Battle 48

520 15 2
                                    

Aiah's POV




"Hinahanap ka ni Mikha."

Bungad sa akin ni Stacey pagpasok na pagpasok pa lang niya sa kwarto ko. Baliw talaga 'yung Mikha na yun. Pwede naman na i-text na lang ako papadaanin pa sa iba ang paghahanap niya sa akin.

"Anong sabi?" tanong ko pa kay Stacey.

"Nasaan ka raw ba."

"Ah. Sana sinabi mo nandito lang ako sa bahay."

Binatukan niya ako na ikinagulat ko. Aba! Nanahimik ako dito. Mapanakit din talaga ang babaeng 'to. "Anong trip mo at nangbabatok ka?"

"Hinahanap ka nga ni Mikha!"

"Sabihin mo nga nasa bahay lang ako."

Medyo makulit ang lahi nitong si Stacey. Hindi ko alam kung alin sa salitang 'nasa bahay lang ako' ang hindi niya maintindihan.

"Tangi! Nasa baba si Mikha. Hinahanap ka!"

Sinisigawan pa ko nito. Kaloka. "Hindi ako ang nagkamali ng intindi. Ikaw ang mali sa pagkakadeliver ng message mo."

Napakamot na lang siya sa ulo at tumalikod, "Ewan ko sa'yo," saka siya lumabas ng kwarto ko.

Napangiti ako at inayos kahit papaano ang sarili ko saka siya pinuntahan sa baba. Pagbaba ko inabutan ko siyang kumportableng kumportable na nakaupo sa sala.

Nakaspread pa ang arms niya sa sandalan ng sofa. Feel at home na palibhasa halos dito na siya tumira.

"Linggong linggo nandito ka."

"Nice greeting, love. Wala bang 'I miss you dyan?"

"Baliw. Lagi naman tayong magkasama."

"Kahit na ba. Parang ewan 'to. I miss you lang ipinagkakait pa. Pero joke lang. Nagsimba ka na ba?"

Parang ang hyper ng lalaking 'to ngayon ha? "Oo. Ikaw?"

"Yep. Kakatapos lang. Kaya nga dumiretsyo ako dito e.
Date tayo."

"Saan?"

Nginitian niya ako nagtaas baba lang ng kilay. Sinampal ko siya ng pabiro at tinawanan, "Hindi cute. Tigilan mo.
Napailing na lang siya at ihinarap ako sa hagdan saka dahan dahang tinulak paakyat, "Bihis na."





******


Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano nang dalhin niya ako sa mall. Hindi naman sa nagrereklamo ako kaya lang.. anniversary namin tapos sa mall! Hindi ko nga alam kung naaalala ba niya na anniversary namin ngayon o nakalimutan na niya kasi matagal tagal na rin naman kami.

Baka napagod na siya kakabilang ng mga araw na magkasama kami kaya ihininto na niya.

"Okay ka lang ba?" tanong niya habang naglalakad lakad kami sa mall.

Sus! Sympre hindi! Kaya lang ayaw ko naman na magreklamo pa kasi hahaba lang ang usapan. Kaya kahit hindi okay, oo na lang.

"Medyo nagugutom na ako."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako sa pinakamalapit na pwedeng kainan. Sa foodcourt. Oh well.
Hindi man niya maalalang anniversary namin, okay lang at least magkasama kami sa araw na 'to. Pwede na 'yun.

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Matapos naming kumain, nadaanan namin 'yung Blue Magic. May nakita akong cute na cute na stuffed toy pero hanggang tingin na lang ako. Bibilhin ko na lang siguro sa susunod
na araw.

"Wait lang. Rest room muna ako," paalam ko kay Mikga.

Tumango siya at sumenyas na hihintayin niya ako sa labas.

Teen Clash 2 Where stories live. Discover now