Battle 30

434 22 3
                                    

Sheena's POV


Kiss. Don't. Paulit-ulit na umiikot sa utak ko ang mga salitang 'yan. Nakakabaliw. Just when I'm about to give up, she made me hold onto her again. Wala e. Isang salita lang nawala na naman lahat ng galit at inis ko. Isang salita lang nagawa na naman niya akong pahakbangin papalapit sa kanya. Nakakaloko. Sa tuwing hahakbang ako ng isang beses palayo sa kanya, hihilahin niya ako dalawang hakbang pabalik. Walang kawala.

"Sino raw 'yung kasama nila kanina? Sino 'yung dalawang babaeng umeeksena sa love story ng dalawang kaibigan ko?" Inis na tanong ni Aiah.

Pinuntahan nila agad ako sa kwarto para magpakwento ng malaman nila kay Maloi na nagkita-kita kami nila Gwen at
Colet kanina.

"Bakit dalawa?! Hindi ako kasama dito. Walang umeeksena sa love story ko kasi wala ako nun." Sabat ni Maloi.

"Shut up! Walang humihingi ng opinyon mo dito. Magwawalk out walk out ka at gagawa kang eksenang pangdrama tapos walang love story?"

"Hindi mo kailangang magpaliwanag. Wala namang tayo.
Walang tayo." Fail na panggagaya ni Stacey kay Maloi. Todo drama pa siya.

"Hindi naman ganyan ang sinabi ko."

"Ganun na rin 'yun. So ano nga? Nung sinabi ni Maloi 'yun, nabwisit si Colet tapos nagmura?"

"Nagmura siya?"

Tinusok tusok ni Stacey si Maloi sa tagiliran, "Uyy. Curious.
Affected pa. Oo. Nagmura raw sabi ni Sheena. Drama kasi girl."

"E sa inyo ni Gwen? Anong nangyari pagkatapos?" Nalipat ang atensyon ko kay Aiah ng tanungin niya 'yan.

Kinagat ko ang labi ko na naging dahilan ng pagtili nilang tatlo. "Nagkiss kayo?!" Sabay sabay na sigaw nila.

Pakiramdam ko nagblablush na ako kapag naaalala ko yun. She kissed me. She did.

"Well... uhh. Kasi.. I was mad. I was mad at her. Sinisigawan ko na siya tapos sabi ko sa kanya napapagod na ako. Susukuan ko na siya. Then pagsabi ko nun.. that.. that happened. Tapos sabi niya don't. Parang don't give up on me."

Nagtititili si Maloi at Stacey habang nakakunot naman ang noo ni Aiah. Hindi lang siguro ako ang nakapansin sa naging rekasyon ni Aiah kaya napahinto sa pagtili ang dalawa at tinanong kay Aiah kung anong problema.

"Ramdam ko na mahal ka pa ni Gwen. Kaya lang..." Ayan ang nakakatakot marinig. Ang kaya lang. "She's too complicated. I don't get her. Nakipaghiwalay siya sa'yo tapos nag-iba siya ng persona. It's like she wanted you to give up, but when you're about to do that, she told you not to."

"They're complicated." Dagdag pa ni Maloi.

"Oo nga, ano?" Reaksyon ni Stacey at kinuha ang phone niya at parang nag-dial.

"Ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya kaya lang sa halip na sagutin ay itinapat na niya ans phone sa tenga.

"Hello? ..... Hoy, Gwen!" What the?! Si Gwen ang tinawagan?

"Bakit ang gulo mo? Ano bang -- "

Bago pa man may masabing kung ano si Stacey, inagaw ko na ang phone nya at inend ang call.

"Nakakahiya." Napaisip siya at hiningi ang phone niya ng marealize na ayokong patawagan si Gwen. "Tatawagan mo
pa?"

"Hindi na. Promise."

I gave her her phone. Nagdial siya ulit and this time si Jhoanna na raw ang tinatawagan niya, "May ginagawa ka? ... Nasaan ka ngayon? ... Punta ka dito. ... Okay. Ingat pagdrive."

Hindi ko na lang pinansin ang pagtawag niya kay Jhoanna at babalik na sana sa pagbabasa ng libro, na ginagawa ko na talaga bago pa man nila ako pasukin sa kwarto, nang biglang hilahin ni Aiah ang libro.

Teen Clash 2 Where stories live. Discover now