Battle 7

506 22 0
                                    

Sheena's POV

Ilang araw na akong ginugulo ng problema ko. I lose track of time. Hindi ko na alam kung anong gagawin.

Alam kong may point yung estrangherong nakausap ko.

Alam kong dapat kong bigyan ng pagkakataon magsalita si Gwen. Kaya lang paano ko gagawin 'yun kung ako mismo hindi ko magawang bigyan ng pagkakataon ang sarili kong tanggapin na totoong aalis siya.

"So."

Napatigil ako sa pag-isip ng marinig ans boses ni Stacey.

Para akong kriminal na pinapaikutan nila Stacey, Aiah at Mikha. Hindi ko alam kung anong trip nila at bigla nalang ako hinila sa may dining area, pinaupo, pinatay ang ilaw at nagtira ng sobrang liit na liwanag saka ako pinalibutan.

"Ano bang ginagawa --"

"Ssh. Tahimik. 'Wag kang magsalita"

Ang dami ko ng iniisip dadagdag pa 'tong mga baliw kong kaibigan. Lalong sasakit ang ulo ko dahil sa kanila.

Padabog na ibinagsak ni Stacey ang kamay niya sa lamesa

"Kayo pa ba ni Gwen?"

Tiningnan ko lang siya at hindi sumagot. Knowing Stacey mag-iinarte 'to at magpapaka0A.

In three..

two..

one..

"Ohmyghad!" sigaw nya habang nakatakip ang dalawang kamay sa bibig. "Kailan pa kayo naghiwalay?!" halos maghysterical na sya at halos lumuwa na ans mata niya.

"Wala naman siyang sinabing hiwalay na." sabi ni Mikha na nakaupo sa may lamesa.

"Hindi siya sumagot. Understood na 'yun."

Napasuklay si Mikha sa buhok niya gamit ang daliri at saka nag-indian seat, sa ibabaw pa rin ng lamesa, at ipinatong ang mga siko sa tuhod, "Seriously, Stacey? Sabi mo kaya 'wag syang magsalita."

Sasagot pa sana si Stacey pero para siyang isda na ibinuka lang ang bibig at itinikom din agad.

"Is it mandatory for girls to overreact?"

Pasagot na sana ako para depensahan ang sarili ko ng hambalusin at paluin ni Aiah si Mikha ng placemat sa braso

"Anong sabi mo?"

Napahimas siya sa braso niya at saka ngumiti kay Aiah

"Wala. Ganda mo kako. Pakiss nga."

Lalapit na sana si Mikga ng iharang ni Auah ang kamay niya sa mukha ni Mikha. Suits her well. No kiss for her.

I am surrounded by three crazy people. What am I gonna do? Ipipikit ko na lang 'to.

"Break na kayo?"

This time mahinahon na ang boses ni Stacey. Napadilat ako at pati ang kaninang madilim na dining ay may ilaw na.

Nakaupo na ngayon ang tatlo sa lamesa habang ako ay nakaupo pa rin sa silya sa harapan nila.

"Hindi. Kami pa rin." Tila nabunutan ng tinik ang tatlo sa naging sagot ko. "Kailan niyo nalaman?"

"Two weeks bago mo malaman." sagot ni Stacey.

"A week pagkatapos sabihin sa kanyang aalis siya."

Hindi na rin nakakapagtaka. Kaklase ni Mikha at Aiah si Gwen.

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin?"

"Wala kami sa posisyon."

"Bakit hindi niya sinabi?"

Teen Clash 2 Where stories live. Discover now