Battle 37

519 21 2
                                    

Maloi's  POV




Bakit ba ang mga babae napakachismosa?
Ako, aminado akong leader ako ng mga chismosa. Kaya lang minsan naiisip ko na lang bakit kami ganun.

Parang itong mga kaibigan ko. Mga nakaabang sa pinto nung hinatid ako ni Colet. Kala naman nila hindi ko sila makikita. Mga nag-uunahan pang umupo ulit sa sofa pagpasok ko. Patay malisya 'tong mga 'to ha. Sige. Sige lang.

"Nandito ka na pala, Maloi."

"Malamang. Nakikita mo naman di ba."

"Sungit naman nito."

Kung ayaw makatanggap ng pangbobong sagot, huwag na kasing magbigay ng pangbobong tanong.

Paakyat na sana ako ng kwarto ng pigilan ako ni Stacey,
"Hindi ka na ba magdidinner?"

"I'm fine. Akyat na ko."

Aakyat na sana ulit ako ng si Aiah naman ang pumigil sa akin, "Hindi ka ba makikinuod dito?"

"Nah. Aakyat na ko. Tinatamad na ko."

Pag-akyat ko nagsalita pa si Sheena pero hindi ko na lang pinansin. Hindi rin makakatiis yung tatlo. Papasok din sila sa kwarto ko.

Hindi lilipas ang five minutes, nandito na sila.
And.. I'm right. Sitting pretty ako sa kama ko habang naka de quatro pa at nakacross ang arms. I smirked at them kaya tiningnan nila ako ng masama.

"Figures." Sabi ko feeling victorious. "O, bakit kayo nandito?" Pa-inosente kong tanong.

Lumapit sila at umupo sa kama ko habang si Aiah ay umupo sa may upuan malapit sa study table ko na hindi ko naman madalas magamit.

"Nagtatanong pa alam naman na." Bulong ni Sheena.

"Matutulog na nga lang ako. Ayaw niyo namang sabihin kailangan niyo."

Kukuha na sana ako ng pantulog na damit pero may humila sa braso ko kaya napaupo ulit ako. Kung sino man humila sa akin, hindi ko na alam. Ang mga kaibigan ko, bukod sa mga pa-hard-to-get, puro mga sadista. Paano na lang kung nagkapasa ang maganda kong skin?

"Dami namang arte. Magwawalk out pa. Ikwento mo na."

"Dami niyo rin arte. Magpapakwento na lang ayaw pa sabihin."

"Sige na. Panalo ka na. Ano ng nanyari sa date niyo ni
Colet?"

Wait, what? Date? Nagdate kaming hindi ko alam?

"Nasaan akong lupalop ng mundo ng mabalitaan niyong nagdate kami ni Colet? Hindi ako nainform."

"Duh. Ano man ang sabihin mo, date na rin yun. Ano, nagkabalikan na ba kayo?" Itong si Sheena porque nagkabalikan lang sila ni Gwen gusto na kaming isunod ni Colet.

Ang love story nila, may second chance. Ang sa amin, wala pang kasiguraduhan.

"Nag-usap kami. Nag-usap lang kami. She offered me friendship. Tinanggap ko. No. Hindi kami nagkabalikan.
Yes. Ayos na kami sa ganun."

Tinitigan ako ni Sheena at Aiah na parang may sinabi akong hindi maganda samantalang si Stacey ay nagkibit balikat
lang.

"Anong kalokohan 'yan?" Inis na tanong ni Aiah, "You clearly love each other. Ano pang problema?"

Mga ilang beses ko pa ipapaliwanag sa kanila na hindi nga lang pagmamahal ang bumubuo sa isang relasyon?

"Ang hirap naman niyan. Mahal niyo ang isa't isa pero hindi kayo." Sabi pa ni Sheena.

"Hindi naman obligadong pumasok sa isang relasyon kapag nagmahal ka na. Minsan okay na rin yung magkaibigan na lang muna kayo."

I would like to thank the universe for giving me one friend who actually uses her brain. Lagi talagang kampi sa akin
'tong si Stacey e. Totoo naman ang sinabi niya.

Teen Clash 2 Where stories live. Discover now