Battle 3

746 20 1
                                    

Sheena's POV

Kasama ko si Maloi na naglalakad lakad sa campus ng tawagan ako ni Gwen.

"Bakit?"

"Nasaan ka?"

"Nag-iikot lang kasama si Maloi. Why?"

"Kita tayo?"

"May klase ka pa 'di ba?"

"Early dismissal. Ayaw mo?"

"Nasa student's park kami."

Ano na naman ang trip ni Gwen? Si Maloi lang ang kasama ko kasi kami lang ang sabay ang vacant ngayon.

Nagjournalism ako. Si Maloi naman, interior design ang kinuha habang si Aiah, Business Ad. Si Stacey, Fine Arts major in Digital Cinema.

Para naman sa apat , parehas na Business Ad si Mikha at Gwen.

Kaklase nila si Aiah. Si Colet ay MassCom habang si Jho parang kay Stacey rin.

Naghiwahiwalay kami kasi sawang sawa na kami sa pagmumukha ng isa't isa. De, joke lang. We're just following our dreams.

"Guess who?" may nagtakip sa mata ko dahilan para mapangiti ako. Amoy palang ata niya alam ko na. May paguess who guess who pa.

"Wow, Gwen, wow. Hindi ka niya makikila 'wag kang mag-alala.

"Panira ka ng trip, Maloi."

Binelatan lang ni Maloi si Gwen at bumalik sa pagtatablet.

"Miss me?"

What? Miss agad e kakakita ko lang sa kanya kahapon.
Bah! Who cares? Minsan nga kakahiwalay pa lang namin ng landas namimis ko na siya. Hala. Ang 0A ko na yata.

"No." Pakipot mode: On.

Nagpaawa siya ng itsura at hinarap ako sa kanya. Nako.
Nagpapacute pa ang loko Dapat tumigil na siya. Kasi effective ang pagpapacute niya.

"Hindi mo ako namimiss kahit na ikaw palagi kong namimiss. Kahit kasama pa kita namimiss kita. Tapos ako pala hindi mo namimiss. Siguro kahit umalis ako ng bansa hindi mo pa rin ako mamimiss."

"Aalis ka?" gulat at nagpapanic kong tanong.

Hindi pwede. Paano nga kung umalis na naman si Gwen?
Ano na naman ang gagawin ko? Naranasan ko na 'yun dati. Ayoko ng maulit 'yun ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag umalis si Gwen.

Kumunot ang noo niya at maya maya ay humagalpak ng tawa. Ano ang nakakatawa? Halos atakihin at magpanic na ako dito tapos siya tatawanan lang ako? Nasaan ang hustisya?

Maya maya lang nilamutak na niya ang mukha ko at ginulo ang buhok ko.

"Gwen!" inis na tawag ko sa kanya.

Mukha akong ewan. Sabukot ang mukha, gulong gulo ang buhok. At mabilis ang tibok ng puso. Ano bang nakain ng
Gwen na 'to?

Huminto siya sa pagtawa at huminga ng malalim sabay lunok. Pinipigil niya ang tawa niya. Halata naman. Kainis.

"Anong sumapi sa utak mo at naisipan mong aalis na naman ako? Hindi na nga 'di ba? Isa pa, nag-aaral pa kaya ako."

"Kainis. 'Wag ka kasing magjoke ng ganun. Alam mo namang.. ay. Basta"

Nakakaasar talaga. Bakit nagagawa niyang magjoke na aalis siya? Kung alam lang niya ang iniyak ko nung araw na umalis siya. Kung siya ang nasa pwesto ko, baka matakot din siya at maramdaman ang nararamdaman ko.

OA man sa panginin ng iba, wala kong pakialam. Hindi naman kasi sila ang umiyak, natakot at nasaktan nung panahong 'yun. Hindi sila kundi ako.

Padabog kong inilagay sa lamesa ang bag ko at kumuha ng libro. Nakakabadtrip ang katabi ko kaya mas pipilin ko munang harapin ang librong 'to kung saan pwede kong takasan ang katabi ko at magpunta sa ibang mundo.

Teen Clash 2 Where stories live. Discover now