Battle 21

391 15 0
                                    

Sheena's POV


"Na-move daw 'yung foundation?"

"Pinaatras? O napaaga?"

"Maaga. Instead na December, gagawin na lang daw sa
August."

August? August na ha. Hindi na rin masama. Stress na stress na ako sa mga school works kailangan ko na atang mag-enjoy muna kahit sandali lang. Sa itsura ko ngayon mukhang mas ako pa ang nastress at nadepress kaysa kay Maloi. Buti pa si Stacey at Aiah, kahit pagod forever blooming.

Medyo nagpakachismosa na ako at nakinig sa usapan tungkol sa foundation week ng dalawang babae sa tabi ko, lulubos lubusin ko na.

Kinalabit ko 'yung isang mas malapit sa akin at nagtanong,
"Sorry, not that I'm eavesdropping pero saan mo nalaman na nalipat ng date 'yung foundation week?"

"Ah. Sinabi lang sa akin 'yun ng kaklase ko. Hindi ko pa kumpirmado kung totoo, pero may ibang nagsasabi na nakapost daw sa bulletin malapit sa office ng president
'yung announcement."

"Okay, thank you." ngiti ko sa kanya at umalis na.

Bakit nga ba inaalam ko pa kung na-move ang date o hindi? At talagang umeffort pa ako magpuntang bulletin?

Nandito na rin lang naman ako, edi tuloy tuloy na.

Malapit na ako sa may office ni president ng may nagsigaw ng pangalan ko dahilan para mapalingon ako kung saan saan. Sa hindi kalayuan, nakita ko si Aiah at Mikha na kinakawayan ako.

"Saan punta mo?" tanong ni Mikha.

"Iche-check ko lang sa bulletin kung totoong nalipat 'yung foundation week."

Tumango silang dalawa at napagdesisyunang sumama na lang sa akin dahil vacant naman daw nila. Medyo maraming tao ang nakikisilip sa bulletin. Sabi ko na nga ba. Hindi lang ako ang at si Maloi ang chismosa sa university na 'to.

Makikigitgit na sana ako pero mayroon na namang tumawag sa pangalan ko. Okay? In demand ba ako ngayon?

Isang lalaki ang lumalapit sa akin habang nakangiti pa.

Sino ba 'to? Itatanong ko pa lang sana sa nasa tabi kong si Aiah at Mikhapero nang makita ko kung sino ang kasama nung lalaking tumawag sa akin, alam ko na. Si Ram 'yung kasama niya kaya ang lalaking ito ang kaibigan ni Jeremy. Ram, if I'm not mistaken?

"Anong ginagawa mo dito?"

"Uhh, may titingnan lang?" I said unsure. Yes, nakausap ko na siya dati. Nag-advise pa siya sa akin noon tungkol sa pag-alis ni Gwen. Pero kahit baligtarin ko man ang mundo, hindi kami friends. We're not even close.

"Ano?"

"Announcement about sa foundation."

"Ah, sige. Dyan ka lang." Ha? Anong ayos ng lalaking 'to?

Balak ko sanang hindi sumunod sa sinabi niya at makigitgit sa mga tao. Papunta na nga ako katunayan dun pero hindi ko tinuloy at napatalikod. Hindi ko pwedeng iwan na sila Jeremy , Mikha at Aiah lang ang nandito.

Baka sumabog ang university.

"Uhh, Aiah, Mikha, next time ko na pala titingnan. Ano.. tara na lang. Samahan niyo akong kumain."

"Saglit lang, Sheena. Hintayin mo si Ram. Saglit lang 'yun." pigil sa akin ni Jeremy.

Naguluhan naman ako dun. Hihintayin ko siya? Close ba kami? "Hindi. Mauna na kami - " Ngunit naputol ang sasabihin ko ng may kumalabit sa akin. Si Ram.

"August na raw ang foundation week. Next week to be exact."

Wait, tiningnan niya?Nilingon ko ulit 'yung nagkukumpulan na mga tao sa may harap ng bulletin at napatingin ulit sa kanya, "Ang bilis. Paanong -"

Teen Clash 2 Where stories live. Discover now