Chapter 9

219 2 0
                                    

Hindi makapaniwala si Roseyell sa mga inihayag ni Ricardo. "Nagbibiro ka ba?"

"Hindi ko ugaling magbiro 'pag nabubulabog ang tulog ko. Lalo pa nga kung sasandali pa lang akong naiidlip."

"Are you telling me na gagawin mo akong... mistress?"

Bumangon na ito nang tuluyan at nagsuklay ng buhok. "Kung magsalita ka, para ba akong DOM."

"Eh, ano pa ba ang itatawag mo sa sarili mo sa gusto mong mangyari? Hindi mo ba naiisip kung ano naman ang magiging kalagayan ko? Baka hindi ko na maiharap sa mga tao ang mukha ko 'pag pumayag ako sa gusto mo."

"Bakit? Na-experience mo na ngang magbuntis nang walang maipakilalang ama, 'di ba?"

Para siyang hinagisan ng maliliit na bubog sa dibdib sa sinabi nito. Isinuot nito ang isang baseball cap nang hindi siya sumagot.

"Hindi lang ako ang gumawa ng pagkakamaling 'yon," sabi niyang hindi halos lumabas sa lalamunan ang mga salita. Nangingilid na ang kanyang luha kaya tumayo na rin siya para lumabas ng silid.

"Yeli, wait..."

Huminto siya at inipon ang lahat ng pagtitimpi para hindi mapabulalas ng iyak sa harap nito. Naramdaman na lang niya ang dantay ng kamay nito sa kanyang balikat. Iniharap siya nito at walang salitang kinabig sa dibdib.

Lumabas na ang tinitimpi niyang luha. Sunud-sunod. Tuluy-tuloy hanggang sa hindi na niya maampat. Humagod ang kamay nito sa kanyang buhok at likod. Dumampi ang bibig nito sa kanyang ulo hanggang sa mapatid ang daloy ng likido sa kanyang mga mata.

"Magpahinga ka muna rito," anito nang lubos na siyang mahimasmasan. "May tatawagan lang ako."

MADILIM na ang paligid nang magising si Roseyell. Nakatulog pala siyang muli. Alas-diyes na ng gabi ayon sa mga luminous na kamay ng table clock na nasa ibabaw ng side table. Nag-iisa siya sa silid.

Lumabas siya at nakita niyang tulog na si Ricardo sa mahabang sofa sa sala. Nag-alangan siyang gisingin ito kaya tumuloy na lang siya sa komedor.

Nakahanda roon ang dalawang plato at may nakahaing ulam, natatakpan at malamig na. Ininit niya iyon at muling bumalik sa sala pagkatapos.

Tulog na tulog pa rin si Ricardo. Nakabaluktot ang mahahabang binti nito na hindi kayang i-accommodate ng upuan.

Umupo siya sa gilid ng sofa. Pinagsawa niya ang mga mata sa mukha nito. Tingin niya'y mas payat ito ngayon kaysa noon. Medyo hawasan na ang dating bilugang mukha nito ngunit cute pa rin ang baba at maliit na ilong.

Nagpapasalamat siya at namana ni Heaven ang baba nito pati na rin ang bilugang mukha. Pareho rin ng hugis ng tainga ang mag-ama.

Sayang, anak. Hindi nakita ng daddy mo ang iyong paglabas sa mundo. Kung may magagawa nga lang ako para mabalik kang muli sa 'kin...

Sulat na lang ang dinatnan niya sa crib ni Heaven nang araw na tangayin ito ng kanyang Tiya Armida, na hanggang ngayo'y nakalilito sa kanya ang nakasaad. Kung hindi nga lang isinubsob niya sa trabaho sa opisina ang sarili matapos matuklasan iyon, malamang na sa isang mental institution siya dadamputin.

Roseyell,

Ginawa ko ito dahil aaminin kong hanggang ngayon ay may natitira pa rin akong ugaling pagkamakasarili.

Aamutin ko sa pamamagitan ni Heaven ang mga araw na ipinagkait sa akin noon na makapag-aruga ng sanggol.

Hindi ko alam kung hanggang kailan kami mamamalagi sa labas ng Pilipinas. Kinuha ko man siya sa iyo, hindi kita inaalisan ng karapatan sa anak mo.

Eternity - A Piece Of Heaven - Dawn IgloriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon