My feet felt strange walking on the wooden floor after getting used to the cold tiles of my apartment. especially, every time I took a step, the floorboards would creak like a freaking banshee. Almost scaring me to death.
"Bakit ba di nyo pa ipaayos 'to,Pa? Ang sakit sa tenga." Reklamo ko doon sa pang last step ng hagdanan.
"Ayaw ng mama mo, maganda na daw na ganyan 'yan para di sya natatakasan ni Ileana." Naka apron sya at naka pamewang habang may hawak sa sandok sa kanang kamay.
Naka tutok sya sa balita sa kalagitnaan ng pagluluto. Bata palang ito na talaga ang nai konsidera kong normal. Not once ko rin yatang natikman ang luto ng mama ko, well kung matatawag na luto yung time na iniinit nya yung lutong ulam na binili nya sa kanto.
Si Papa kasi yung tinatawag nilang house husband mas pinili nya narin ito dahil sa gusto nya raw na isa sa kanila ang magpalaki samin. Habang si mama naman nagtratrabaho bilang isang midwife. Sya bale ang bread winner ng pamilya.
Hindi man malaki ang kinikita nya, napag kakasya naman at nakapag tapos kami nila kuya ng pag aaral. Sa ngayon si Ileana nalang din ang nag aaral.
Mula pagka bata, kahit na kailan diko narinig si mama na nag reklamo. Hindi nya rin pinilit si papa na mag hanap ng trabaho. Dahil sa bibig nya narin nanggaling na hindi nya kakayanin kapag sya ang naiwang kailangang mag asikaso samin noong mga bata pa kami.
Hate nya rin kasi ang kahit na anong gawaing bahay. And I can't also find anything to comment on this. Because I was happy growing up, si Papa talaga ang gusto kong mag hahatid at susundo sakin sa school. At na-aalala ko pa yung labis na lungkot ko every time na si mama ang makikita ko sa labas ng gate.
Hindi naman sa di kami close ni mama, mas mahal kolang siguro si Papa. Kasi bunyag sa mga mata ko yung araw araw na paghihirap nya sa pag aasikaso samin nila kuya.
Habang si mama, ever since di sya nag kwento about sa struggles na nararanasan nya sa trabaho. So I picture her as this cold and distant type of person, who I only go to every time I need money for school.
Ngayong malaki na ako, alam kong di bato ang mama ko at sinadya nyang gawing matibay at malakas ang sarili para narin mag survive kami.
"You are not fit to live in this world if you're weak and if every time you fall, you'll cry. You need to be strong, not for anyone else but for yourself. Dahil sa dulo, wala ka namang pwedeng asahan kundi ang sarili mo lang."
Iyon ang madalas kong naririnig sa kanya noon. Lalo pa't kada kibot ngumangawa ako at nagpapa karga kay Papa.
And I think she's right, and I can find in myself totally agreeing with her. Ang kaso lang dahil sa iyon na ang itinatak nya saming imahe nya, we also think na wala na syang puso at pakiramdam kahit na tao lang din naman sya.
Nag lakad ako sa kusina at nagulat sa laki ng sugpo at alimango rito. Tumaas ang isang kilay ko lalo pa't ginto ang presyo ng mga ito.
"Papa wow,mayaman na ba tayo?" Tanong ko na ikinatawa nya pa.
"May nag bigay lang nyan." Nag bukas ako ng ref at kumuha ng tubig.
"Sino?" Tanong ko bago uminom ng tubig.
"Si kuya Gener mo,dito sya kakain ng gabihan." Medyo naubo ako sa laway ko pag lunok.
"Ha? Bakit naman?" I ask him playing dumb.
"Sinabi lang ni mama mo." Sinubukan kong katagpuin ang mga mata nya pero umiiwas sya.
"Sya, bahala kayo" Turan ko saka ako dumakot ng asin at kutsilyo saka sya nilayasan.
BINABASA MO ANG
Extreme Attachment (wlw)
RomanceAfter going through a severe breakup. Ingrid learns to be cautious; she's adamant that feelings are a waste of time. Instead, she enjoys life; however, she decides to experience it. She has become so comfortable with her sexuality that some may find...