Chapter 2

331 5 0
                                    

Akala ni Roseyell, matapos makarating hanggang sa kahabaan ng Recto sa paghahanap, tapos

na ang kalbaryo niya sa paghahanap ng ink ng second hand niyang computer printer. Halos

mahalikan niya sa tuwa ang sales clerk sa Merriam-Webster bookstore nang sabihin nitong may

stock pa nang hinahanap niya.

Bakit nga hindi? Dalawang araw na siyang naaabala sa paghahanap. Nasuyod na niya ang

mga bookstores ng Makati, ng Megamall, at Robinson's Galleria. Nakapag-ikot na rin siya sa

Cubao.

Na-recharge nga siya nang husto sa first reunion nila last week ng limang nakasama sa

working camp sa Bataan, nasabak naman siya agad sa stressful life.

Heto siya, kasama ng makapal na mga taong nag-aabang sa super-punuang LRT. Dalawang

train na ang pinalampas niya ngunit lalo yatang dumarami ang pasahero sa bahaging iyon ng

Doroteo Jose Station.

Yakap ang bag, nakipagsiksikan na siya nang dumating ang pangatlong train. Hindi niya

magawang kumilos sa napuwestuhan niya sa malapit sa pintuan. Nagitgit siya. Nakadikit na sa

ulo niya ang braso ng lalaking nakahawak sa posteng metal sa kanyang tagiliran.

Tumatama naman sa pisngi niya ang hininga ng estudyanteng katabi—na palagay niya ay

may malala nang kaso ng halitosis. Bukod doon, napakainit pa.

Oh Lord, if this is what hell is like, patawarin N'yo na po ako sa lahat ng mga naging

kasalanan ko. Hinding-hindi ko po gugustuhin kahit sa bangungot na makarating doon.

Sinikap niyang ilinga ang ulo sa kabila ng mabigat na braso ng lalaki. Husto namang

lumingon din ang matangkad na lalaking nakakapit sa poste ng katapat na pinto. Nagkatinginan

sila. Gumalaw ang ulo nitong may sumbrero na waring pinalalapit siya roon dahil medyo

maluwag pa.

Hay, thank you, Lord.

Itinaas ng lalaki ang kamay sa poste at bahagyang umurong upang magkaroon ng space sa

harapan nito. Noon siya lumipat. Umalalay pa ang isang kamay nito nang maging unsteady siya

habang humahakbang dahil nga umaandar na ang train.

Nagsilbing shield niya ang kamay at katawan nito sa gitgitang sasakyan. Ngiti na lang ng

pasasalamat ang naiganti niya rito nang mag-angat siya ng tingin.

Tumugon ito ng bahagyang tango.

Sandali lang niya itong napagmasdan ngunit agad na rumehistro sa kanyang photographic

memory ang anyo nito. Bilugang mukha, maliit ngunit matangos na ilong. Cute din ang hugis ng

baba nito.

Aywan kung paano niya naisip na isa itong taong seryoso ngunit pilyo. Dahil siguro sa galaw

ng manipis nitong mga labi. At sa hindi mabasang expression sa di-gaanong singkit nitong mga

mata.

Ang cute naman niya. Parang ang sarap panggigilan ng baba.

Nakababa na siya ng EDSA station nang masulyapan niyang nasa likuran pa rin niya ang

Eternity - A Piece Of Heaven - Dawn IgloriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon