Chapter 5

220 3 0
                                    

"Nang sumunod na weekend, namalengke si Roseyell ng mga sangkap para sa pagluluto ng putaheng itinuro sa kanya ni Tor. This time ay mag-isa na lang siya.

Hinayaan naman siya ni Tess dahil abala ito sa paglalaba. Nang bumalik ito sa unit nila mula sa common laundry area ng boardinghouse, nag-invite pa ito ng sa-sample sa unang luto niya, sa kanyang pagkadismaya.

'Ano? Tess naman, nag-aaral pa lang akong magluto. Baka hindi masarap, nakakahiya.'

'Hindi ko na mare-retract ang invitation ko. Huwag ka kasing mag-alala, sa bango ng naaamoy ko, tiyak na masarap 'yan.'

Doon nga nag-lunch sa kanila si Ricardo. At gusto niyang magtago sa silong ng mesa nang makita ang mukha nito matapos ang unang higop sa sabaw.

'Bakit?' nababahalang tanong ni Tess. 'May problema ba?'

'Wala naman,' sagot nito.

Humigop na rin si Tess. Gusto niya itong halikan nang magawa nitong lunukin ang hinigop nang hindi ngumingiwi ang mukha.

'Kumonti lang siguro ang tubig na nailagay mo, Yeli. Pero lasang sinigang naman, eh.'

Lalo na siyang nanliit nang makitang iniiwan ni Ricardo sa pinggan ang gabi at sitaw. Hilaw pa ang mga iyon. Mabuti na lang at may pritong isda pang nakahain. Iyon na lang ang inulam nila.

'Salamat sa lunch,' sabi ni Ricardo nang tapos na silang kumain.

'P-pasensya ka na. Palpak ang luto ko.' Halos hindi niya maiangat ang ulo sa kahihiyan.

Ngumiti ito nang pilyo. 'Maybe you should stick to your own belief.'

Nagtatanong ang mga matang tumingin siya rito.

'You know, about the best way to a man's heart.'

Napatda siya, pulang-pula. Mabilis niya itong tinalikuran at nagkulong sa kuwarto. Kumawala agad ang mga luha ng kahihiyan nang padapa siyang humiga sa kama.

ILANG araw nang iniiwasan ni Roseyell si Ricardo. Ilang araw na rin itong sumusubok na kausapin siya. Ngunit sa pagkakataong iyon ay nahuli siya nito. Kararating lang niya mula sa school at nadatnan niya itong patayong nakasandal sa pinto ng unit nila ni Tess.

'Please, Yeli,' simula nito. 'Patawarin mo na ako. Nagbibiro lang naman ako nang sabihin ko 'yon. I didn't mean anything.'

'Kasi naman I was so embarrassed,' nakayukong sabi niya.

'But you don't have to. I'm so sorry, puwede bang kalimutan na lang natin 'yon?'

Hindi siya umimik, yuko pa rin ang ulo.

'Please?' anitong inilabas mula sa likuran ang isang kamay, hawak ang nagsusumamong mukha ng stuffed toy na si Tweety."

Hindi tuloy niya napigil ang pagngiti. "Saan ka nakahanap n'yan?"

"If I tell you, papatawarin mo na 'ko?" Hopeful ang anyo nito habang marahang

pinaglambitin ang hinlalaki at hintuturo sa tainga.

Sumulyap siya rito, nangingiti pa rin. "Hindi naman ako galit sa 'yo. Nahihiya lang."

Exaggerated itong huminga nang malalim. "Hay, salamat." Pagkuwa'y kinuha nito ang isa

niyang kamay at inilagay roon ang stuffed toy.

"Thank you. Hindi mo naman kailangang mag-abala pa nito."

"I know. Pero parang may nag-uudyok sa mga paa kong maghanap ng isang irresistible na

peace offering."

Eternity - A Piece Of Heaven - Dawn IgloriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon