Epilogue 13

348 14 1
                                    

Magandang-maganda si Armida sa off-shouldered caftan na kulay-krema. Nagniningning naman ang ganda ni Roseyell sa isang simple and elegant style na sleeveless wedding gown.

Abot-tainga ang ngiti ng dalawang groom. Makikisig ang mga ito sa suot na mamahaling barong. Kahit ang mag-asawang Fabian at Amparing ay magagara din ang bihis, litaw ang
kasiyahan sa double wedding na iyon.

Maging ang bagong chapel sa Lemery na pagdarausan ng kasal ay napakaganda ng gayak.

Puno iyon ng makukulay at sariwang bulaklak. Ang iba roo'y imported pa at talagang sinikap ni Lourela na makuha para sa araw na iyon.

Ang negosyo nitong The Bridal Entourage na nagha-handle ng wedding at wedding preparations ang kinuha nina Roseyell sa kasalang iyon.

Siyempre pa, abay sina Aspen, Primrose, at ang dalaga pa ring si Tess. Naroroon din ang mag-asawang Jose Gabriel at Cymbeline kasama ang anak ng mga ito. Sina Vincent at Erika man ay sumaksi rin.

Subalit nasa wedding march pa lang, nakaramdam na ng pagkahilo si Roseyell. Nasa gitna na siya ng nilalakarang carpet nang bumigay ang kanyang mga tuhod. Lumipad ang bouquet ng calla lilies na hawak niya.

Eksaktong nalaglag ang mga iyon sa kamay ng aalalay sanang si Aspen.

Mabuti na lang at maagap ang kanyang ama-amahan. Naalalayan agad siya nito.

Sumugod ang namumutlang groom at ito na ang pumangko sa kanya.

"Yeli, gumising ka. Hindi puwedeng hindi matuloy ang kasal natin," anitong todo ang paypay sa kanya.

Hindi naman talaga siya hinimatay, naliyo lang. Idinilat niya ang mga mata.

"Sorry..." mahinang sabi niya.

Inilapit ni Ricardo ang bibig sa kanyang tainga. "Sabi sa 'yo, napuruhan ka no'ng pangalawa ko, eh."

Pinong kurot ang naiganti niya rito. Mapula na ang mukha niya at natatawa.

"Ano pa'ng hinihintay mo? Ituloy na natin ang kasal, Mr. Lockhead."

Nagulat man, pilyo itong ngumiti. "So, natatandaan mo pa pala. Humanda ka sa 'kin mamaya."


Wakas

🎉 Tapos mo nang basahin ang Eternity - A Piece Of Heaven - Dawn Igloria 🎉
Eternity - A Piece Of Heaven - Dawn IgloriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon