ni Stacey ang sasabihin niya, napatikom na siya ng bibig. Nakuha sa masamang tingin ni Maloi.

Pero mawawala? Hmm. Parang.. "Hindi. Imposibleng si Gwen."

"Bakit naman? Minsan na lang ako tumama, Sheena. Mamamali pa ba ulit?"

"Mawawala. Umalis si Gwen, oo. Pero hindi siya nawala.
Kapag nawala ang isang tao o bagay, hindi mo siya makikita. Hindi mo siya makakausap. Hindi mo alam kung nasaan siya. Iba ang kaso ni Gwen, Maloi. Nakikita ko siya. Siguro sa kabila ng screen, pero nakikita ko pa rin siya. Nakakausap ko rin siya. Nakakakwentuhan. Napapakinggan. Alam natin kung nasaan siya. Napuntahan ko pa nga siya, di ba? Kaya sigurado ako. Hindi siya 'yan."

"Kung ganun, sino -"

"Are we supposed to take this thing seriously?" napatahimik at napatingin kami sa ngayon lang na nagreact na si Jhoanna. "Tinatakot niyo lang ans sarili niyo. Nagwoworry lang kayo sa bagay na posibleng hindi naman totoo."

"Pero nahulaan niya yung nangyari sa akin." Katwiran ni
Maloi.

"Siguro nga. Malay mo chamba lang. Hula lang 'yan. Ibig sabihin hindi sigurado. Pwedeng magkatotoo, pwedeng hindi. Huwag niyong i-spoil ang araw na 'to sa pag-aalala sa ibang bagay."

Teen Clash 2 Where stories live. Discover now