Battle 51

289 12 1
                                    

Mikha's  POV






"Hindi mo tinanong?!"

Napatakip ako sa tenga ko ng sigawan ako ni Stacey.

Nahawa na sa ka-OA-an ni Maloi. Pwede namang malumanay na lang magsalita.

"Kakasabi ko lang 'di ba. Wala. Akong. Tinanong."

Siguro ilang beses ko na inuulit ulit sa kanya ang mga salitang 'yun. Hindi ko alam kung bakit mas slow sa akin ngayon ang babaeng 'to.

"Saka bakit kanga ba nandito?"

Inabutan ko na lang siya sa bahay nila Jhoanna.

Pagkapapasok sa akin ni manang, nakita ko na lang si Stacey na kumportableng nakaupo sa sala. Wala namang kasama.

"Binibisita ko sila Dencty."

"Den daw. Nasaan na ba si Jho?"

"Ewan."

Posible bang hindi niya alam 'yun? Asa!

"Pero huwag mong baguhin ang usapan. Bakit nga hindi mo tinanong?"

Pasagot pa lang ako ng magsalita ang kakababa pa lang na si Den, "Hindi tinanong ang alin?"

"Huwag kang makisama dito. Bata ka pa." Sagot ko sa kanya.

"Push mo 'yang bata na 'yan. Tumatakbo ang oras. 3rd yr college na kayo. First year na ako. Nasaan ang bata dun?"

"Ipilit mo pa, Den."

"Sungit naman kasi. Nagtatanong lang."

Nagsama pa ang dalawang 'to. Kay Stacey pa nga lang nakukulitan na ako kay Den pa kaya. At pinagsama pa sila.

Astig? Hindi!

"Ganto kasi Dencty. Bumalik nga si Jeremy di ba? Ulit. Tapos nag-usap sila ni Aiah kasi pursigido si Jeremy. Ngayon, tinanong ko kay Mikha kung anong pinag-usapan nila. Sabi nitong babaeng 'to, hindi niya alam kasi hindi naman niya tinanong."

"What?! Hindi mo tinanong, Ate Mikhs? Hindi ka ba nacurious? Paano kung may sinabi yung Jeremy na kung ano man para bumalik sa kanya si Ate Aiah? Paano?!"

Hindi ko na nga lang inisip ang naging pag-uusap nung dalawa tapos ipipilit ngayon nila Dencty na pag-isipin ako ng hindi maganda.

"Badtrip. Mapagtutulungan ba ako dito? Hoy bata, tawagin mo na nga ate mo."

"Bakit?" Napalingon ako sa front door nila. Kakapasok lang ni Jhoana. Wala nga pala talaga kanina dito ang loko.

Bakit hindi agad sinabi kanina ni manang bago ako papasukin.

Nang makalapit siya sa amin ay agad na inabot kay Stacey ang dala niya, "Nandito ka pala. Pupunta dapat ako bukas sa inyo."

"Pinapunta ako ni Dencty. Ano 'to?" tanong niya at iniangat ang inabot ni Jho.

"Chocolates."

Napakunot ng noo si Stacey at bigla na lang napangiti at yumakap kay Ice, "Thanks! You're the best."

Tiningnan ko na parang nagtatanong ang nakangising si
Den. Napaharap siya at halos ibulong ang mga salitang,
"It's the day of the month."

"Anong day of the month? Teka? Buntis ba si Stacey?!"
Nagulat na lang ako ng paluin ako ni Den, "Baliw, hindi.
It's a girl thing right? Parang hinde ka naman babae. Period." Napangisi na naman niyang sagot, "ate Jho is really sweet."

Hindi ko na lang inintindi ang sinabi niya. Nakatulala ako ng maibalik ng boses ni Jho ang atensyon ko. Nakatingin
'yung tatlo sa akin na parang naghihintay ng isasagot ko.

Teen Clash 2 Where stories live. Discover now