Battle 18

387 18 2
                                    

Maloi's  POV


Isang linggo na lang at magsisimula na ang panibagong pasukan. Si Jhoanna nakabalik na rin ng Pinas. Si Gwen na lang talaga ang kulang. Or maybe Colet as well. Alam mo 'yung pakiramdam na ang lapit lapit niya pero parang ang layo pa rin?

Minsan ng naisip ko na parang mas malapit lang si Gwen kaysa sa kanya. At least kasi si Gwen, constant 'yung pag-uusap nila ni Sheena. Kapag nag-uusap sila, as in usap talaga. Hindi 'yung parang si Colet na nakakausap mo nga pero parang hindi rin. She's so close and yet so far.

"Basketball." Tanging naisagot kong tanungin ako ni Jhoanna kung nasaan na nga ba si Colet.

Nakakainis na lagi na lang nakatutok 'yung atensyon niya sa basketball. Na para bang sa basketball na lang umiikot ang mundo niya. Ever since naging member siya ng varsity, puro basketball na lang ang alam niya. Siguro nag-enjoy siya sa atensyon na binibigay sa kanya ng mga tao.

Kaya habang ninanamnam niya ang atensyon na 'yun, nakalimutan na niyang bigyang pansin 'yung totoong mga nakapaligid sa kanya kahit noong wala pa siya sa varsity.
Naiitsyapwera na lang ako madalas. Mas madalas na rin niya kasama ang mga teammates niya kavsa sa amin na barkada niya.

She's changing. She's slowly drifting away. She's becoming a stranger to me- to everyone of us. Ewan ko kung may pagkaparanoid lang ako o kung totoo na ba 'tong napapansin ko. Whatever, maybe I'm just thinking too much.

"Yo, what's up?!"

Hindi na ako nagulat ng may umupo sa tabi ko at umakbay. Okay-- scratch that. Nagulat ako. Nagulat ako kasi nandito siya. "Buhay ka pa pala?"

Kung pwede lang lapitan at yakapin ngayon si Jhoanna dahil sa sinabi niya ginawa ko na. I wanted to say that pero I decided na huwag na lang. Minsan na lang nga kami mag-kita, gugustuhin ko pa bang sa bangayan na naman mauwi ang pagkikitang 'yun?

"Grabe ka naman. Nagpractice lang naman akong basketball saglit. Ikaw nga dyan ang buong bakasyon nawala." medyo mapang-inis na sagot ni Colet kay Jho.

Siguro tinamaan si Jhoanna sa sinabi ni Colet kaya napatahimik na lang. Napairap naman ako sa naging sagot niya.

Seryoso ba siya? At least si Jho kapag nandito laging pinaparamdam kay Stacey 'yung importance niya. E siya?
Parang hindi naman.

"Joke lang." natatawang dagdag pa ni Colet.

"Valid naman ang reason niya noong nawala siya. Ang layo kaya niya saka pamilya naman niya kasama niya." pagtatanggol ni Stacey sa girlfriend . "E ikaw, bakit ka ba madalas wala? Ang dalas mo pa kaming hindi samahan sa mga lakad."

"Ako pa? Ako pa ba ang dapat magpalawak ng pang-
unawa? Ako pa ba ang dapat umintindi? Bakit kayo, ayaw
niyong lawakan ang pang-unawa sa akin?"

Napangiti ako sa sinabi niya, "Tanga ka ba o manhid?" My
statement seems to caught her off guard pero ibinalik niya
ang nauna niyang reaksyon. Knowing her, hindi siya
magpapatalo. "Nakakahiya naman at hindi pa pala malawak ang pang-unawa namin sa lagay na 'to. Sorry ha.
Sorry at kami pa pala ang kailangan mag-adjust sa'yo at sa
pagbabasketball mo. Sorry at ang kitid pala ng utak namin
sa pag-unawa sa'yo. Sorry at iniisip lang namin na baka
iwan mo ang barkada dahil lagi mong pinipili ang teammates mo over us."

"Ayan. Ayan ang sinsabi ko. Kung anu-ano na ang iniisip
niyo dahil lang sa pagkawala ko ng ilang araw. Tingin niyo
ba ipagpapalit ko kayo ng ganun ganun lang? Am I really
drifting away or you pushing me away?"

"Tinutulak ka namin palayo? Oh c'mon, Colet. Lagi ka
namin hinihila pabalik pero ikaw 'tong laging wala. Mag-
aaya sila, sumasama ka ba? No. Kasi may practice. Kasi
aalis kayo ng teammates mo. Noong umuwi si Jhoanna,
sumama ka ba sa pagsundo? Hindi rin. Anong katwiran mo? Makikita mo naman siya so para saan pa? Noong
enrollment, ang akala ko makakasama ka namin pero
hindi. Bakit? Kasi may practice ka! Ako pa ang pinag-
enroll mo."

"Teka. Ano bang issue dito? 'Yung unti-unti akong
nawawala o 'yung pakikiusap kong i-enroll mo ako? Jusko,
Maloi! Katiting na pabor lang 'yun!"

Gustong gusto kong sumabog sa sobrang inis dahil sa narinig ko sa kanya. Naiintindihan ko naman na slow talaga siya pero 'yung akalain niyang naiinis ako dahil lang sa inutusan niya ako.. hindi ba parang napakababaw naman niya?

"Walang patutunguhan 'tong usapan na 'to. Uuwi na lang ako at ikaw, pumunta ka na sa teammates mo."

Bago pa ako makapagsabi ng hindi maganda at ng pagsisisihan ko, nagdesisyon na lang akong umuwi. At dahil siya nga si Colet, hindi niya ako hinabol o sinundan.
Parehas mainit ang ulo namin kaya ayos na rin 'yun.

"May bisita ka." Bungad ni Sheena pagpasok na pagpasok ng kwarto ko. "Girlfriend mo"

Two days. It took her two days para bisitahin ako.

Sabagay, never ko nireplyan ang mga messages niya. Hindi ko rin sinasagot ang mga tawag niya. Nagpunta nga rin pala siya dito kahapon pero pinauwi lang ni Aiah at sinabihan na bigyan ako mask overnight para matahimik.

So she did.

"Papasukin mo." Humupa naman na ang inis. Nawala na rin 'yung galit. I already gave time some time. And there she is. Ang napakagaling na si Bakulaw with matching bouquet pa.

Well, this is the first.

"Sorry." mahinang sabi niya habang papalapit sa akin at iniaabot ang hawak niyang bulaklak. So not her. "Sorry, Maloi. Alam ko namang kasalanan ko at ako talaga ang mali sadyang ayoko lang magpatalo."

"Ayaw mo palang magpatalo, bakit nagsosorry ka ngayon?"

"For you I'm willing to lose."

When you really love someone no matter how pissed you are at them, konting sweet words or actions lang wala na agad ang inis mo. Ito ang lagi kong nararamdaman sa babaeng 'to. Nakakainis na minsan.

"I'm sorry, Loi. Sorry for taking you for granted. Sorry kasi ganito ako. Sorry kasi --"

"Tama na. Hahaba pa. Apology accepted."

Napangiti siya, inilapag ang bulaklak ang bigla akong niyakap na ikinagulat ko. "Thank you." sagot niya and kissed me on the cheek.

Ilang saglit lang, nag-ring na ang phone niya. Mukhang alam ko na na isa sa teammates niya ang tumatawag.
Hindi niya sinasagot ang phone pero dahil sa naiingayan ako, ipinasagot ko na sa kanya 'sun. Niloud speaker niya pa.

"O?"

"Practice!" energetic na sagot nung ka-varsity niya.

"Pass! Kasama ko girlfriend ko." at inend niya ang call sabay hagis ng phone sa kama ko.

Teen Clash 2 Where stories live. Discover now