Chapter 6

218 4 0
                                    

Hindi matanggap ni Roseyell ang nais mangyari ng kanyang mga magulang. Wala siyang kamalay-malay, all along ay naipagkasundo na pala siya sa matandang binata iyon. Na hinihintay lamang ang kanyang pagtatapos at pakakasal na sila.

At dahil sa mga tulong na ibinigay nito sa kanila, sa pagtustos sa pag-aaral niya at sa mga gamot ng kanyang ama, mapapadali ang pagpapakasal na iyon.

Oh Lord, help me. Hindi ko maatim na makasal sa huklubang 'yon.

Hatinggabi na ay gising pa siya, nag-iisip kung paano makakawala sa kasunduan.

SINAMANTALA ni Roseyell ang mga ipinuprusisyong rebulto ng mga santo sa daan. Lahat ng tao ay nagsisipanood kung hindi man kasama sa prusisyon. Kabilang doon ang kanyang ama't ina. Sa tabing-ilog siya dumaan na ilang metro ang layo sa likuran ng kanilang bahay. Kailangan niyang makatawid sa kabilang pampang para sa shortcut na daan patungong Santiago. May nakita siyang bangkang nakatali sa isang tuod sa tabi ng pampang. Ngunit paano siya makatatawid gayong hindi siya marunong managwan? Hindi na niya uulitin ang kapangahasan noon na muntik nang ikamatay ni Cymbeline.

Habang nag-aatubili siya, isang bangkang sinasagwanan ng isang bata ang dumaan. Agad niya iyong tinawag. Hindi nagtagal ay natagpuan na niya ang sariling sakay na ng isang Super Cat patungong Batangas Pier.

Lord, bakit nagawa ng mga magulang ko ang gano'n? Para na rin nila akong ipinagbili. O mas angkop sigurong sabihin na isinanla. Ako, na sarili naman nilang anak...

Hindi niya napigil ang pagsungaw ng luha sa isiping iyon. Samu't saring takot at alalahanin ang nasa dibdib niya. Naroon siya't naglalayag. Walang tiyak na patutunguhan.

"YELI? Bakit bumalik ka agad?" nagtatakang tanong ni Ricardo sa kanya nang mapagbuksan ng pinto sa ibaba. Agad itong umalalay sa kanya batay marahil sa nakitang pagkabalisa niya.

"Tulungan mo 'ko, Ricardo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta," sabi niya habang umaakyat na sila sa hagdan.

Iniupo siya nito sa wooden chair sa receiving area. "Bakit, ano ba'ng nangyari?"

"Ipinagtapat niyang lahat dito ang natuklasan sa kanyang pag-uwi sa probinsya.

"Ano ngayon ang balak mo?" usisa nito nang matapos siya.

"Hindi ko pa alam. Naguguluhan ako kung ano ang dapat kong gawin. Isa lang ang tiyak ko, hindi ko kayang makisama sa lalaking hindi ko mahal."

"Tanggapin mo na ang iniaalok ko, Yeli. Dumito ka na."

"Alam ng parents ko ang address dito. Matutunton din nila ako. Madadamay ka lang."

"Ang mabuti pa, sa loob na natin ituloy ang pag-iisip kung ano ang dapat mong gawin. Tiyak na hindi ka pa kumakain. Sumabay ka na sa 'kin."

Nagpaakay naman siya sa loob ng bahay nito. Ibinaba nito sa sala ang traveling bag na dala niya at iginiya siya sa dining area. Nakahain na ang hapunan sa mesa.

"Pasensya ka na. Kumakain ka pala, naabala pa kita."

"Ano bang naabala? Umupo ka na r'yan and make yourself comfortable. Ikukuha lang kita ng pinggan."

"Nasaan si Tor?" tanong niya nang bumalik ito.

"Umuwi sa kanila. Holiday, eh, kaya Linggo na ng gabi ang balik n'on dito. Kumain ka na."

Hinayaan niyang ipaglagay siya nito ng pagkain sa pinggan. Habang kumakain at kinakausap nito, unti-unting nawawala ang tensyong dinanas niya sa pagtakas.

Tinulungan niya sa pagliligpit si Ricardo ngunit hindi na ito pumayag na tumulong pa siya sa paghuhugas ng mga pinggan. Dinala siya nito sa sala.

"Stay there and take a rest. Sandali lang ako sa kusina."

Eternity - A Piece Of Heaven - Dawn IgloriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon