Chapter 4

221 3 0
                                    

Nakalimutang lahat ni Roseyell ang sakit at hilong nararamdaman. Inaasahan na niya nang lumapat ang kamay nito sa kanyang balikat, samantalang ang mga daliri'y humaplos sa kanyang baba.

Subalit anumang mamamagitan sana sa kanila nang mga sandaling iyon ay naharangan ng papalapit na mga yabag. Kapwa sila nagising sa saglit na pananaginip nang dilat.

Mabilis niyang nasusian ang pinto at nagmamadaling pumasok. Nakatayo pa sa harapan niyon si Ricardo ay pinagsarhan na niya.

Pabagsak niyang inihiga ang sarili sa mattress ng double-decked bed at pumikit. Upang mapadilat lang muli nang maramdaman ang pagpasok ni Tess sa silid.

"May monthly period ka na naman, ano?" bungad nitong ang tinutukoy ay ang painful menstruation niya.

"Oo."

"May kumakatok ba kanina rito bago ako dumating?"

"Wala. Bakit?"

"Nakita ko kasi si Ricardo sa tapat ng pinto natin. Hindi ko naman natanong dahil umalis na agad. Baka kasi hindi mo lang mapagbuksan dahil hindi mo kayang bumangon."

Pumikit na lang siyang muli. Nakadarama na naman siya ng sakit.

"Nakainom ka na ba ng gamot?"

"Hindi pa."

Ilang saglit lang at naramdaman niyang naglagay ng tableta si Tess sa palad niya. Muli na naman siyang dumilat. May hawak na itong baso ng tubig.

"Uminom ka muna ng gamot bago kita iwan dito."

Bumangon siya. "Aalis ka ulit?"

"Oo. Birthday no'ng inaanak kong tagariyan sa Zone one. Naiwan ko lang ang ireregalo ko kaya umuwi pa 'ko."

Umalis ngang muli si Tess nang mapainom siya ng gamot. Bago makatulog ay muling bumalik sa isip niya ang mga eksena kanina sa pagitan nila ni Ricardo. Tiyak na hahalikan siya nito kung hindi sila napukaw ng mga yabag ni Tess.

Lord, bakit gano'n na lang ang atraksiyon ko sa kanya? To think na wala pa akong nagiging karelasyon minsan man.

Nakatulog siya sa isiping iyon. Mga katok ang gumising sa kanya. Napilitan siyang bumangon nang mapansin niyang hindi pa pala niya nahuhubad ang suot niyang uniporme.

Sinuklay lang niya ng mga daliri ang buhok at inayos ang nagusot na uniporme bago pagbuksan ang kumakatok. Ang houseboy ni Ricardo ang nasa labas. May dala itong natatakpang mangkok.

"Ikaw pala, Tor. Bakit?"

"Ipinabibigay sa 'yo ni Kuya," anito sabay abot sa kanya ng dalang mangkok.

"Ano 'to?" tanong niya habang kinukuha iyon.

"Sopas."

Bago pa siya muling makapagtanong ay lumayo na agad ito.

Homemade chicken soup ang laman ng mangkok at umuusok pa sa init. Nakaramdam agad siya ng pangangalam ng sikmura nang maamoy niya ang mabangong sabaw.

Sa mahigit dalawang buwan na pagtira ni Tess doon, unti-unti niyang natutunan na maaalalahanin talaga si Ricardo, pati na rin ng ibang boarders. Agad siyang tumutulong sa mga reklamo ng mga tenants at madali ring hingan ng tulong.

Ngunit hindi niya inaasahang ganoon ito ka-maalalahanin. "Masarap ang soup niya, ha," aniya sa sarili habang hinihigop ang sopas. Si Tor pala ang nagluluto. Baka kay Tor nga dapat siya magpaturo ng pagluluto. Kailangan lang tiyempuhan na wala si Ricardo.

"Ang guwapo ng naghatid sa 'yo, ah," komento ni Roseyell kay Tess isang gabi. "Bakit hindi mo pinatuloy para nakilala ko naman?"

"Saka na. Kailangan munang haling na haling na siya sa 'kin bago ko ipakilala sa 'yo," maarteng sabi ni Tess, nakataas ang noo at nakapaling sa kanan ang leeg na parang rarampa.

Eternity - A Piece Of Heaven - Dawn IgloriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon