Battle 26

376 17 0
                                    

Sheena's POV


Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nandito nga siya.

Nandito nga si Gwen sa mismong harapan ko. Pakiramdam ko huminto ang ikot ng mundo at ang atensyon ko ay naiwan sa lalaking nagpapatibok ng puso ko.

"Anon.. paanong.." Mukhang hindi mahugot ni Maloi sa dulo ng dila niya ang gustong itanong kay Gwen.

"What?! Are you gonna stare at me the whole night?"

Napatayo at napayakap ang mga kaibigan namin sa kanya bukod sa akin at kay Colet na katabi ko ngayon.

Umupo siya sa tapat ko. Yung ngiti niya nandun pa rin.
Hindi nawala. Hindi nabura. She seems fine, but I won't be fooled. Alam ko may mali. Alam kong may problema.

"Are you okay?" Bulong sa akin ni Colet.

Napangiti ako at tumango. Honestly, I'm not, but I know I will be eventually. Nakatitig ako kay Gwen pero ni isang beses ay hindi man lang niya nagawang pasadahan ako ng tingin. Intindihin ko siya kung maski ang tingnan ako ay hindi niya magawa.

"Bakit napaaga ang uwi mo?' Tanong ni Maloi sa kanya.

"I failed an exam."

Seryoso? Kailan pa siya bumagsak? Sa tinagal tagal ko siyang kilala, ngayon lang siya bumagsak. She's a freaking genius for crying out loud.

Tulad ng naging reaksyon ko ay ganun din ang mga kaibigan ko. Daig pa namin ang nakakita ng mga aliens o unicorn.

"Paanong nangyari yun?!"

"Finals kasi nun. I forgot to scan my notes before taking the exam. I was at a party and had a massive hangover that time."

"You were partying instead of studying?!"

Kung posibleng mas manlaki pa ans mata nila, malamang ko ba ay mas nanlaki na nga ang mga ito. Of course everybody will be shocked knowing that Gwen chose a party over studying. Finals pa.

"Can't help it." Natatawa niyang sagot at uminom.

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nakapagsalita na ako, "I thought you were busy with your studies and business."
She finally noticed my existence. Nagawa na niya akong tingnan. Saglit nga lang. Tiningnan lang niya ako at hindi pinansin.

"Kamusta kayo habang wala ako?" Lingon niya sa iba.

I must admit, that hurts. Pero hindi pwede. Kahit gaano kasakit, wala akong pakialam. I won't give up on Gwen.

Alam ko may rason siya.

Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga kaibigan ko pero hindi ko na lang sila pinansin.

Napalingon din ako kay Colet na ngayon ay halos umusok na sa galit dahil sa inaakto ng kaibigan niya. Hinawakan ko na agad ang kamay niya bago pa man din siya makagawa ng eksena.

"Don't, Colet."

Naiintindihan ko siya. If ever siguro pointless din ang reason ni Maloi nang makipagbreak siya kay Colet, baka magalit din ako. Pero hindi naman.

Tinanguan ko ang iba as a signal na ayos lang at mag-usap-usap sila. Kaya ganun nga ang ginawa nila. Kaya lang dumating na naman 'yung awkward scene kaya binalot na naman kami ng katahimikan.

"What's up with the earring?" Pambabasag ni Maloi ng
silence.

Napangisi na naman si Gwen at napahawak sa tenga niya,
"Cool, isn't it? Trip ko lang magpaganito para maiba."

"Who are you and what have you done to Gwen?" Tanong ni
Stacey na nagpatawa kay Gwen. "What's so funny?"

"You. I've changed, Stacey."

Totoo nga bang nagbago ka na? Hindi na nga ba ikaw ang
Gwen na nakilala ko? Magbago ka man o hindi, hindi ako bibitaw sa'yo.

"Paanong nag-iba?" Seryosong tanong ni Colet dahilan para mapalingon si Gwen sa kanya. "Nag-iba ng pananamit?
Nag-iba ng ugali? Nag-iba ng pagkatao?"

"Lahat."

Hinawakan ko ulit ang kamay ni Colet. Nawawala na ang pasensya sa katawan niya.

Pinanlakihan ko ng mata si Stacey at nagets naman ata niya
ang gusto kong sabihin kaya dinaldal na ulit nila si Gwen.

Nakikinig lang ako sa kanila ng biglang humarap sa akin si
Gwen, "You? How are you?" Nakangiti niyang tanong na
para bang walang nangyari noon.

"F..fine." I lied.

Tumango lang siya at binaling ulit ang atensyon sa iba. At
least she talked to me. That's better than nothing.

"Damn it!" Napahinto kaming lahat sa biglaang pagsigaw
ni Colet. "Magtigil nga kayong lahat sa pag-arte na parang
walang nangyari. Naglolokohan lang tayo dito. Alam
nating lahat na may mali. Huwag na tayong maglokohan."

"Colet." Tawag ko sa kanya pero nagpatuloy pa rin siya.

"Ano bang trip mo Gwen? Sabihin mo na ng mas maaga.
Nakipaghiwalay ka kay Sheena kasi napapagod ka sa set-up
niyo tapos ngayon babalik balik ka dito na para bang
walang nangyari. Anong problema mo?!"

Napangisi si Gwen at napasandal, "None."

"G°go ka ba?!"

"Colet, tama na." Awat ni Jhoanna sa kanya.

Napahilamos sa mukha niya si Colet at umupo ulit, "Gwen,
siguro naman ito na 'yung tamang panahon para
madepensahan mo ang sarili mo. Ayaw mo bang gawin
'yun?"

Gwen just stared at Colet blankly at nagpaalam para mag-CR sandali. Maski ako naguguluhan kay Gwen. Pero kahit
ganun, I'll never stop understanding her.

Nang makaalis si Gwen ay pinagsabihan ni Jhoanna si Colet.

Hindi naman daw sa kampi siya kay Gwen. Ayaw lang niyang gumawa ng eksena sa No Name at mag-away ang magkaibigan. Siguro tulad ko, Jhoanna believes that there's a deeper reason why Gwen acts that way.

"Let's give her a chance. Kung wala siyang gagawin sa pagkakataon na ibibigay natin, saka ka na magalit. Saka ka na gumawa ng aksyon." Dagdag pa ni Mikha kay Jhoanna.

Paulit-ulit nila akong tinatanong kung ayos lang ba ako kaya paulit-ulit ko rin niloloko ang sarili ko sa pagsabing 00.

Nagpaalam si Colet na magpapalamig lang daw. Siguro ayun nga ang maganda. Magpalamig muna siya. Wala namang mangyayari kung dadaanin sa init ng ulo ang lahat.

Kanina pa ako pasulyap-sulyap sa pinangalingan ni Gwen.
Hanggang ngayon wala pa siya. Kahit gaano niya ako saktan, hindi ko pa rin siya mapigilang hanap hanapin.

Ilang sandali lang ay nakita ko ng naglalakad papabalik si Gwen. Seryoso ang mukha. Kaya lang bago pa man din siya makaupo, halos tumalsik siya sa ginawang panununtok ni Colet.

Agad napatayo at napasigaw ang mga kasamahan ko maski ako. Masyadong mabilis ang pangyayari.

"COLET! Ano ba yang ginagawa mo?!" Sigaw ni Stacey sa kanya.

Lalapit pa sana si Colet para suntukin si Gwen pero inawat na siya ni Mikha at Jhoanna, "G*go kang hayop ka! May babae ka kaya ka nakipaghiwalay sa kapatid ko di ba?!"

I froze. Babae? May iba siya? Bago ko pa man mapigilan,
nag-una unahan na rin sa pagbagsak ang luha ko.

Napatingin ako kay Gwen. Masama ang tingin niya kay Colet pero hindi siya nagsalita. Gwen, please sabihin mong mali si Colet. Mali lang siya ng intindi.

Nilapitan ako ni Aiah kaya napatingin sa akin si Gwen.

Ayokong makita niya akong uniyak pero hindi ko magawang pigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako pero nakita ko
ang pag-aalala sa mata ni Gwen. Kaya lang pagkurap ko,
balik na sa dati ang mga mata niya. Puno ng coldness.
"Iuuwi ko na si Sheena." Galit na sabi ni Colet pero bago pa
man niya ako mahawakan sa braso, may nauna ng humawak sa kamay ko.

Si Ram.

"Hihiramin ko muna siya sa inyo." Sabat lang niya at hinila na ako palabas.

Teen Clash 2 Where stories live. Discover now